First aid pag nabulunan ang bata, narito ang mga paraang dapat gawin.
Talaan ng Nilalaman
Batang namatay dahil sa nalunok na lollipop
Isang 2-taong na bata ang namatay dahil umano sa Lollipop. Aksidente umanong nalunok ng batang nangangangalang si Liam ang lollipop, at bumara sa kaniyang lalamunan.
Kwento ng ina ni Liam na si Shiela Enriquez nasa trabaho siya at kaniyang asawa ng mangyari ang aksidente sa anak. Pero bago pa man ang aksidente ay pinagbabawalan na nila ang anak na kumain ng lollipop dahil sa maari nga siyang mabulunan rito.
Ngunit sa hindi nila napigilang pagkakataon ay nakakuha ang anak ng lollipop. Ayon sa tiyahin ni Liam na nagbabantay sa kaniya ay bigay umano ang lollipop ng isa sa mga kalaro ni Liam na nag-trick or treat nitong nagdaang Halloween.
Kahalagahan ng kaalaman sa first aid
Ayon naman sa pahayag ni Leopoldo Corsino Jr., kapitbahay ng biktima, bandang alas-syete ng gabi noong October 31 ng lumapit sa kaniya si Liam at humingi ng tulong na balatan ang lollipop na hawak nito. Ngunit ilang minuto matapos isubo ni Liam ang lollipop bigla niya nalang umano itong narinig na umiiyak at nahihirapan ng huminga.
“Hindi ko alam ang gagawin. Natataranta ako, lalo noong nakita kong sumuka ng may halong dugo.”
Ito ang pahayag ni Leopoldo sa isang panayam. Dagdag pa niya kahit hindi niya alam ang first aid pag nabulunan ang bata ay sinubukan niya at tiyahin ni Liam na tanggalin ang lollipop sa lalamunan nito.
Ngunit nabigo sila. Kaya naman dinala nila ito sa pinakamalapit na clinic hanggang sa ipinayong dalhin na ito sa ospital. Pero hindi na umabot ng buhay sa ospital si Liam. At idineklara ng doktor na tumingin sa kaniyang dead on arrival sa ospital ang bata.
Ano ang choking o nabulunan?
Ang choking o nabulunan ay nangyayari kapag may foreign object ang bumara o bumabara sa lalamunan o windpipe ng isang tao. Dahil rito nahaharangan ang air flow kaya nahihirapang huminga ang mga nabulunan.
Madalas na nabubulunan ang mga bata, lalo na kapag nakakalunok sila o nakakasubo ng maliliit na bagay. Tandaan na kapag nabulunan ang isang bata o isang tao ay pinipigilan nito ang pagbibigay ng oxygen sa utak. Kaya naman kinakailangan na makapagbigay ng first aid.
Maaaring ikamatay ng isang bata o isang tao kapag hindi ito naagapan.
Signs na nabubulunan na ang isang bata
Narito ang mga senyales o sign kapag nabubulunan ang isang bata na dapat mong malaman, ito ay ang mga sumusunod:
- Hirap makapagsalita
- Nahihirapang humingi o may matunog na paghinga (nosisy breathing)
- Mayroon squeaky sound kapag sinusubukang huminga
- Nauubo, na maaaring mahina o forceful
- Ang balat, labi at kuko ay nagiging kulang ble o dusky
- Namumutla, o pale ang nagiging kulay ng balat
- Nawalan ng malay
Kapag napansin ang mga bagay na ito ay mahalaga na i-first aid ang bata o ang nabulunan. Upang malaman kung ano ang mga first aid pag nabulunan ang bata patuloy na magbasa.
First aid ‘pag nabulunan ang bata
Ayon kay Dr. Angelica Tomas, isang pedia sa Makati Medical Center, ang bata umano ay hindi pa alam kung paano ang tamang pagkain. Kahit na minsan sa mas may edad na bata. Pahayag niya,
Usually, pag nag-iistart kumain ‘yung bata hindi pa alam kung paano siya kumain. This is also for older kids. Madali siyang malaman, meron silang gag reflex.
‘Yong sensation na gusto nila i-cough up, nahihirapan magsalita, o kaya tinuturo nila ‘yung throat nila. That is the sign na nabubulunan na ‘yong bata.
Payo ni Doc, isa umano sa mga pwedeng gawin ng magulang kapag nangyari ito ay,
‘Pag nagtso-choke sila, them are certain maneuvers para matulungan silang malabas ‘yong object, kasi nahihirapan silang huminga.
First, back thrust ayon ‘yung ginagamit sa older kids. Sa babies nakadapa sila nasa lap sila, ‘pag inii-slap ‘yong likod dapat may support.
Dagdag pa niya dapat nakaangat ng kaunti ang iyong anak. Sapagkat nakakatulong umano ang gravity para malabas iyong object. Pagpapaliwanag pa niya,
“They use the palm of their hands, back slapping. 5 times. Kapag hindi pa rin, try to turn your child over so para ka naman nag c-cpr.
Actually for those, dapat manood ng video.Ang tawag doon back slapping or chest thrust. It is important kailangan talaga malaman ng mga parents, it can really happen. Parents should always know these things. “
Upang maiwasan mangyari ito sa inyong anak. Mahalaga na alam natin kung ano ang first aid pag nabulunan ang bata. Siyempre kinakailangan din natin malaman kung ano nga ba ang mga choking hazards. Narito ang ilan sa mga ito:
- Lollipops
- Piraso ng mansanas
- Piraso ng karne kabilang na ang manok at isda
- Nuts o mani
- Hilaw na carrots
- Hindi pa lutong beans o peas
- Mga buto
- Popcorn
- Grapes
- Hotdogs
- Sausages
Kung sakali namang mabulunan ang iyong anak ay narito ang dapat gawing first aid tips para mailigtas siya sa seryosong kapahamakan:
Tanggalin ang nakabara sa lalamunan ng bata.
Ito ay maari lang gawin kung nakikita ang nakabarang pagkain o bagay sa lalamunan niya. Ngunit kung hindi ay mabuting huwag ng subukang itong galawin dahil maari lang itong maitulak papasok pa sa lalamunan niya.
Bigyan ng back blows ang nabubulunang bata.
Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpalo sa likod ng bata sa gitna ng kaniyang mga balikat ng limang beses gamit matigas na parte ng iyong palad. Siguraduhing ang gagawing pagpalo ay malakas para matanggal ang bumabara sa kaniyang lalamunan.
Magsagawa ang abdominal thrusts sa bata.
Ngunit kung ang pagkaing nakabara sa lalamunan niya ay hindi parin naaalis kahit nabigyan na ng back blows ang bata ay isagawa naman ang abdominal thrusts.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtayo sa likod ng bata at paglagay ng iyong braso sa ilalim ng braso ng bata at sa paligid ng upper abdomen niya.
Saka isara ang isa sa iyong kamao at ilagay sa gitna ng kaniyang pusod at tadyang. Sunod na ipatong ang isa mo pang palad sa nakasarang kamao para may pwersa. Saka gamitin ito upang itulak ng papasok at pataas ng limang beses ang tiyan ng bata. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng pressure sa lungs niya na maglalabas ng hanging maaring makaalis sa pagkain o bagay na nakabara sa lalamunan niya.
Ngunit kung ang mga tips sa first aid pag nabulunan ang bata na mga ito ay hindi parin naging successful ay mabuting dalhin na agad siya sa doktor.
Kailan siya dapat dalhin sa doktor?
Agad na dalhin ang bata kapag hindi na siya nakakahinga o kaya naman nagiging purple na ang kaniyang kulay. Lalo na kapag hindi epektibo ang first aid. Mahalaga na mabigyan siya agad ng medikal na atensyon.
Sa kabilang banda, mas maganda ring isugod sa ospital ang bata kapag kakatapos niya lang mabulunan upang makasiguro na wala na talaga nakabara sa kaniyang lalamunan. O kaya naman dadaanan ng hangin.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.