Ginagamit mo ba ang freezer mo para lang maglagay ng frozen goods, upang di matunaw ang ice cream na iyong paborito, o kaya naman ang mga ginawa mong yelo? O di kaya naman ginagamit mo lang ba ang freezer mo upang hindi masira ang mga pinamili niyong mga karne o isda?
Tuklasin kung paano mo pa magagamit ang iyong freezer na walang kinalaman ang kahit na anong pagkain.
8 freezer hacks
1. Para mabuksan ang sobre
Upang buksan ang sobre nang hindi napupunit, gawin ang isa sa mga freezer hacks na ito.
Ilagay sa isang plastic bag at i-freeze ito ng mga isa hanggang dalawang oras. Ilabas ito at mabilis na buksan gamit ang kutsilyo.
2. Pahabain ang buhay ng kandila
Ilagay ang kandila sa freezer ng isang araw bago ito sindihan, makakatulong ito na tumagal sila. Ang pag-chill sa wax ng kandila kasi ay nakakatulong sa pagbagal na lumiliit o maubos. Puwede ring mapigilan ang pagtulo nito.
3. Linisin ang pantalon
Ang magandang gawin para linisin ang iyong pantalon ay ilagay sa freezer kapag ito ay namamaho.
Ilagay ang pantalon sa loob ng isang canvas bag o eco bag kung tawagin at i-freeze overnight. Ang temperatura sa freezer ay nakakamatay ng bacteria.
4. Magde-bug ng kahoy
Maraming lumang kahoy na gamit na mayroong woodworm, mga pesteng tumitira at kumakain ng mga kahoy. Ilagay ang furniture na kahoy na ito na nabili sa freezer nang ilang linggo upang mapuksa ang mga woodworms.
5. Alisin ang pagdikit-dikit ng plastic wrap
Kapag ang isang plastic wrap ay laging dumidikit sa sarili nito, ilagay ito sa freezer nang mga ilang minuto. Ang lamig ay aalisin ang ibang pagdikit nito, pero tandaang i-chill lang ito nang ilang minuto upang hindi mawalang tuluyan ang kapit nito.
6. I-save ang mga halamang buto
Kung mayroon kang mga tirang halamang buto na hindi mo naitanim, i-preserve ang mga ito sa pamamagitan ng paglagay sa freezer.
I-check din na ang mga halamang buto ay tuyung-tuyo at nakalagay sa isang airtight na lalagyan bago i-freeze.
7. Pahabain ang buhay ng pantyhose
Basain ang bagong pantyhose at ilagay sa isang plastic bag, at i-freeze overnight.
Ang lamig ay pinapanatiling mahigpit ang mga sinulid nito at syempre maiiwasan na ang mga runs at mapapahaba ang buhay ng iyong pantyhose. Tandaang gawin lang ito ng isang beses.
8. Puksain ang dust mites
Ilagay ang mga bagay na iyong gamit tulad ng mga kobre kama o di kaya naman mga sapin sa upuan sa isang malaking plastic bag. I-freeze ang mga ito overnight at labhan kinabukasan.
Source: Reader’s Digest
Basahin: Mommy hacks: get the most out of your baby stroller
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!