Sharon Cuneta: Kung bakit hindi niya binibilihan ng branded na shoes ang anak

Sharon Cuneta: Kung bakit hindi niya binibilihan ng branded na shoes ang anak

Sharon Cuneta ibinahagi kung bakit first niyang niregaluhan ng branded shoes ang anak na si Frankie.

Frankie Pangilinan first time umanong nakatanggap ng branded shoes mula sa kaniyang inang si Megastar Sharon Cuneta.

Kahit can afford naman nila, narito ang dahilan kung bakit nito lang ang unang pagkakataon mula sa kaniyang pagkabata nagkaroon ng branded items na gamit si Frankie Pangilinan.

frankie pangilinan with mom Sharon Cuneta

Image screenshot from Sharon Cuneta’s Instagram account; Ria Regino for Metro Style (right)

Frankie Pangilinan first branded shoes

Sa kaniyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang regalo para sa anak na si Frankie Pangilinan. Ito ay mga designer shoes katulad ng Chanel, Hermes, Valentino, at Christian Dior. Ang mga ito ay ang first branded shoes daw ng kaniyang anak.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Ayon pa sa Megastar, ang mga ito daw ay regalo para sa pagiging mabait at sweet na anak ni Frankie na kung tawagin niya ay “Kakie”. Na magagamit niya rin sa kaniyang pag-alis para makapag-aral ng college sa US.

Sa kaniyang Instagram post ay ito ang nasabi ng Megastar:

“Surprised Kakie today by asking Madel of @madeloveluxe to come over with several pairs of footwear to have Kakie choose from. Her first branded ones since she was a toddler! She’s been a really good kid – a loving daughter – and I wanted her to pick some good pairs for when she goes off to college. Thank you, Madel for gifting me with beautiful black Prada sneakers and gifting Kakie with her first Chanel sneakers! We love you! And I truly love my Kakie.”

Reaksyon ni Frankie

Ibinagi niya rin kung ano ang naging reaksyon ni Frankie na naiyak nang makita ang kaniyang first branded shoes. Kahit sila ay may pera at kayang bilhin ang gusto nila ay tinuruan ni Sharon Cuneta at asawang si Sen. Kiko Pangilinan na hindi sanayin ang kanilang mga anak sa pagkakaroon ng mamahaling gamit. Ito ay para daw pahalagahan nila ang pera na kanilang pinaghirapan at maappreciate ang kanilang well-made investment pieces.

“She was naiiyak because we have always given our children a modest budget for shopping, and they aren’t spoiled and have very few expensive things. That way, they know the value of hard-earned money and appreciate it so much when they receive well-made investment pieces. She was so happy! Eighteen na siya and I am grateful she never turned into a monster throughout her teenage years! Hahaha! #offtocollege #collegegirl I love you Baba! @frankiepangilinan,”

Reaksyon ng mga netizens

Pinuri naman ng mga netizens ang sinabi na ito ni Sharon Cuneta at humanga rin sa magandang pagpapalaki sa kaniyang mga anak.

Wow nkaka proud ka naman @frankiepangilinan at super blessed po kyo ate @reallysharoncuneta and sen. @kiko.pangilinan maganda ang pagpapalaki nyo sa inyo mga anak..👍😍💖 nkaka admire po kayo👍😍💖💖💖”

@frankiepangilinan you go girl. 😘💋 Be a good girl. See hard work and being a good person always/eventually get what you deserve. God bless you both. @reallysharoncuneta such a great bonding experience also.”

Si Frankie Pangilinan ay nag-graduate ng high school nitong Hunyo mula sa Beacon School. At nakatakda siyang umalis papuntang New York para doon mag-aral ng college.

 

Source: ABS-CBN

Basahin: Hayden Kho, sinagot ang netizen na kumuwestyon sa pagsusuot ni Scarlet ng mamahaling gamit

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner