15 na pagkain na makakapag-paboost ng immune system

Narito ang mga pagkain na makakatulong sa iyong immune system.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Foods that boost immune system, kailangan mo itong malaman lalo na sa panahon ngayon.

Foods that boost immune system

1. Oranges

Madalas nating marinig na importante ang Vitamin C sa katawan. Itinataas kasi nito ang white blood cells sa ating katawan na lumalaban sa mga infection. Ang oranges ay rich in Vitamin C kaya mabuti ito para sa iyo.

Image from Freepik

2. Broccoli

Ang broccoli ay may Vitamin A, C at E. Ito rin ay mayroong fiber na nakakatulong sa pag-digest ng pagkain.

3. Luya

Tuwing nagkakasakit, madalas nating naririnig na makakatulong ang luya. Papakuluan ito o di naman kaya ay hinahalo sa pagkaing may sabaw. Nakakatulong din itong maibsan ang sore throat at nausea o iyong pakiramdam na parang nasusuka at nahihilo.

4. Yogurt

Ang mga uncultured yogurt o iyong mga pure ay may live and active na ingredients. Mabisa itong panglaban sa mga infections. Mas maigi na kumain ng mga unflavored na yogurt dahil ito ay ang mas masustansya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

5. Papaya

Ang papaya ay puno rin ng Vitamin C at ito ay may 224 percent ng daily recommended na intake ng Vitamin C. Mayroon din itong Potassium at Folate na makatutulong din sa ating katawan.

6. Chicken soup

Importante rin sa ating katawan ang poultry katulad ng chicken na mas maigi kung kakainin na may sabaw. Katulad ng laging pinapakain sa atin tuwing tayo ay may lagnat. Bukod kasi sa masustansya ito, naiibsan din nito ang anumang discomfort na ating nararamdaman sa ating katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Watermelon

Ang prutas naman na ito ay maigi para sa hydration. Bukod kasi sa mga bitamina na kailangan ng ating katawan, mahalaga rin na tayo ay fully hydrated.

8. Lemon

Katulad ng orange at papaya, ang lemon ay malakas sa Vitamin C. Pwede mo itong ihalo sa iyong iniinom na tubig o di naman kaya ay sa tsaa. Puwede mo rin naman itong kainin ng plain.

9. Bawang

Bukod sa dagdag na lasa nito sa mga inihahanda na pagkain, ang bawang ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure. Mayroon din itong element na tinatawag na allicin na lubhang nakakatulong sa pag-boost ng immune system.

10. Spinach

Ang spinach naman ay may mga antioxidant at beta carotene na kailangan ng ating katawan. Ito ay direktang tumutulong sa ating immune system at nagbi-build up nito para malabanan natin ang mga sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

11. Tea

Ang black o green tea ay mainam naman para rin sa digestion. Bukod dito, mayroon itong powerful antioxidant na tinatawag na epigallocatechin gallate o EGCG.

Image from Freepik

12. Sweet potato

Ang sweet potato naman ay may 120 percent na Vitamin A at ito ay mayroon lang 100 calories. Malasa pa ito kaya naman siguradong magugustuhan ito ng iyong anak sakaling ihain mo ito sa kanila.

13. Miso soup

Ang miso ay healthy rin dahil sa taglay nitong Vitamin C. Kung gusto mong maging malasa ang iyong mga ulam tulad ng sinigang, gumamit ng miso bilang pampalasa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

14. Pomegranate juice

Ayon sa mga pag-aaral, ang pomegranate juice ay nakakasugpo ng mga bacteria sa bibig at katawan. Ito raw ay mainam na panglaban sa mga sakit tulad ng E-coli.

15. Mushroom

Ang mushroom naman ay may B vitamins katulad ng riboflavin and niacin. Kailangan naman ito para makapag-function nang maayos ang ating immune system.

Dahil lahat ngayon ay nangagamba dahil sa banta ng COVID, kailangan nating palakasin ang ating resistensya. Ito lang kasi ang ating magagawa sa ngayon para malabanan ang sakit na ito. Bukod sa pag-inom ng Vitamin C supplements, kumain din ng masustansya at laging uminom ng tubig.

 

SOURCES: Healthline, On Health

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie