Trending sa social media ang pagtatapos ng January. Dahil ika nga ng mga netizen, parang napakahaba ng nagdaang buwan. Ngayon nga ay February na, at siguro ay naghahanap kayo ng ganap na maaari niyong puntahan bilang family bonding. Kaya naman, narito ang ilang February events sa Philippines na pwedeng-pwedeng puntahan ng inyong pamilya.
February events Philippines
February events: Japanese Film Festival 2024
Fan ba ng Japanese film at anime ang pamilya niyo? Tiyak na magugustuhan niyo ang Japanese Film Festival. Simula February 1 hanggang March 3, 2024 ay ipalalabas ang ilang naggagandahang Japanese Film kabilang na ang mga sumusunod:
- Detective Conan The Movie: The Time-Bombed Skyscraper (1997)
- Detective Conan The Movie: The Private Eyes’ Requiem (2004)
- Voltes V: Legacy (2003)
- Voltes V: The Liberation (1977-1978)
- The First Slam Dunk (2022)
- Gold Kingdom and Water Kingdom (2023)
- We Made a Beautiful Bouquet (2021)
Larawan mula sa Japanese Film Festival Facebook Page
Ilan lamang ang mga iyan sa ipalalabas sa Japanese Film Festival 2024. Ang maganda pa rito FREE ADMISSION ang Film Festival na ito. Libreng mapanonood ang mga pelikula sa Shangri-La Red Carpet Cinema, SM City Baguio, SM Iloilo, SM Seaside City Cebu, SM City Davao, at sa UPFI Film Center.
Tandaan lang na limitado ang seats at first-come-first-serve basis ito. Para sa iba pang impormasyon maaaring bisitahin ang website ng Japanese Film Festival.
Pasinaya 2024: The CCP Open House Festival
Ang Pasinaya 2024: The CCP Open House Festival ay ang multi-artist event ng Cultural Center of the Philippines. Tampok sa event na ito ang mga likhang sining ng iba’t ibang artists sa iba’t ibang art fields. Pwedeng sumali sa mga workshop ang mga attendee ng Pasinaya Festival. Maaari ding manood ng film screenings at iba pang performances. Pwede ring mag-browse ng iba’t ibang literature at makipag-ugnayan sa iba pang creatives.
Kaya kung nais mong i-expose sa art scene ang iyong anak o kaya naman ay sadyang art enthusiast ang inyong pamilya, tiyak na magugustuhan niyo ang event na ito.
Ang maganda pa rito, “pay as you can” lamang ito. Ibig sabihin, kung magkano lamang ang kaya niyong ibigay ay maaari na kayong makiisa sa Pasinaya.
Gaganapin ang Pasinaya 2024 mula February 3 hanggang 4 sa CCP Complex, Pasay City. Masasaksihan din ang event na ito sa Iloilo Museum of Contemporary Arts, at Tagum City, Davao del Norte.
Larawan mula sa Cultural Center of the Philippines Facebook Page
February events: The Luneta Art Fair
Napakarami talagang February events in the Philippines. Dahil hindi lang Buwan ng mga Puso ang Pebrero, buwan din ito ng sining!
Kaya para mas ma-feel ang Arts Month pwedeng dalahin ang inyong pamilya sa The Luneta Art Fair ng Puesto Manila.
Isa itong outdoor art festival na gaganapin sa Rizal Park sa February 3 at 4, 2024 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi. Tampok sa art fair ang mga traditional at non-traditional artworks mula sa mga up and coming artists, collectives, creative spaces, art schools, at galleries sa Metro Manila.
Layunin ng event na ito na magbigay ng platform para sa mga artists at creatives na nais ma-establish ang kanilang espasyo sa Philippine art scene.
Ang bongga rito? Admission is free sa The Luneta Art Fair.
Komiket QC: The Filipino Komiks Art Market
Kung usaping Art’s month lang din ang pag-uusapan, syempre hindi pahuhuli ang Komiket. Isang weekend na puno ng fantastic komiks, art stickers, prints, and merchandise mula sa iba’t ibang local creators ang handog ng Komiket ngayong February 2024.
Ang Komiket ay ang non-profit organization na nagbibigay espasyo sa comic art markets at naglilimbag ng mga Filipino komiks. Siguradong matutuwa ang mga chikiting sa event na ito. Gaganapin ang Komiket QC sa Centris Elements sa Quezon City, sa February 10-11. Mula ika-9 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi. Ang maganda pa rito, murang-mura ang entry tickets sa halagang Php 100.00
Para sa iba pang impormasyon maaaring bisitahin ang Facebook Page ng Komiket.
Larawan mula sa Komiket Facebook Page
February events: Bobapalooza Music and Arts Festival
Kung musika at sining naman ang hilig ng pamilya, tamang-tama ang Bobapalooza Music and Arts Festival sa inyo. Kilala ang Festival na ito bilang “grandest music and arts festival.”
Sa nasabing festival, magkakaroon ng dalawang araw na puno ng live performances mula sa mga local at international artists. Bukod pa rito, masasaksihan din ang live art mula sa pitong visual artists. O diba? Bongga!
Ilan sa mga musician na tampok sa Bobapalooza Day 1 ay sina Rico Blanco, Pale Waves, at The Itchyworms. Para naman sa Day 2 ng event, nariyan ang The Band Camino, Urbandub, at Atarashii Gakko.
Magaganap ang art and music festival na ito sa Februay 24 at 25 sa Filinvest City Event Grounds sa Alabang, Muntinlupa City.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!