Wake-up Call sa Lahat ng Magulang: Paano Natin Napoprotektahan ang mga Anak Natin sa School at Online?
Isang nakakagulat na balita mula sa Edmonton, Canada ang gumising sa maraming magulang—lalo na sa Filipino community. Si Jimmy Buena, isang 47-anyos na guro sa St. Oscar Romero Catholic High School, ay kinasuhan ng pag-access, pagmamay-ari, at pagpapakalat ng child pornography.

Ayon sa Alberta Law Enforcement Response Teams (ALERT), nag-upload umano si Buena ng child sexual abuse materials sa Facebook. Isinampa ang mga kaso noong Hunyo 24, 2025. Nang subukan siyang arestuhin, hindi na siya nakita sa paaralan. Pinaniniwalaang umalis na siya ng Canada at maaaring nasa Pilipinas na ngayon.
Source: Screenshot from @cbcedmonton
Sinabi ng mga otoridad na wala pang estudyanteng direktang sangkot sa kaso, ngunit ito ay isang matinding paalala para sa mga magulang:
Totoo ang banta—kahit sa loob ng paaralan at kahit sa mga taong pinagkakatiwalaan natin.
Mga Paalala sa Mga Magulang
Hindi lang ‘stranger danger.’
Ang suspect ay isang guro—isang taong may tiwala at respeto mula sa komunidad. Hindi natin pwedeng i-assume na ligtas ang mga bata basta’t nasa loob ng paaralan.
Online safety is a must.
Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang kaso sa online activity. Dapat nating turuan ang mga anak kung paano maging ligtas sa digital world.
Mga basic na paalala sa mga bata:
-
Huwag magbahagi ng personal na impormasyon o litrato online
-
Magsabi agad kapag may hindi komportableng messages o interactions
-
Maging maingat kahit sa mga kakilala o nasa posisyon ng awtoridad
Gawing ligtas magsabi ang anak mo.
Tanungin sila regularly tungkol sa araw nila—hindi lang kung kumain sila, kundi kung may napansin silang kakaiba sa school o online.
Ang pinakaimportanteng tanong minsan ay: “Okay ka ba talaga?”
Bilang magulang, may karapatan kang magtanong.
Alamin kung may sapat na child protection policies ang eskwelahan ng anak mo. May screening ba sa mga guro? May maayos ba na proseso kung may magre-report?
Sa kaso ni Jimmy Buena, kinumpirma ng Edmonton Catholic School Division na ang kanyang huling araw sa paaralan ay noong June 19, at hindi na siya muling babalik. Nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kung May Alam Ka, Makialam Ka
Kung may impormasyon ka tungkol kay Jimmy Buena o sa anumang kahalintulad na sitwasyon:
-
I-report ito sa pinakamalapit na pulisya o barangay
-
Tumawag sa Crime Stoppers: 1-800-222-8477
-
Maaari ring makipag-ugnayan sa mga ahensyang tumutulong sa child protection
Hindi ito tsismis. Puwede kang makapagligtas ng buhay.
Para sa buong ulat, basahin ang source article sa:
CTV News Edmonton
Panoorin din ang balita sa TikTok:
TikTok – CBC Edmonton