Sa buhay mag-asawa ba minsan na fa-fall out of love pa ba? ‘Yung tipong sa sobrang tagal niyo ng magkasama nagkakasawaan na?
Bago kami ikasal ni blessed daddy maraming nagsasabi na “Ngayon lang ‘yan ganiyan, kapag matagal na kayo magbabago na ‘yan.” sounds familiar ‘no?
Fall out of love: 5 tips para maibalik ang tamis ng pag-ibig
Minsan nasasabi nila ‘yung ganiyan base sa experience ng buhay mag-asawa nila. Nakakalungkot isipin na talagang may mga mag partners na minsan nawawalan na ng gana sa isa’t-isa. Minsan talagang nagsasawa na sa buhay na meron sila.
Pero paano ba natin maibabalik ang unang tamis ng pag-ibig?
1. Alalahanin mo ‘yung una kang nanligaw sa kaniya o ‘yung una ka niyang niligawan
Isipin mo ‘yung mga una niyong ginawa together. Isipin mo kung bakit siya ang pinili mo at hindi ang iba.
2. Titigan mo siya sa mata
Sa mata makikita ang soul ng isang tao. Baka kasi matagal mo na pala siyang hindi natititigan sa mata. Habang tinititigan mo siya, isipin mo kung bakit siya ang Pinili mo at hindi ang iba.
3. Effort
Naalala mo noong una, diba todo effort ka? ‘Yung tipong ikaw si Mr. Effort at Ms. Effort.
Do something na matagal mo nang hindi nagagawa sa kaniya. Surprise mo siya kahit sa maliit lang na bagay. Hindi naman kailangan magarbo ang surprise mo, ang mahalaga ay makikita ang effort. Mag-focus ka sa love language niya. Isipin mo habang ginagawa mo ito kung bakit siya ‘yung pinili mo at hindi ‘yung iba.
4. Do something together
Marahil wala ng time sa isa’t-isa lalo na simula noong magkaanak kayo. Pero naalala mo noon, ‘nung mag BF at GF pa lang kayo, you will always find a way para lang magkasama kayo? Kahit pagod na sa kaniya-kaniyang trabaho noon, pero nagagawa niyo pa ring lumabas ng kayo lang dalawa.
Kahit na may anak na, you can do something together. Hindi naman kailangan lumabas ng bahay para hindi niyo gawin. Pwedeng maghugas ng plato na kayong dalawa. Pwede rin naman na mag-date kayo sa bahay kapag tulog na ang mga chikiting. Ang mahalaga, you will do something together. Isipin mo bakit siya ang pinili mo at hindi ang iba.
5. Intimacy
Isa sa nagpapatibay at very vital ng relationship ay ang pagkakaroon ng intimacy ng mag-asawa.
Ibalik ang alab ng pag-ibig dahil ang pagkakaroon ng intimate time is a gift from God. Bring back the closeness of your marriage.
Share your stories with us! Be a contributor theAsianparent Philippines, i-click here