Pokwang tinanong kung anak daw ba niya talaga si baby Malia

lead image

Paulit-ulit na tinanong raw ng isang airline staff kung anak daw ba talaga ni Pokwang ang kaniyang anak na si Francine Malia O'Brian.

Sa isang episode ng "Gandang Gabi Vice," ibinahagi ng aktres na si Pokwang na nagduda raw ang staff ng airport kung talagang anak daw ba niya si Baby Malia, o Francine Malia O'Brian.

Ayon kay Pokwang, karga-karga daw niya si baby Malia, at pauwi na sila sa Pilipinas nang mangyari ang insidente. Ano kaya ang kaniyang naging reaksyon dito?

Francine Malia O'Brian, pinagdudahan kung anak ba talaga ni Pokwang

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by William Lee O'Brian (@leeobrian) on

 

Sabi ni Pokwang, pauwi na raw sila sa Pilipinas noon kasama si Baby Malia, partner niyang si Lee, at ang anak niya na si Mae. Tinanong raw siya ng isang ground staff kung talagang anak daw niya si Malia.

Ang sabi raw sa kaniya ay, "Are you the mother?" na sinagot naman ni Pokwang ng "Yes." Matapos nito ay tinanong raw siya ulit at sabing, "Are you sure you're the mother?" na tila parang ayaw maniwala sa kaniya.

Sinabi na lang ni Lee, na nakasunod sa kanilang mag-ina, na siya na lang ang magbubuhat kay Malia. 

Ngunit hindi naman daw nabastos si Pokwang sa insidente. Aniya, natawa na lang daw silang pamilya kapag natatandaan nila ang nangyari sa eroplano.

Dagdag pa ni Pokwang, na nanganak noong January 2018 kay Francine Malia O'Brian, isa raw ito sa pinakaunforgettable niyang experience.

Tips sa pagbiyahe kasama si baby

Exciting para sa mga magulang ang bumiyahe kasama ang kanilang mga anak. Ngunit kung 1st time travellers ay posibleng kabahan ang mga bata, o kaya matakot sila kapag sasakay na sila sa eroplano. Kaya't mahalagang alam ng mga magulang ang kanilang gagawin kapag nagbiyahe sila.

Heto ang ilang sa mga tips na ito:

  • Magdala ng car seat para sa iyong anak.
  • Maghanda ng mga snack at inumin para sa iyong anak.
  • Kapag sanggol pa ang iyong anak, magtabi ng gatas para kay baby.
  • Magdala ng extrang damit at diapers.
  • Dalhin ang mga laruan ng iyong anak, at kung anu-ano pang puwedeng panlibang sa kanila.
  • Iwasang bumiyahe ng higit sa 6 na oras. Ito ay dahil nakakapagod ito para sa mga bata, at madalas naiinip sila o kaya nagiging bugnutin sa ganitong mga byahe.
  • Mag-schedule sa bedtime ng iyong anak. Nakakatulong ito para kahit nasa biyahe ay mahimbing ang tulog ni baby.

 

Source: Inquirer

Basahin: Pokwang gives birth to a baby girl!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!