Nagpaalala ang Department of Health na kinakailangan pa rin daw magsuot ng face mask ang mga pumapasok sa school ngayong unti-unti nang bumabalik sa pre-pandemic setup ang Pilipinas.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mandatory face masks sa mga school, tatanggalin din ba? Heto ang sagot ng DOH
- Facts you need to know about COVID-19
Mandatory face masks sa mga school, tatanggalin din ba? Heto ang sagot ng DOH
Bumabalik na nang paunti-unti ang kalagayan ng bansa. Magmula sa work set-up, paglalabas-labas, at syempre sa school. Halos lahat ay nag-iimplement na muli ng offline o face to face classes dahil majority na ng population ang nabakunahan laban sa COVID-19. Sa nagdaang dalawang taon na pinagdaanan ng Pilipinas ang pandemya, handa na nga ba ang bansa na magtanggal na rin ng face mask?
Sa bagong update, inaprubahan na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa outdoor setting. Bagaman hindi pa raw ito ipapatupad kaagad, maraming magulang na tuloy ang nagtanong kung pati ba sa school ay magtatanggal na rin ng face mask.
Ayon kay Maria Rosario Vergeire ang DOH officer-in-charge, ang proposal daw na ito ng IATF ay optional lamang para sa open spaces at hindi matataong lugar na may maayos na ventilation
. Kinakailangan din daw na paunlarin pa ang COVID-19 booster sa bansa. Sa kanyang panayam sa ‘Unang Balita’ ng GMA-7, kinumpirma niya na hindi raw kabilang dito ang mga school dahil paliwanag niya, indoors naman nagaganap ang mga klase.
“Classes are done indoors. Hindi pa ho kasama ngayon ang indoors dito sa ating polisiya.”
Nagbigay rin siya ng paalala sa mga magulang na maging mapagbantay pa rin para sa mga anak nilang pumapasok na sa school. Marami pa rin daw kasi sa kabataan ang hindi pa nababakunahan na maaaring maging risk sa kanilang health.
“Sana po ang ating mga magulang, magkaroon pa rin ng pag-assess ng risks dahil alam natin na ang ating mga kabataan, marami sa kanila ay hindi pa bakunado. Ipagsuot pa rin natin ng masks ang ating mga kabataan kapag papasok sa school.”
Dagdag pa niya, maaari pa rin daw naman na hindi na magsuot ng face mask ang mga bata kung nasa lugar na wala namang masyadong tao,
“Kapag uuwi na lang kapag maglalaro, at maluwag naman ang lugar, walang tao, at saka na lang tayo magkaroon nitong optional wearing of mask.”
Aminado rin kasi si Vergeire na mababa pa rin daw ang bilang ng mga Pilipinong nagpapabakuna. Sa huling tala sa DOH data, nasa tinatayang 72.6 million ang nabigyan ng primary vaccine series. Habang nasa 18.3 million pa lang ang nabibigyan ng kumpletong booster shots malayo sa kabuuang populasyon nito na 109 million.
Kaya nga tinitignan pa rin daw nila kung kailan maaaring totally alisin na ang pagsusuot ng face mask.
“Sa tingin natin, hindi natin ‘yan mararating sa ngayon dahil nga bagal ng uptake. Ang gagawin natin, this will be a phased approach kung saan pagdating ng October 8 o 100 days. We expect na 30% of our eligible population, tapos susunod na ito hanggang sa dulo ng taon,”
Nakikita raw ng DOH na marami sa mga Pilipino ang sa tingin nila ay sapat na ang unang naunang vaccine na ibinigay sa kanila. Ito ay upang maprotektahan sila laban sa COVID-19 kaya hindi na sila nagpapa-booster shot.
Dahil daw dito, layunin nilang palakasin pa ang PinasLakas campaign. Ito ay naglalayong makapag-target ng humigit kumulang 400,000 na COVID-19 shots kada araw.
Sa Cebu City, sinimulan na ang trial period para sa optional na pagsusuot ng face mask. Tatagal ito hanggang December 2022.
Facts you need to know about COVID-19 vaccine
Here are some trivia and facts you need to know about the COVID-19 vaccine:
- Halos lahat ng nilalaman ng vaccines para sa COVID-19 ay matatagpuan din sa mga pagkain kaya safe itong gamitin.
- Hindi naglalaman ng microchip o anumang bagay na maaring mag-track ng iyong pinupuntahan ang vaccines.
- Hindi nag-iinteract o binabago ng vaccine ang DNA ng tao.
- Ligtas na i-administer ang bakuna para sa tao upang lalong maiwasan na makuha ang sakit ng COVID-19.
- Hindi bumubuo ng panibagong variant ang mga bakuna bagkus pinoprotektahan pa nito ang pagbuo ng bago pang variant.
- Iba-iba man ang paraan kung paano nagwowork ang bawat vaccine. Lahat naman ito ay nakakatulong upang mapalakas ang immune system ng tao para malabanan ang virus.