Isang Fil-Am binastos ng isang babae dahil di umano muntik na niyang mabangga ang sasakyan nito. Tinawag pa siyang “illegal” ng babae, at sinabing hindi raw siya marunong magmaneho dahil maliit ang mata ng mga Asian.
Fil-Am binastos at naging biktima ng racism!
Ang 22-year-old na si Selina Cairel ay binastos kamakailan dahil sa kaniyang pagiging Pilipina. Ingles ang kaniyang ama, at Pilipina naman ang kaniyang ina. 11 na taong gulang pa lang si Selina ay nakatira na siya sa US, at isang citizen nito.
Nangyari ang insidente habang lumalabas sa parking space si Selina. Bigla na lang niyang napansin na tumunog ang parking sensors niya dahil muntik na niyang mabangga ang isa pang sasakyan.
Dahil dito, lumapit ang babaeng nagmamaneho ng sasakyan, binaba ang kaniyang bintana, at sinimulang bastusin si Selina.
Sinabi niya na hindi raw marunong magmaneho si Selina ay dahil isa siyang Asian, at maliit ang kaniyang mga mata. Bukod dito, tinawag pa siyang illegal at binastos rin ang kaniyang mga magulang.
Ayon sa isang website, ang babaeng bumastos kay Selina ay si Sierra Dawn Measelle. Siya daw ay isang stripper, at di umano’y nahuli noong 2013 para sa disorderly conduct at drug possession.
Panoorin ang buong video ng pangyayari:
Kumalat agad ang video sa social media
Sa isang Facebook post, naikwento ni Selina na nauna daw ang babae na kuhanan siya ng video, at sinabing dapat daw itong ilagay sa Instagram.
Dahil dito, kinuhanan din ni Selina ng video ang babae at inupload ito sa Facebook, kung saan umabot sa 20,000 ang mga shares nito.
Pagkatapos mag-viral ng video, humingi agad ng paumanhin sa Instagram ang babaeng nambastos sa kaniya:
Sana ay natutunan na ng babae ang kaniyang leksyon, at pigilan na niya ang kaniyang racist na pakikitungo sa ibang tao.
Maaga pa lang, pigilan na ang racism
Alam niyo ba na sa edad na 3, ang mga bata ay nagsisimula nang matuto ng racism? Ibig sabihin, mabuting ituro agad sa mga bata na mali ang ganitong pag-iisip at pag-uugali.
Pero paano ba maiiwasan ang racism? Heto ang ilang tips:
- Sanayin ang iyong anak na makihalubilo sa iba-ibang mga tao. Kapag nasanay sila makipag-ugnayan sa iba’t-ibang mga tao, mas maiintindihan nila na lahat ng tayo ay unique at kakaiba.
- Huwag pagtawanan ang mga may ibang lahi, o gawin itong biro. Sa mga maliliit na bagay nagsisimula ang racism, at sa ganitong paraan din natututo ang mga bata ng racism.
- Ituro sa mga bata na mali ang racism at hindi nila dapat husgahan ang ibang tao dahil lang sa kanilang hitsura o pinagmulan.
Source: Daily Mail
Basahin: Exposure to racism and violence hampers children’s learning, behavior, and health