Feminine wash as facial wash, safe ba?

Narito ang pahayag ng mga eksperto tungkol sa paggamit ng feminine wash sa ating mukha. Pati na ang mga natural facial wash na inirerekumendang mabisa at maraming benepisyong makukuha ang ating balat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Feminine wash as facial wash? Ligtas nga bang gamitin ang feminine wash sa ating mukha? Narito ang sagot ng mga eksperto.

Image from Freepik

Feminine wash as facial wash

Feminine wash as facial wash, malamang narinig mo ng may iilan ang gumagawa nito. Ayon nga sa mga nakasubok na ay mas naging fresh-looking at nawala daw ang acne nila. Pero ligtas nga bang gamiting pang-hugas ng mukha ang mga feminine wash?

Sagot ng mga eksperto

Ayon kay Dr. Windie Hayano ng The Skin Inc. Dermatology and Laser Center, ang facial at vaginal skin ay parehong slightly acidic at may mababang pH level. Ito ang dahilan kung bakit pareho rin ang taglay nilang ingredients. Na kung saan ang pangunahing layunin ng mga ito ay ang panatilihing malinis ang balat at protektahan ito mula sa iritasyon.

Ngunit hindi naman nangangahulugan ito na masasabing safe o maari ng gamitin ang feminine wash para sa mukha at ang facial wash para sa vagina. Ito ay dahil ang anatomy at skin characteristics ng facial skin ay iba parin sa female genitalia. Kaya naman hindi parin inirerekumendang pagpalitin ng gamit ang dalawa.

“Generally, the anatomy and skin characteristics of facial skin are different from the mucosa of the female genital area, so we don’t normally recommend using feminine wash for the face.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ng dermatologist na si Dr. Michael Chua ng Imperial Dermatology.

Image from Freepik

Pagkakaiba ng facial wash at feminine wash

Tulad nalang sa ang acidity ng vagina na 3.8-4.5 pH ay mas mataas kumpara sa acidity ng balat sa ating mukha na 5.5 pH. Ito ay nangangahulugan na kailangan ng feminine wash na mas acidic na solution para ma-maintain ang balanse ng vagina.

Pinaniniwalaan namang ang anti-bacterial properties ng feminine wash ang nakakatulong sa pagkokontrol ng acne sa mukha. Ngunit magkaganoon man ay hindi ito ipinapayong gamitin sa mukha ng regular o araw-araw. Ito ay dahil ang pagiging sobrang acidic nito ay maaring magdulot rin ng acne breakouts sa ating mukha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman payo ng mga eksperto mas mabuting magpakonsulta muna sa iyong doktor bago gumamit ng kahit anumang produkto sa iyong mukha. At imbis na feminine wash ay mga natural facial wash na maaring gamiting panlinis rito. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

5 Natural facial wash na mabisa at ligtas sa balat

Image from Freepik

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Coconut oil face cleanser

Ayon kay Dr. Joshua Zeichner, director ng cosmetic and clinical research in dermatology sa Mount Sinai Hospital, New York City ang coconut oil ay isa sa pinakamagandang panglinis ng ating mukha. Ito ay dahil may taglay itong natural oils tulad ng linoleic acid na nakakatulong panglaban sa acne. Habang ang lauric acid na taglay nito ay nakakapag-hydrate ng balat at mabisang moisturizer. Ngunit paalala niya bago gumamit nito ay kumonsulta muna sa doktor upang malaman kung kaya itong ma-tolerate ng iyong balat.

2. Apple cider vinegar face cleanser

Isa ring natural facial cleanser na inirerekumenda ng mga eksperto ay ang apple cider vinegar. Ito ay dahil ang key ingredient nito na malic acid ay nakakapag-exfoliate ng balat. Kaya naman napropromote nito ang cell turnover. Ni-rerestore nito ang pH level ng balat, nililinis ang mukha at pinipigilan ang pagkakaroon ng clogged pores at acne. Ngunit tandaan na hindi dapat gamitin ng deretso sa balat ang apple cider vinegar. Ito ay dapat hinahalo muna sa tubig. Ito ay ayon kay Dr. Lian Mack, assistant clinical professor of dermatology sa Mount Sinai Hospital sa New York City.

3. Honey and lemon face cleanser

Ang pinaghalong lemon at honey naman ay mabisang antiseptic at moisturizer. Kaya naman inirerekumendang gamitin rin itong natural facial cleanser. Ang honey na may taglay na antibacterial at antioxidants property ay makakatulong upang maiwasan ang acne. Habang ang vitamin C na taglay ng lemon ay may antimicrobial at astringent properties. Ito ay ayon naman kay Dr. Sejal Shah, isang dermatologist mula sa New York City.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Yogurt face cleanser

Para naman ma-rejuvenate at ma-maintain ang softness ng balat ay makakatulong ang yogurt facial cleanser. Ito ay ayon naman kay Dr. Judith Hellman, associate clinical professor of dermatology sa Mt. Sinai Hospital. Nagagawa ito ng yogurt sa pamamagitan ng protein at lactic acid na taglay nito. Dahil ang lactic acid ay nakakapag-alis ng dead skills sa balat sa pamamagitan ng exfolitaiton. Habang ang protein naman ay nakakatulong upang i-tighten ang pores at bawasan ang fine lines sa mukha.

5. Olive oil face cleanser

Ang olive oil ay mabisa at magandang facial cleanser rin. Dahil maliban sa natural moisturizer ito ay may taglay rin itong antioxidants at good fats. Inaalis ng mga ito ang free radicals sa balat na nakakatulong para maibsan ang iritasyon nito ng tulad sa sunburned skin.

Sa kabuuan ang feminine wash as facial wash ay hindi naman nakakasama sa balat. Basta’t huwag lang itong regular na gagamitin o araw-arawin. O kaya naman imbis na ito ang gamitin sa mukha ay subukan ang mga nabanggit na natural facial cleanser bilang alternatibo.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Healthy.com, Preview Ph, Daily Vanity SG, Medical News Today

BASAHIN: Feminine hygiene products that you can choose for your monthly period