LOOK: Ang sexy mommy na ito ay 5-months pregnant na!

lead image

Ma-amaze sa kaseksihan ng 5 months preggy na si Fatima Rabago at alamin kung bakit almost flat ang baby bump niya kumpara sa ibang buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi makaget-over ang mga netizens sa sexy Instagram post ng Spanish model-entrepreneur na si Fatima Rabago na ayon sa kaniyang post ay 5 months preggy na. Kahit na nasa second trimester na ang celebrity, halos flat pa din kasi ang kaniyang tiyan.

Kabi-kabila ang mga nakakatuwang komento ng mga netizens na na-amaze sa kaseksihan at almost flat tummy ng model kahit ito ay buntis na. Kahit nga mga celebreties ay hindi napigilang mapa-comment din sa sexy post na ito ni Fatima Rabago.

solenn

Thats my tummy when i need to pee 1😂

botchi_90210

@solenn 😂😂😂 im not even pregnant and i look like i am

i.n.d.a.y

Asan ang hustisya?! 😂 Grabeee 5mos preggy ito

sbrigidayvaness

5 MONTHS???!!!!!!!!!!! MY TUMMY IS EVEN BIGGER THAN YOURSSS😭😭😭😭😭

just_teen_202609

I see no baby bumps😂😂 that’s my stomach when i am full😂😂

msellavilladar

5 months to? Seryoso? Bakit ganun yung tiyan ko parang 9months HAHA. @fatimarabago 😍😍

jessdlrosario

mas mukha pa akong buntis @julietropi hahahaha

sanchki

Am single no children and my tummy is bigger compared to you. Envy!!! Bless you and your family.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

jeralyn1012

Omg how I wish my tummy like this when I pregnant for me your the sexiest pregnant..🙌

komtsunana

Nasan yung bataaaa????

akosikimmypot

@heydaeday life is not fair

Fatima Rabago

Maniwala man kayo sa hindi, totoong buntis siya. Ayon nga kay Fatima Rabago, misis ng Japanese-Barazilian model at former Pinoy Big Brother housemate na si Hideo Muraoka, kakaiba nga daw ang pagbubuntis niya ngayon kumpara noong una niyang pagbubuntis sa panganay nilang anak ni Hideo na si Danda.

Ngayon daw ay nakaka-experience siya ng matinding migraine na umaabot ng tatlo hanggang apat na araw buwan-buwan na kung saan mas pinipili niyang magpahinga at matulog kapag umaatake na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang Instagram video nga ni Fatima ay naiyak sa tuwa ang kaniyang panganay na anak na si Danda ng malamang magiging ate na siya.

Kahit siya nga mismo ay na-aamaze sa kaseksihan niya kahit buntis na. Makikita ito sa isa niyang Instagram post na nagbibigay umano ng update sa pagbubuntis niya kahit wala namang pagbabago sa baby bump niya na makikita lang daw kapag humihiga siya.

Noong Nobyembre ay masayang ibinalita ni Fatima at ng kaniyang asawa na si Hideo ang magandang balita sa kanilang fans at followers na kung mapapansin magpahanggang ngayon ay tila walang pagbabago sa katawan niya.

Si Fatima Rabago at Hideo Muraoka ay kinasal nitong Nobyembre lang ng nakaraang taon sa isang simple wedding ceremony sa Bali, Indonesia na kung saan ang kanilang panganay na anak na si Danda ang tumayong bearer ng kanilang mga singsing.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa pagmomodel, si Fatima ay nagmamay-ari rin ng isang swimwear line na Agua Brazilian Swimwear.

Iba’t ibang laki ng tiyan ng buntis

Ngunit huwag na kayong magtaka at ikumpara ang tiyan niyo ng buntis sa tiyan niyan ngayon ni Fatima, dahil ayon sa mga eksperto ay iba-iba daw talaga ang hugis at laki ng tiyan ng mga babae kapag nagdadalang-tao.

Ayon iyan kay, Dr. Jessica Kiley, isang Associate Professor ng Obstetrics and Gynecology sa Northwestern Feinberg School of Medicine.

Dagdag pa ni Dr. Kiley, normal ang pagkakaroon ng maliit na tiyan sa mga first-time mommies dahil nagsisimula pa lang daw na mabanat ang iyong uterus hindi tulad ng mga susunod na pagbubuntis na mas banat na ang iyong abdominal wall kaya mas madali ng lumabas ang baby bump.

Isa pang dahilan na maaring makaapekto sa size ng baby bump ng isang buntis ay ang kondisyon na kung tawagin ay diastasis recti o abdominal separation na kung saan ang kaliwa at kanang bahagi ng muscle sa tiyan ay naghihiwalay. Nagbibigay ito na mas malaking space sa abdominal wall at tumutulak palabas sa uterus dahilan upang ang baby bump ay magmukhang malaki. Ayon parin iyan sa paliwanag ni Dr. Kiley.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang factor din daw sa pagkakaroon ng iba-ibang shape ng baby bump sa mga babae ay ang level ng fitness at general abdominal strength ng isang babae. Tulad nga kay Fatima na mayroong healthy at active lifestyle.

Ngunit ayon parin kay Dr. Kiley, hindi daw kailanman maiimpluwensyahan ng body type ng isang babae ang size ng kaniyang baby bump. At kadalasan daw ang baby bump ay lumalabas sa 20 weeks’ ng pregnancy na maari ring mapaaga o ma-late ng konti. Kaya naman hindi daw dapat kabahan o ikumpara ng isang buntis ang tiyan niya sa iba.

 

Sources: PEP.ph, ABS-CBN News, Health.com
Photo: Fatima Rabago’s Instagram

Basahin: Mga posisyon ng baby sa loob ng tiyan: Alamin kung ano ang ibig sabihin nito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement