Filipino Halloween Costume Ideas: 5 Pinoy mythical creatures na maaari mong gayahin

Pwede mong subukan na gawing costume ang mythical creatures na kilala sa Pilipinas. Narito ang Filipino Halloween costume ideas para sa'yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Papalapit na ang Halloween, katunayan ang iba nga ay maaga na itong ipinagdiriwang. Naghahanap ka rin ba ng witty at unique Halloween costume? Kung nais mo ng costume na sasalamin sa iyong pagiging Pilipino, narito ang ilang Filipino Halloween costume ideas na maaari mong subukan para sa iyo man o para sa iyong anak.

Ano ang Halloween

Ang Halloween ay holiday na ipinagdiriwang taun-taon tuwing Oktubre 31. Nagsimula ang tradisyong ito sa ancient Celtic festival na kung tawagin ay Samhain. Sa nasabing festival, nagsisindi ng mga bonfire ang mga tao at nagsusuot ng costumes para umano mapalayas ang mga multo.

Larawan kuha ni Kristina Paukshtite: www.pexels.com/photo/person-holding-pumpkin-112352/

Noong eight century itinalaga ni Pope Gregory III ang November 1 bilang All Saints’ Day. Kaya naman, nang maglaon ay naiugnay na rin dito ang Halloween. Tinatawag kasi noong All Hallows Eve ang gabi bago ang November 1 at nang lumaon ay kinilala ito bilang Halloween.

Mula sa nakagawian noon na pagsusuot ng costume at pagsisindi ng bonfires, ang Halloween ay ipinagdiriwang na ngayon sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng trick-or-treat, pag-ukit ng jack-o-lanterns sa mga pumpkin o kalabasa, pagsasaya sa Halloween party, at syempre napanatili ang pagsusuot ng iba’t ibang costume.

Filipino Halloween costume ideas

Mayaman ang kultura natin sa iba’t ibang pamahiin. Nariyan din ang mga kwento ng mythical creatures na puno ng katatakutan. Kaya naman, kung nais mong mag-costume na sumasalamin sa iyong pagiging Pinoy, swak ang Filipino Halloween costume ideas na ito para sa iyo.

Narito ang ilan sa mga Filipino Halloween costume ideas na madaling gayahin:

Scary Halloween costume ideas: Multo o white lady

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa shutterstock

Ang multo o white lady ang isa sa karaniwang kinatatakutan na mythical creatures sa Pilipinas. Katunayan, marami na rin ang nagsasabi na nakakita na sila ng multo sa totoong buhay. Ang multo raw ay mga ligaw na kaluluwa na mayroong unfinished business sa mundo ng mga buhay. Para ma-achieve ang multo look na ito, kailangan mo lang ng puting damit na maaari mong bahiran ng dumi at kunwaring dugo. Idagdag pa ang paglalagay ng maputlang make up sa mukha at pulang make up na rin na magmumukhang dugo.

Simple Halloween costume: Diwata

Kung ayaw naman ng iyong anak na nakakatakot siyang tingnan sa Halloween party, pwede mo naman siyang damitan bilang diwata. Ang Diwata ay ang goddess ng Philippine folklore. Sila ang mga espiritu na in-charge sa pangangalaga sa kalikasan. Ang kailangan mo lang ay flowy dress o kaya naman ay top at flowy skirt. At syempre lagyan din ng accessory ang buhok tulad ng bulaklak at mga dahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa shutterstock

Simple Halloween costume: Bathala

Syempre kung mayroong Diwata, mayroon ding Bathala. Kung lalaki ang iyong anak at ayaw niyang mag costume ng nakakatakot sa Halloween, angkop na angkop sa kaniya ang Bathala look. Hindi maitatanggi na ang Bathala ang pinakakilalang pigura ng Philippine mythology. Kilala ang Bathala sa pagbibigay biyaya sa mga mabubuting tao at pagpaparusa naman sa mga masasama.

Ang kailangan mo lang para ma-achieve ang Bathala look ay pagsuotin ang iyong anak ng open vest at tela na puwedeng gawing bahag. Kumuha rin ng isa pang scarf o tela na ilalagay naman sa ulo bilang headdress. Puwede ring lagyan ng gold chain o ribbon ang headdress para mas ma-higlight ang pagiging Diyos o Bathala ng costume.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Filipino Halloween costume ideas: Mangkukulam

Larawan mula sa shutterstock

Ang mangkukulam naman ay mythical creature na nagsasagawa ng black magic. Gumagamit sila ng voodoo dolls o manika upang kulamin o isumpa ang kanilang biktima. Para ma-achieve ang mangkukulam look puwede kang magsuot ng itim na bestida. Pero kung nais mong mas Pinoy, kuhain ang lumang Buwan ng Wika costume o ang baro at saya mo. Pagkatapos ay lagyan ang mukha ng make up o foundation na may shade na mas mapusyaw o mas maputi sa iyong kutis. Gumamit naman ng eye liner o eyebrow pencil at lagyan ng wrinkles ang iyong noo at mukha. Puwede ring lagyan ng pulbo o harina ang buhok para maging grey ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At syempre para full package na ang mangkukulam costume, huwag kalimutan ang iyong madungis na manika o voodoo doll.

Scary Halloween costume ideas: Tiyanak

Ang tiyanak ay sanggol o toddler na tila bampira sa Philippine mythology. Sa mga kwento, ang tiyanak daw ay umiiyak sa gitna ng gubat upang kunin ang atensyon ng mga dumaraan. At kapag may pumansin at dumampot sa sanggol ay tsaka nito aatakihin ang biktima.

Isa ito sa pinakamadaling Filipino Halloween costume ideas. Pagsuotin lang ang iyong anak ng diaper o kaya ay lampin. Pagkatapos ay bilhan ito ng laruang pangil at isuot ito rito. Lagyan din ng maputlang makeup ang mukha nito ay lagyan ng makeup na tila dugo ang katawan at mukha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan