10 Family K-Dramas na puwedeng panoorin kasama ang buong pamilya

Kilala ang korean drama sa powerful at magagandang konsepto nila. Ngunit ano nga ba ang swak na family kdrama para sa inyo?

Kilala ang korean drama sa powerful at magagandang konsepto nila. Hindi lang kasi ito umiikot sa love story, marami rin na magagandang family kdrama na pwedeng-pwede niyong i-binge watch kasama si daddy at iyong kids.

Maraming pilipino rin ang nakakarelate sa kanilang mga drama. Ito ay hindi nalalayo ang kdrama sa pamilyang pilipino. Mararamdaman mo ang tagos sa puso na message at pati na rin sumasalamin ito sa iba’t-ibang uri ng pamilya.

10 family kdrama na maaaring i-binge watch

Ngunit ano nga ba ang swak na family kdrama para sa inyo?

1. Reply 1988 (2015)

Ilang years na rin matapos ang Reply 1988 pero karamihan sa mga nakanood dito ay hindi pa rin maka move-on sa hatid na message ng family kdrama.

Tumatakbo ang Reply 1988 sa kwento ng 5 pamilya na nakatira sa iisang street. Kakaiba ang kdrama na ito dahil para kana ring nag look back sa taong 1988. Siguradong makakarelate ang filipino family sa kdrama na ito dahil hindi nalalayo ang kwento nito sa atin.

Deepti Yadav: “This is one of the best drama. Complete package of family, friendship, childhood friends, school love life, financial crisis, neighbours, life lessons. It was worth watching.”

2. Sky Castle (2018)

Korean family drama

Tumatakbo ang family kdrama na ito sa apat na mayamang pamilya na nakatira sa Sky Castle. Priority nila ang kanilang mga anak na makakuha ng mataas na rank sa school at makapasok sa mataas na paraalan na Seoul National University.

Sumasalamin ito sa educational system ng bawat school at pamilya sa loob ng kanilang bahay.

Eman F: “This is not your average rich housewives drama. It tackles sensitive issues such as mental health, exam stress (education system), parental expectations and family dynamics. At its core, it is about how parents grow up to truly understand their kids.”

3. Hi Bye, Mama! (2020)

Perfect kdrama naman ang Hi Bye, Mama! sa mga mahilig sa emotional drama. Ang kwento nito ay tungkol sa isang nanay na matagal nang patay. Nagkaroon siya ng pagkakataon upang mabuhay ulit kapag nakabalik siya sa kanyang tirahan.

Krystin Edsamae D. Balde: “This kdrama leaves a subtle feeling to the viewers- peace! It teaches us with so many life lessons and that is to be thankful for every circumstances we encounter and to see every obstacles as a lesson.”

4. Golden Life (2017)

Korean family drama

Kwento ito ng isang batang nawalay sa kanyang totoong pamilya at napunta sa mahirap na pamilya. Ito ay may pagka-Cinderella story dahil nang ibalik siya sa totoong family niya, sila pala ay mayaman.

Bay Bay: “This kdrama really makes you think deeper about what happiness is. Some might think that happiness is in correlation with wealth or academic success, but the smallest things can bring you greater happiness in life.”

5. High Kick (2006)

Korean family kdrama

Sumasalamin rin sa karaniwang klase ng pamilya ang High Kick. Kilala bilang motorcycle mania ang bidang anak na laging napapaaway. Samantalang ang kapatid nito ay laging mataas ang rank sa school.

Nada Alani: “It’s a warm drama, and its gonna touch your heart. It felt like they are my family even if they were not and absolutely there is an endless comedy.”

6. Potato Star (2013)

Tungkol naman sa pamilya Noh at mga kapitbahay ang Potato star. Isa itong comedy sitcom na ipinalabas noong 2013. Makikita rin dito ang mga klase ng pamilya.

7. My father is strange (2017)

Kwento ito ng isang middle class family. Simple lang ang kanilang pamilya nang biglang isang araw, nagpakilala sa kanila ang isang sikat na artista at sinabing anak sya ng pamilya.

Fatema Burhanuddin: “One of the greatest shows ever it is definitely a must watch. I really have no words to describe how beautiful and amazing the show is.”

8. Life is beautiful (2010)

Korean family kdrama

Ang Life is beautiful ay kwento ng blended family na nakatira sa Jeju Island. Isa itong drama na ipinalabas noong 2010. Makikita rin dito ang iba’t-ibang klase ng pamilya.

9. Go back couple

Ang kwento ng Go back couple ay tungkol sa mag-asawa na pinagsisihan na sila ay nagpakasal. Binigyan sila ng 2nd chance na magmahal ulit at bumalik sila sa nakaraan kung saan sila ay college pa lamang.

Gerry Anne: “All I want to say in this drama is it’ll surely make you cry. It will make you come up with life realizations.”

10. Ojakgyo Brothers (2011)

Kwento ito ng pamilya na mayroong apat na anak na nakatira sa Ojakgyo farm. Marami ang sikreto na itinatago ng pangatlong anak. Tinago niya ito hanggang sa malaman na ng lahat.

Korean family kdrama

 

Ikaw mommy, anong pinapanood mong kdrama ngayon?

 

BASAHIN:

100 Korean boy names para kay baby


Sinulat ni

Mach Marciano