Family vacation mahalaga sa paglaki at development ng mga bata

Bukod sa mag-eenjoy ang iyong anak, alam mo bang may iba pang mga benepisyo ang bakasyon ng pamilya sa bata?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga ang family vacation lalo na sa mga bata. Makatutulong ito sa kanilang mental health at brain development.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Benepisyo ng masayang bakasyon ng pamilya sa bata
  • Family vacation idea: 5 lugar na pwedeng puntahan sa bakasyon ng pamilya

Benepisyo ng masayang bakasyon ng pamilya

Noong nag-aaral pa tayo, tiyak na isa rin sa mga inaabangan natin bilang bata ay ang panahon ng bakasyon. Ang ilan sa atin ay umuuwi ang buong pamilya sa probinsya para magbakasyon. Mayroon namang iba na ginugugol ang bakasyon ng pamilya sa mga lugar na bihira o hindi pa nila napupuntahan.

Alam mo ba na ang masayang bakasyon kasama ang pamilya ay may magandang maidudulot sa iyong anak?

Larawan mula sa Pexels kuha ni Pixabay

Mahalaga ang oras na nailalaan natin sa pamilya. Sa panahon ngayon na tumataas ang krisis sa ekonomiya, tiyak na marami sa mga magulang ang ginugugol ang kanilang oras sa pagtratrabaho. Kaya naman, ang saglit na bakasyon ay mahalagang pahinga mula sa pagod ng pagtratrabaho ng magulang at pag-aaral naman ng anak.

Mapatitibay ng bakasyon ng pamilya ang ugnayan ng mga bata sa kanilang mga magulang. Makakapag-relax sina mommy at daddy habang nag-eenjoy din ang mga chikiting. Importanteng sandali ito para patibayin ang family bond sa pamamagitan ng pag-uusap nang walang interruption mula sa trabaho at eskwela. Maaari ding mag-bonding sa mga lugar na hindi niyo madalas mapuntahan tuwing regular na araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan ng family bonding, matututunan ng bata na maging bukas sa kanilang mga magulang.

Magandang oportunidad ang bakasyon ng pamilya para magkwento ang iyong anak ng mga nararamdaman at naiisip niya. Pati na rin ang mga bagay na gusto niyang gawin.

Ayon sa article ng Parent Circle, mayroong dalawang brain systems ang tao, ang play system at seeking system. At nagagawang i-trigger o buhayin ng masayang bakasyon ng pamilya ang mga brain system na ito. Nagproproduce umano ang utak ng neurochemicals tulad ng opioids, dopamine, at oxytocin. Sa pamamagitan ng mga hormone na ito ay bababa ang level ng iyong stress at maging ng stress ng iyong anak. Kung ang bakasyon niyo ay malapit sa kalikasan, makakatulong ito para ma-improve ang concentration at attention ng bata.

Bukod pa rito, malaki rin ang nagagawa ng masayang bakasyon ng pamilya sa brain development ng bata.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Yulianto Poitier

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa psychotherapist na si Dr. Margot Sunderland, na nabanggit sa article ng Parent Circle, ang family vacation ay nagbibigay ng pagkakataon sa bata na matuto sa bagong environment. Ang mga bagong karanasan sa social, physical, at sensory interaction, ay maaaring makatulong upang ma-develop ang IQ ng bata.

Beneficial sa physical at mental health ng bata ang pagkakaroon ng masayang family vacation.

Dagdag pa rito, nakatutulong din ito para ma-improve ang kanilang social skills. Sa pagpunta sa iba’t ibang lugar, maraming oportunidad kung saan matututunan ng iyong anak ang iba’t ibang kultura, kaugalian ng mga tao, uri ng pamumuhay, at mga pagkain sa mga lugar na iyon. Sa pamamagitan ng pakikipag-interaksyon sa ibang tao, mapatataas ang kumpiyansa ng iyong anak. Mahalaga rin ito sa development ng kaniyang social at interpersonal skills.

Family vacation idea: 5 lugar na puwedeng puntahan 

Maraming iba’t ibang lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga pamilya para magbakasyon. Narito ang ilan sa mga lugar na maaari niyong puntahan kung nais niyong dalahin ang pamilya sa isang masayang bakasyon.

Intramuros

Kung saglit lang ang bakasyon at hindi makapupunta sa mga malalayong lugar, puwedeng bumisita sa Intramuros. Historic part ito ng Maynila. Nasa gitna man ng lungsod ay tiyak na maraming matututunan ang iyong anak tungkol sa kasaysayan ng lahing Pilipino. Maraming puwedeng puntahan sa Intramuros tulad ng Manila Cathedral, simbahan ng San Augustine, at Fort Santiago.

Boracay

Kung beach naman ang nais puntahan kasama ang pamilya, nariyan ang Boracay. Isa ito sa mga pinakasikat na tourist attraction sa bansa. Mayroong iba’t ibang Beach sa Boracay Island na maaaring puntahan: Puka Beach, Baling Hai Beach, Bulabog Beach, at White Beach. Bawat beach na ito ay mayroong iba’t ibang characteristics. Maraming water activities na maaari niyong subukan kasama ang iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels kuha ni Darwin Frivaldo

Coron Island

Kung nais niyo namang mag-enjoy sa dagat kasabay ng pag-introduce ng history sa inyong anak, maaaring pumunta sa Coron Island.

Matatagpuan ang isla sa Palawan. Kulay bughaw ang sea water nito, kalmado ang mga alon, at napakaganda ng tanawin. Maaaring subukan ang diving at snorkeling at iba pang activity na pwede sa bata. Matatagpuan din sa Coron Island ang Japanese shipwreck noong World War II. Puwede mo itong ipakita sa iyong anak habang ipinakikilala sa kaniya ang kasaysayan ng shipwreck.

Chocolate Hills

Mahilig ba sa tsokolate ang iyong anak? Siguradong maa-amaze siya sa Chocolate Hills sa Bohol. Ang chocolate hills ay mga burol na matatagpuan sa Batuan, Carmen, at Sagbayan sa Bohol. Nagbabago ang itsura nito depende sa panahon. Tuwing rainy season, bright green ang kulay ng mga burol habang kulay tsokolate naman ito tuwing tag-araw.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Jondave Libiran

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Manila Ocean Park

Isa rin ang lugar na ito sa mga dinarayo ng mga pamilya tuwing bakasyon. Sigurado kasing maaaliw ang mga bata sa iba’t ibang specie ng water animals sa ocean park. Puwedeng subukan ang fish spa, pagmasdan ang exhibit ng mga jelly fish, bisitahin ang marine life habitats, o panoorin ang mga attractive sea lions. Isa pa, mayroon ding musical fountain shows sa Manila Ocean Park na tiyak na ikatutuwa ng iyong anak.

+Source

Parent Circle, Tripboba

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan