Best Facial Care Product Bundles Na Sulit At Available Online

Gustong makatipid sa paggamit ng mga facial care products? Tignan ang mga sulit na bundle deals na ito na available online.

Anu-anong facial care products ang gamit mo?

Facial Care Products: Sulit Na Bundles Available Online

Tiyak na hindi lamang isa o dalawang produkto ang ginagamit mo para sa iyong skin care routine sa mukha. Nariyan ang facial wash, toner, serum, moisturizer, sunscreen at kung anu-ano pa. Madalas ay may kamahalan pa ang presyo ng mga ito kaya naman kinakailangan mong ihanda ang iyong budget sa pagbili.

Alam mo bang mas makakatipid ka kung bundled skin care products ang iyong bibilhin? Naglista kami ng 6 facial care bundles mula sa best brands na available sa online market.

Patuloy na magbasa upang malaman ang mga sulit na deals na ito, plus kumuha ng tips mula sa amin kung paano mapapangalagaan ang iyong mukha.

Best Facial Care Products

Facial Care Bundles
Cetaphil Bright Healthy Radiance Set
Best brightening set
Buy Now
Organic Skin Japan Anti-Acne Whitening Set
Best anti-acne set
Buy Now
Garnier Bright Complete Skin Care Travel Kit
Best travel kit
Buy Now
Happy Skin Hyaluronic Skincare Full Set
Skincare set
Buy Now
Celeteque Hydration and Sun Protection Bundle
Best starter kit
Buy Now
Pond's Healthy Hydration Watermelon
Best pore minimizing set
Buy Now

Cetaphil Bright Healthy Radiance Set

Best brightening set

Facial Care Products: Sulit Na Bundles Available Online | Cetaphil

Gusto ng bright at radiant skin? Ito ang best bundle for you! Ang Cetaphil Bright Healthy Radiance Set ay binubuo ng creamy cleanser, serum, night cream at instant radiance mask. Ang product line na ito ay ginamitan ng tatlong powerful ingredients na epektibo sa pagpapaputi ng mga dark spots.

Mayroon itong Niacinamide na nakakatulong sa pag-iwas sa maagang pagtanda ng balat at pagpapantay ng kulay nito, Sea Daffodil na nakakabawas sa puffiness at dark spots, at Vitamin C na nakakapagpalabas din ng glow at brightness ng balat. Hindi lamang pampaputi ang line na ito dahil kaya rin nitong masolusyonan ang problema sa fine lines, dryness, irritation at iba pang skin concerns.

Sa loob lamang ng 14 days na consistent na paggamit ng mga produktong ito ay tiyak na makikita mo na ang improvements sa iyong balat. Fragrance-free at Dermatologist-tested din ang mga produktong ito kaya naman safe na safe gamitin.

Features we love:

  • Brightening set
  • Visible results in 14 days
  • Fragrance-free

Organic Skin Japan Anti-Acne Whitening Set

Best anti-acne set

Facial Care Products: Sulit Na Bundles Available Online | Organic Skin Japan

Mayroong acne-prone skin? Baka ito na ang hinahanap mong solusyon sa iyong problema! Subukan ang facial care bundle na ito mula sa Organic Skin. Formulated ang mga produktong ito sa Japan at ginamitan ng makabagong teknolohiya kaya naman siguradong high quality at effective ang mga ito.

Binubuo ang set na ito ng facial wash, toner essence, acne care day cream at acne care serum. Gawa ang mga ito sa natural botanical ingredients at walang halong harsh chemicals na maaaring mas makapagpalala ng tigyawat. Naglalaman ang anti-acne care kit na ito ng Tea tree oil, Niacinamide at Salicylic acid na epektibong nakakapaghilom ng tigyawat at nakakapigil sa pagkakaroon ng acne scars at marks.

Ang kagandahan pa rito, ang day cream ay mayroong SPF35++ na nakakapagbigay proteksyon sa UV rays.

Features we love:

  • Gawa sa natural ingredients
  • Anti-acne at whitening
  • SPF35++

Garnier Bright Complete Skin Care Travel Kit

Best travel kit

Facial Care Products: Sulit Na Bundles Available Online | Garnier

Kung facial travel kit naman ang hanap mo, tamang-tama ang Garnier Bright Complete Set para sa iyo! Ang mga produktong kabilang sa set na ito ay maganda para sa mga may dull at uneven skin. Kasama sa travel kit na ito ay ang cleansing foam,  serum, day cream at sunscreen.

Ang star component ng product line na ito ay Vitamin C na may kakayahang mag-improve ng kulay ng balat. Maaari ring makatulong ito sa mga dark spots at acne marks. Sa consistent na paggamit ng mga produktong ito ay mapapansin mo ang pagbabago ng iyong balat sa loob lamang ng 3 days.

Features we love:

  • Travel kit
  • Vitamin C
  • Nakakapagpawala ng dark spots sa loob lamang ng 3 days

Happy Skin Hyaluronic Skincare Full Set

Best hydrating set

Facial Care Products: Sulit Na Bundles Available Online | Happy Skin

Nais mo bang magkaroon ng plump at dewy skin? Ang Hyaluronic Skincare full set na ito mula sa Happy Skin ang dapat mong gamitin. Kabilang sa set na ito ang soothing cleansing gel, water cream, capsule serum at brightening eye cream.

Ang mga produktong ito ay naglalaman ng Hyaluronic acid na nakakapagbigay ng intense hydration sa balat. Bukod pa riyan ay mayroon din itong Cica na nakakapagpakalma ng inflamed at acne-prone skin, Niacinamide o Vitamin B3 na nakakapagpaputi at Ceramides na nakakapaglock in ng moisture sa skin.

Lightweight at hindi malagkit sa balat ang mga produktong ito kaya napaka komportableng gamitin.

Features we love:

  • Hydating skincare set
  • Hyaluronic acid at Vitamin B3
  • Lightweight at non-greasy

Celeteque Hydration and Sun Protection Bundle

Best starter kit

Facial Care Products: Sulit Na Bundles Available Online | Celeteque

Para sa mga teenagers o nagsisimula pa lang sa paggamit ng skincare products sa mukha, magandang subukan ang set na ito mula sa Celeteque. Kasama sa set na ito ang kanilang hydration facial wash, hydration facial moisturizer at skin defense matter moisturizer.

Mayroon itong mild at hypoallergenic formulation kaya't makakatiyak kang hindi ito makakairita ng balat. Ang hydration facial moisturizer nito ay naglalaman ng Glycerin, Pro-vitamin B5 at Aloe Vera na nakakapagbigay ng deep hydration sa balat kaya't siguradong makakaiwas ka sa dry skin habang gamit ito.

Higit pa riyan, ang skin defense matte moisturizer na kasama sa set na ito ay may kakayahan magbigay ng proteksyon mula sa UVA/UVB rays, blue light at pollution dahil sa taglay nitong SPF50. Dermatologist-tested din ang buong product line na ito, at paraben and fragrance-free pa.

Features we love:

  • Hydrates skin
  • Mild at hypoallergenic formulation
  • Fragrance-free

Pond's Healthy Hydration Watermelon

Best pore minimizing set

Facial Care Products: Sulit Na Bundles Available Online | Pond's

Kung gusto mo namang bahagyang lumiit ang iyong mga pores sa mukha, magandang gamitin ang Watermelon product line na ito mula sa Pond's. Kaya ka nitong matulungan upang maachieve ang pinapangarap mong less visible pores at glass skin. Hindi na 'yan nakakapagtaka dahil naglalaman ito ng apat na klase ng Hyaluronic acid na nakakapagbigay ng hydration sa balat at nakakapagpaliit ng pores.

Sinamahan pa ito ng natural watermelon extract and Vitamin E para mas maging fresh at younger looking ang balat. Kaya naman hindi lamang problema sa pores ang masosolusyonan ng perfect pair na ito. Maging ang problema sa dullness, dry skin at aging skin ay kayang-kayang labanan ng toner at serum na ito.

Features we love:

  • Natural watermelon extract
  • 4 kinds of Hyaluronic acid
  • Pore minimizing

Price Summary

Brands Bundle Price
Cetaphil Bright Healthy Radiance Set Cleanser, mask, serum and night cream Php 4,790.00
Organic Skin Japan Anti-Acne Whitening Set Facial wash, toner essence, day cream and serum Php 1,099.00
Garnier Bright Complete Skin Care Travel Kit Facial wash, serum, day cream and sunscreen Php 943.00
Happy Skin Hyaluronic Skincare Full Set Cleansing gel, water cream, capsule serum and eye cream Php 2,999.00
Celeteque Hydration and Sun Protection Bundle Facial wash, moisturizer and matter moisturizer SPF50 Php 696.00
Pond's Healthy Hydration Watermelon Toner and serum Php 758.00

Facial Care Tips

Narito ang ilan sa mga skin care tips na maaari mong sundin upang maachieve ang healthy, youthful at acne-free face:

  • Maghilamos ng dalawang beses sa isang araw. Siguraduhin na banayad lamang ang paglilinis ng mukha.
  • Huwag ibabad ng matagal ang facial wash o sabon sa mukha upang maiwasan ang pag dry ng balat.
  • Bigyan ng light massage ang mukha upang gumanda ang sirkulasyon ng dugo rito. Maaari itong isabay habang naglalagay ng serum.
  • Upward strokes o pataas dapat ang pagpapahid ng moisturizer sa mukha.
  • Huwag kalimutang gumamit ng sunscreen upang maiwasan ang mga skin damages na maaaring makuha sa araw, blue light at polusyon.

Kapag nakakaranas ng seryosong skin problem gaya na lamang ng pagkakaroon ng maraming tigyawat, mas makakabuting kumonsulta sa isang Dermatologist upang mabigyan ng akmang treatment.