Isang ina ang inaresto matapos siyang gumawa ng video kung saan inaabuso ang isang 7-anyos na bata. Napag-alaman na ang lalaki sa video ay ang kaniyang asawa, at anak niya ang batang babae na nasa video. Bakit niya ito hinayaang mangyari, at ano ang dahilan para sa Facebook live abuse na ito?
Facebook live abuse: 7-anyos inabuso sa isang live video
Nangyari raw ang insidente sa Mexico, at ang video ay bahagi raw ng isang online challenge. Ayon sa mga nakakita, pinilit raw nila ang batang babae na hawakan sa maselang bahagi ng katawan ang kaniyang amain.
Plano raw ng mag-asawang i-record ang video, at i-share ito sa ibang mga kakilala nila na ginagawa rin ang challenge. Ngunit nagkamali raw ng pindot ang babae, kaya’t naging Facebook live ang video.
Nakita ito ng mga kamag-anak at kaibigan ng mag-asawa at agad silang sinumbong sa pulis. Nakita rin ito ng biological father ng bata, at sinave ang video upang ipakitang ebidensya. Dahil dito, nakulong ang mag-asawa at plano silang kasuhan ng mga pulis.
Iniimbestigahan pa ng mga pulis kung isolated incident ba ito, o kung mayroon pang ibang gumagawa ng ganitong klaseng “challenge.”
Kahit kailan ay hindi tama ang pang-aabuso ng bata
Responsibilidad ng mga magulang ang protektahan at alagaan ang kanilang mga anak. Kaya’t ang nangyaring ito ay labis na nakakalungkot dahil mismong ina pa ng bata ang kumuha ng video.
Dapat ay maprotektahan ang mga bata sa ganitong klase ng pang-aabuso, at mahalagang i-report kaagad ang ganitong mga insidente sa pulisya.
Heto ang ilang mahahalagang reminders para sa mga magulang pagdating sa child sex abuse:
1. Maging matatag at “open” sa iyong anak
Natural lamang maging emosiyonal bilang magulang kapag nakarinig ka ng mga ganitong balita. Pero dapat maging matatag ka. Ipakita sa iyong anak na gagawin mo ang lahat para siguraduhing safe sila. Itong assurance na ito’y mabibigyan din sila ng lakas ng loob na lagi maging alerto at “open” na magkuwento sa iyo.
2. Paniwalaan ang iyong anak
Kapag nagsumbong ang iyong anak na hinawakan sila o kahit kinausap man lamang sa paraan na hindi kumportable para sa kanila, paniwalaan sila. Huwag silang pagalitan, bagkus ay pakinggan mo sila. Kapag ginawa mo ito, mas magiging open sila na magsabi sayo ng kahit ano. Kapag alam mo ang bawat detalye, mas makakasiguro kang alam mo kung paano sila pananatilihing safe sa lahat ng oras.
3. Turuan ang bata tungkol sa “good touch” at “bad touch”
Hindi laging halata ang senyales ng pang-aabuso, kaya’t importante na alam ng mga bata ang good touch at bad touch. Ang bad touch ay ang paghawak sa mga parte ng katawan na “tinatakpan ng kanilang underwear” pero kahit anong touch man lang, basta’t hindi ito kumportable sa pakiramdam nila, ay dapat nilang isumbong.
Subaybayan din ang kilos nila, mailap ba sila sa mga partikular na tao? May pagbabago ba sa disposisyon at ugali nila?
4. Huwag silang hahayaan mag-isa kahit na kasama na taong “mapagkakatiwalaan” naman
Ang tawag dito ay pag-“minimize” ng opportunity ng child abuse. Huwag hayaang mag-isa ang bata, kahit na kilala mo ang kanilang kasama, kahit na kamag-anak pa ito, kahit na pari pa ito o miyembro ng simbahan.
Oo, hindi maiiwasan na iwan ang bata, kapag may trabaho o importanteng lakad, pero siguraduhin mapagkakatiwalaan talaga ang taong mag-aalaga sa kanila. Pagdating sa safety ng mga bata laban sa pang-aabuso, mas mabuti na ang maging maingat, dahil hindi biro ang mga kaso ng child abuse, at mas nakakabahala na kahit mga pari ay maaaring maging suspek.
Source: Daily Mail
Basahin: Kindergarten student na-gang rape sa CR ng paaralan