Pagdating sa paggawa ng birth plan, marami satin ang tumututok sa mga bagay tulad ng istratehiya sa pain relief at playlists, ngunit isang obstetrician sa Sydney ang nagsasabing may isang linya na dapat laging naka-bold.
Si Professor Peter Dietz mula sa University of Sydney ay inilaan ang kanyang career sa pagsasaliksik sa pag-intindi ng pelvic floor trauma mula sa pagkapanganak, at umabot sa konklusyon na ang forceps ay dapat iwasan hanggang siguradong kailanganin para sa kaligtasan ng nanay at baby.
“Ang isang bagay na kailangang gawin upang maiwasan [pelvic floor trauma] ay iwasan ang forceps,” sabi niya sa Kidspot.
Itinuro ni Professor Dietz ang pagsusuring nagpapakita na ang mga kababaihang nagforceps delivery ay 10 beses na mas malamang na magkaroon ng prolapse sa hinaharap kumpara sa iba na nag-caesarean at doble ang posibilidad na magkaroon nito kumpara sa nag-vacuum delivery.
Ang pag-gamit ng forceps at dumodoble rin sa panganib ng ina sa anal sphincter tears kumpara sa vacuum at doble ang panganib ng anal incontinence kumpara sa ibang delivery modes.
Sapat na ito para mabigyan ang sino mang buntis ng anxiety ngunit sabi ni Professor Dietz na kapag linawin sa birthplan na ayaw gumamit ng forceps kung hindi pa dahil sa panganib sa buhay, malaki ang posibilidad na respetuhin ito ng medical team at mailabas ang iyong baby nang ligtas.
Ipahayag ang kagustuhan ngunit huwag maging lubos na tiyak
“Gumawa ng birth plan ng mga kagustuhan – ‘yan ang sinasabilo. ‘Kahit ano mang pangyayari ay di ako pumapayag sa forceps delivery maliban kung ang sanggol ay nasa agarang panganib at hindi maihatid sa anumang iba pang paraan’,” mungkahi niya.
“Huwag maging lubos na tiyak dahil kakailanganin mo rin sumunod sa mga nangyayari, ngunit maaaring ipahayag ang kagustuhan.”
Naniniwala si Professor Dietz na sa mga kaso na kailangan ng baby ng tulong lumabas, ang vacuum o maging ang caesarean, ay mas ligtas para sa pelvic floor.
Sa totoo, sabi niya at ang Swedish College of Obstetrics and Gynaecology ay nagrekumenda na ang forceps ay hindi na dapat gamitin, at sabi niya ay hindi na gumagamit ng forceps sa Denmark nang 15 taon, na sabi niya ay nagdulot ng mas mabuting pelvic floor na kinalabasan para sa mga ina.
Kapag nakasulat ito nang malinaw sa birth plan, sinasabi ni Professor Dietz na dapat ay hindi inaalala ang pagpapahayag na ayaw gumamit ng forceps pagdating sa sandaling manganganak na.
Magandang alalahanin na ng ilang obstetricians ay nagpapahayag ng pagaalala na ang caesarean ay maaaring magdulot ng panganib sa mga susunod na pagbubuntis at kalusugan ng bata.
“Ang mga obstetricians ay alam ang iba’t ibang mga panganib ng caesarean kumpara sa vaginal delivery at dapat gabayan ang pasyente sa paggawa ng desisyon,” isinulat ni Stefan Hansson, propesor ng obstetrics at gynaecology sa Lund University, sa The Conversation.
“Ang mga pasyente at dapat bigyang kaalaman sa lahat ng panganib – sa lahat ng yugto ng buhay, para sa ina at anak – at suriin ang kanilang opinyon base dito.
Iba pang maaaring gawin para maprotektahan ang iyong pelvic floor
Habang iminimungkahi ng ibang eksperto na ang panganganak nang naka-squat at ang pagsubok na hindi umire nang sobra o maaga ay maaaring maka-protekta sa pelvic floor muscles, si Professor Dietz ay naniniwalang hindi ito laging makatwiran, dahil mas mahirap para sa midwives ang masuportahan ang iyong perineum sa panganganak.
“Mas mahirap para sa midwife na ilagay ang kamay dito upang pabagalin ang mga bagay kapag lumalabas na ang ulo ng baby,” sabi niya.
“Kapag mas nakatuwid ang tao, mas maraming tissue ang mabababad sa tubig dahil sa nabasawang lymphatic drainage, na mas maaaring magdulot ng pag-punit.”
Ayon kay Professor Dietz, ang epidural ay hindi rin masamang ideya para sa proteksiyon ng pelvic floor.
“Ang epidural ay may ilang pakinabang para sa pelvic floor dahil pinapa-relax nito ang mga tissue doon,” ayon sa kanya.
Samantala, ang pagpapatuloy ng kegels sa pagbubuntis ay maganda para matulungan ang mga muscles bumalik sa dati matapos manganak.
“Ang pelvic floor exercises ay siguradong hindi makakasama – makakabuti ang ang pagehersisyo sa muscle na iyon,” ayon sa kanya.
“Ngunit hindi kasiguraduhan na walang pinsalang matatamo sa paggawa nito – ang pinakamagandang gawin para dito ay manganak nang walang forceps.”
Huwag masyadong alalahanin ang pelvic floor damage
Kung nagkaroon na ng pelvic floor injury matapos ang isang panganganak, maaaring kabahan sa mga susunod na panganganak, subalit ayon kay Professor Dietz, mahalagang tandaan na mas kaunti ang nagkakapinsala sa mga sumunod na panganganak.
“Ang mga pangalawang baby ay hindi nakakagawa ng mas maraming pinsala sa pelvic floor,” ayon sa kanya.
At para sa mga first-time na ina, ayon sa kanya ay magandang malaman na ang pelvic floor injuries ay kaunti lang ang nakakaranas, at kung ang forceps ay hindi gamitin, mababa ang tsansa na magkaroon ng pelvic floor injury. Karaniwan, walang nagiging problema,” ayon sa kanya.
“Pagdating sa pelvic floor, para sa lagpas kalahati ng mga kababaihan na nag-vaginal birth, ang mga bagay ay nananatiling pareho pagkatapos.”
Ang article na ito ay unang na-publish sa Kidspot.
Source: theAsianparent
Basahin: The risks of forceps delivery as experienced by a mom