Sanggol, kinuha mula sa sinapupunan ng ina, at ibinalik matapos operahan

Ang fetal surgery ay isang makabagong uri ng panggagamot kung saan ooperahan ng mga doktor ang sanggol kahit hindi pa ito pinapanganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa karamihan ng mga magulang, ang pagkakaroon ng sakit na spina bifida ng kanilang mga sanggol ay isang irreversible na kondisyon. Ngunit sa pamamagitan ng isang makabagong pamamaraan na kung tawagin ay fetal surgery, posible na itong magamot, kahit pa nasa sinapupunan pa lamang ang sanggol.

Paano kaya ito nagagawa, at ligtas ba ang ganitong klaseng operasyon para sa magulang at sa bata?

Spina bifida, ginamot sa pamamagitan ng makabagong fetal surgery

Ayon sa inang si Bethan Simpson, nabigla raw sila ng kaniyang asawa nang malaman na mayroong sakit na spina bifida ang kanilang sanggol. Dahil dito, binigyan sila ng 3 pagpipilian ng doktor. Ang una raw ay ipagpatuloy ang pagbubuntis, i-terminate ang pagbubuntis, at ang pangatlo ay tinatawag na “fetal surgery.”

Sa UK daw ay 80% ng mga sanggol na may spina bifida ay tine-terminate. Ganito katindi ang panganib at hirap na dala ng sakit para sa mga batang may ganitong kondisyon.

Hindi naging madali ang desisyon para kay Bethan, ngunit gusto nilang mabigyan ng pag-asa ang kanilang hindi pa pinapanganak na sanggol. Pero paglaon ay naisip nila na ang fetal surgery na ang pinaka-mainam na solusyon.

Pero hindi basta-basta ang ganitong klaseng operasyon. Maraming paghahanda ang kinakailangan, at kailangan ding suriin ang ina pati na ang sanggol upang malaman kung posible bang isagawa ang operasyon. Ito ay dahil hindi basta-basta puwedeng gawin ang fetal surgery. Mahalagang malusog ang ina at mabuti rin ang development ng sanggol upang ito ay maging matagumpay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabutihang palad ay pumasa si Bethan at ang kaniyang sanggol, at isinagawa na ang operasyon.

Hindi ito ang unang beses na isinagawa ang operasyon

Ayon kay Bethan, hindi nila inasahan na sunod-sunod ang mga pangyayari sa kanila. Isinagawa ang operasyon sa ika-24 na linggo ng kaniyang pagbubuntis. Napakarami raw espesyalista ang kinailangang konsultahin para sa sensitibong operasyon. Si Bethan raw ang ika-4 na ina sa UK na sumailalim sa ganitong operasyon. Kaya’t kahit hindi ito ang unang beses na gagawin ang operasyon, importante pa rin na maging maingat ang mga doktor.

Simple lang ang konsepto ng operasyon. Kinakailangan lang tanggalin ang sanggol mula sa sinapupunan, at gamutin ang spina bifida nito. Pagkatapos ay ibabalik muli sa sinapupunan upang magpatuloy sa paglaki ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaso ni Bethan, ay naging matagumpay ang isinagawang operasyon ng mga doktor. Umaasa siya na dahil sa isinagawang panggagamot ay magkakaroon ng normal na buhay ang kaniyang anak. Aniya, mahalaga raw malaman ng mga ina na hindi isang “death sentence” ang pagkakaroon ng spina bifida. Ang mahalaga raw ay hindi mawalan ng pag-asa ang mga magulang, at arugain, kalingain, at mahalin ang kanilang mga anak.

Ano ang spina bifida?

Ang spina bifida ay isang kondisyon kung saan hindi nagiging maayos ang pagtubo ng spinal cord ng isang sanggol. Kabilang ito sa mga tinatawag na neural tube defects, at hindi biro ang ganitong klaseng karamdaman.

Nangyayari ito kapag hindi nagiging maayos ang pagdevelop ng neural tube, o kaya hindi ito nagsasara ng maayos habang nasa sinapupunan. Dahil dito, nagkakaroon ng depekto sa spinal cord, at nagiging sanhi ito ng mga problema gaya ng mga sumusunod:

  • Hirap sa paglalakad at paggalaw
  • Pagkakaroon ng mahinang muscles sa likod at mga binti
  • Pagkakaroon ng hydrocephalus o tubig sa utak
  • Meningitis
  • Iba-ibang sakit sa balat
  • Chiari malformation type II, o isang uri ng brain malfunction
  • Iba pang mga komplikasyon sa muscles, utak, at spine

Bagama’t walang paraan upang makaiwas ang mga sanggol sa ganitong karamdaman, may mga paraan upang mapababa ng mga ina ang posibilidad na magkaroon ng spina bifida ang kanilang anak. Ang pinakamahalaga ay ang pag-inom ng folic acid supplements, pati na ang pagkain ng mga gulay na mayaman sa folic acid. Kabilang na rito ang spinach at iba pang mga dark green vegetables.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakatulong ang folate upang hindi magkaroon ng neural tube problems ang mga sanggol, at pinapatibay rin nito ang kanilang brain and spine development.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Irish Mirror

Basahin: Newborn spinal defects: Here’s what parents need to know

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara