Sanggol namatay habang pinapanganak dahil sa 'free birth'

Pinuna ng mga netizens ang pagwawalang-bahala ng isang ina sa kaligtasan ng kaniyang anak dahil gusto niyang magkaroon ng 'free birth'

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinuna ng mga netizens ang isang ina, matapos mamatay ang anak nito dahil umano sa free birth.

Dahil sa insidente, naging mainit ang usapan sa social media tungkol sa ganitong paraan ng panganganak.

Sanggol namatay dahil sa free birth

Isang ina mula sa California na nagngaangalang Lisa ang binatikos dahil umano sa pagpapabaya niya sa kapakanan ng kaniyang anak.  Ito ay dahil sa halip na manganak sa isang ospital, pinili niyang magkaroon ng freebirth, o isang uri ng panganganak kung saan walang medical intervention.

Kadalasan itong ginagawa ng mga ina na nagnanais magkaroon ng mas natural na panganganak, at gustong umiwas sa mga gamot at iba pang modernong gawain sa pagbubuntis.

Bahagi daw ang ina ng grupong The Free Birth Society, kung saan ibinahagi niya an nangyayari sa kaniyang panganganak. Sinabi pa ng mga members ng grupo na hayaan lang daw niya ang natural na panganganak, at magtiwala sa proseso.

Anim na araw siyang nag-labor

Nagsimula raw na magkaroon ng contractions ang 29 taong gulang na ina noong October 2. Nawala din daw ito ngunit bumalik matapos ng 2 araw, at mas matindi pa raw ang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinabi niya sa Facebook group para sa freebirth na ilang araw na siyang naglalabor, at nakakaramdam na siya ng napakatinding sakit. Tatlong araw matapos ang kaniyang post, nag break ang kaniyang waters ngunit hindi pa rin lumalabas ang bata.

Dahil napakasakit na ng kaniyang tiyan at hindi siya makaihi, nagdesisyon na siyang pumunta sa ospital. Agad siyang dinala sa emergency room, ngunit sa kasamaang palad ay wala na raw tibok ng puso ang bata.

Ibinahagi ng ina sa Facebook group na namatay daw ang bata dahil nagkaroon siya ng matinding kaso ng UTI.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming bumatikos sa kaniyang ginawa

Bagama't nakakuha ng simpatiya ang ina lalong-lalo na mula sa mga kasama niya sa Facebook group, hindi pa rin siya nakaiwas sa pagbabatikos.

Napakaraming nagsabi na hindi raw tama ang ginawa ng ina. Dapat daw ay sa simula pa lang, nagpunta na agad siya sa ospital at hindi na pinili na mag freebirth.

Ibinahagi pa ni Lisa na marami daw nag message sa kaniya sa Facebook, at sinisisi siya sa pagkamatay ng sanggol. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama't hindi pa siya tapos magluksa sa pagkamatay ng anak, desidido pa din si Lisa na magbuntis ulit at magkaroon ng anak. Dagdag pa niya na desisyon daw ng isang ina kung anong paraan ng panganganak ang gusto niya, at hindi daw dapat husgahan ang mga ina dahil dito.

 

Source: Kidspot

Basahin: Mga tips para mapadali ang panganganak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara