Sa panahon ngayon kung saan maraming Pilipino ang nagtatrabaho na online, hindi na imposible ang magkaroon ng flexible lifestyle. Pero paano kung sabihin naming puwede mo nang dalhin ang trabaho mo abroad, at hindi mo kailangang iwan ang pamilya?
Maraming bansa ngayon ang nag-aalok ng Digital Nomad Visas: residence permits para sa mga remote workers na gustong manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. Ang maganda pa rito, maraming bansa ang family-friendly, ibig sabihin, puwedeng sumama si partner at ang mga anak ninyo.
Kung WFH parent ka at nangangarap ng bagong simula sa ibang bansa, heto ang listahan ng mga bansang bukas para sa mga digital nomads na may pamilya.
1. Portugal (D7 Visa / Digital Nomad Visa)
-
Income requirement: At least €2,820/month (approx. ₱180,000)
-
Validity: 1 year, renewable
-
Puwede ba ang family? Oo, may dependent visa para sa spouse at mga anak
-
Benefits: Safe and welcoming communities, magandang healthcare system, at easy access sa ibang EU countries
2. Spain (Startup Act Digital Nomad Visa)
-
Income requirement: Around €2,200/month (approx. ₱140,000)
-
Validity: 1 year, renewable up to 5 years
-
Puwede ba ang family? Oo, may dependent visas para sa partner at anak
-
Benefits: Rich culture, magandang klima, at quality education para sa mga bata
3. Croatia
-
Income requirement: €2,232/month (approx. ₱142,000)
-
Validity: Up to 1 year (non-renewable, pero puwedeng mag-reapply)
-
Puwede ba ang family? Oo, basta may proof ng relationship
-
Benefits: No tax sa remote income, magaganda at tahimik na coastal towns, at mas affordable na lifestyle
4. Italy (Digital Nomad Visa – launched April 2024)
-
Income requirement: €28,000/year (approx. ₱1.8M or ₱150,000/month)
-
Validity: 1 year, renewable
-
Puwede ba ang family? Oo, puwedeng mag-apply ng residence permit para sa dependents
-
Benefits: Family-centered culture, top-tier healthcare, at masarap na pagkain sa araw-araw
5. Greece
-
Income requirement: €3,500/month (approx. ₱224,000)
-
Validity: 1 year, renewable
-
Puwede ba ang family? Oo
-
Benefits: Mediterranean lifestyle, relaxed pace of life, at scenic environment
6. Cyprus
-
Income requirement: €3,500/month (approx. ₱224,000)
-
Validity: Up to 1 year
-
Puwede ba ang family? Oo
-
Benefits: English widely spoken, ligtas para sa pamilya, at maganda ang klima
7. Malaysia (DE Rantau Nomad Pass)
-
Income requirement: $24,000/year (approx. ₱1.4M/year or ₱116,000/month)
-
Validity: 1 year, extendable
-
Puwede ba ang family? Oo
-
Benefits: Malapit sa Pilipinas, multicultural society, at mababang cost of living
Final Reminders Before You Apply:
Bawat bansa ay may kanya-kanyang requirements at proseso. Kadalasan, kailangan mo ng:
-
Proof of income or savings
-
Valid passport
-
Remote work or business documentation
-
Health insurance
-
Police clearance
-
Proof of relationship for dependents
From WFH to World Traveler
Ang digital nomad lifestyle ay hindi na lang para sa solo travelers o freelancers na walang sabit. Sa panahon ngayon, pati ang mga pamilya ay puwede nang makisabay sa ganitong setup basta maayos ang plano at kompleto ang requirements. Kung matagal mo nang pinapangarap na mabigyan ng mas magandang environment ang pamilya mo habang patuloy kang nagtatrabaho online, baka ito na ang sign na inaantay mo.
Gamitin ang oportunidad na ito para pagsabayin ang career growth at quality family life sa ibang parte ng mundo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!