Madaling natutupad ng isang tao ang kanyang pangarap lalo na kung hindi nakakalimutan ang isa’t-isa at nagtutulungan. Ito ang pinatunayan ni Mommy MK Bertulfo, isang supermom sa likod ng success ng Filipina Homebased Moms.
Paano nga ba niya napagtagumpayan ang kanyang pangarap?
Meet Mommy MK, the supermom behind the success of Filipina Homebased Moms
Sa aming exclusive interview kay Maria Korina Bertulfo o mas kilala bilang Mommy MK, ibinahagi nito kung paano nagsimula ang Filipina Homebased Moms at kung paano nga ba siya bilang isang ina.
Image from MK Bertulfo
Ang pangunahing tungkulin ng Filipina Homebased Moms ay matulungan ang mga nanay na magkaroon ng trabaho kahit na sila ay nasa bahay lang.
Nagsimula ang FHMoms tatlong taon na ang nakakaraan. Ito ay dahil sa simpleng pagtulong lang ni Mommy MK sa kaibigan. Ayon sa kanyang kwento, nang natanggap siya sa isang online job na kayang pinasukan, agad niyang itinuro ito sa kanyang mga kaibigan. At dahil nga sa kanyang pagtuturo, nagkaroon rin agad ng online job ang kanyang kaibigan. Naisipan niyang gumawa ng isang grupo para mas maraming tao ang kanyang matuturuan. Sinunod-sunod na niya ito at nagulat siya ng marami pala talagang interesado na mga mommies sa online job katulad niya.
Pagkatapos ng 6 months ng pagtuturo, nag decide siyang magpa meet-up. Laking tuwa niya ng marami ang dumalo rito at karamihan sa kanila ay galing pa sa iba’t-ibang lugar katulad ng Laguna at Baguio. Pagkatapos nito, nagturo na rin siya sa iba’t-ibang probinsya hanggang nakaabot nga ang kanilang training sa Dubai.
Sa ngayon, mayroon silang 7 na trainors na nagtuturo ng social media management, accounting and bookkeeping, content writing, e-commerce, customer service at online teaching.
Habang tumatagal, mas lumaki ng lumaki ang Filipina Homebased Moms at maraming nanay na rin ang nagkaroon ng trabaho dahil dito.
Image from MK Bertulfo
What makes Mommy MK motivated all the time?
Ayon kay Mommy MK, simple lang ang kanyang dahilan kung bakit siya motivated all the time. Isa na rito ang dahilan na masaya na siyang nakikitang natutulungan ang ibang pamilya.
“Pagbabago sa family namin. ‘Yun ang naging motivation ko to help other families. Ako kasi nanggaling ako sa hirap, alam ko kung gaano kahirap ‘yung lagi kayong gutom ng pamilya mo, marami kayong utang. So, ayokong mangyari ‘yon sa ibang pamilya din.”
‘Life mission’ na rin niya kung ituring ang pagtulong sa kapwa dahil fulfilling ito para sa kanya. Kakaibang saya rin ang kanyang nararamdaman kapag may natutulungan siyang ibang pamilya.
Mahalaga ang magrelax o tumigil muna sa mga bagay na naghahatid ng stress lalo na kung naaapektuhan na nito ang iyong mental health. Sa usapang ‘bad days’ naman, mas binibigyang importansya ni Mommy MK ang kanyang sarili kapag siya ang nakakaramdam ng pagkapagod o problema.
“What I usually do, is nag stop akong magwork at nag-n-netflix lang ako. Tapos hindi ko na siya masyadong iniisip. Hindi ako masyadong tumatambay sa problema.”
Dagdag pa nito na ‘chill’ lang siya dahil ayaw niyang maapektuhan ang kayanyang business o pamilya kapag sinusubukan siya ng problema. Mas tinitignan rin niya ang bigger picture at kung ano ang posibleng rason nito.
Who is Mommy MK as mom?
Sa kwento ni Mommy MK, cool parent lang sila ng kanyang hubby. Ngunit hindi nila nakakalimutan ang kanilang mga responsibilities sa loob ng bahay. Wala masyadong restriction silang ibinibigay. Nakakatulong rin ang pagtatanong sa isa’t-isa ng kanilang gusto.
‘Shared parenting’ ang kanilang set-up dahil ayon kay Mommy MK, mas maganda kung nagtutulungan.
Hindi rin nahihirapan si Mommy MK sa loob ng bahay kahit na busy ito sa kanyang online job. Sobrang maalaga at maintindihin kasi ang kanyang pamilya dahilan para maging smooth ang kanyang araw-araw.
Nais magkaroon ng trabaho kahit nasa bahay lamang? Maaaring bisitahin ang FHMoms Facebook page at pwede ring sumali sa FHMoms FB group nila.
BASAHIN:
TAPfluencer Spotlight: Mommy Nicole believes ‘motherhood’ is a mix of love and chaos
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!