Isang miyembro ng theAsianparent Community ang nagbigay ng kanyang katanungan. Ayon sa kanya, may nakita siyang gamit ng kanyang asawa na mula pa sa ex nito. Alamin natin ang mga naging kumento ng iba pang miyembro ng theAsianparent Community. Anu-ano nga ba ang mga gamit mula sa ex na dapat itago at dapat itapon?
Gamit mula sa ex
Sa tanong ng daddy na miyembro ng theAsianparent Community, makikita ang kanyang pag-aalala. Siya ay hindi mapalagay kung ang kanyang nakita ay dapat bang alalahanin. Naiisip niya kasi na baka may sentimental value pa ang kanyang nakitang gamit na bigay pa ng ex ng kanyang asawa. Hindi man niya nabanggit kung ano ang gamit na nakita, siya ay nabigyan ng maaayos na payo ng iba pang miyembro.
Ayon sa isang komento, kung ang mula sa ex ay hindi na nagagamit, dapat ay itapon na ito. Wala nang punto ang pagtatago nito kung para lamang sa sentimental value na mula ito sa isang ex. Marami sa mga natanggap na komento ang hindi nalalayo dito. Sila ang mga nagsasabing itapon nalang ang gamit at baka talagang nakalimutan lang itapon ng kanyang asawa.
Sa iba pang komento, kanilang pina-alam na walang dapat alalahanin. Hindi dapat hayaan ang nakaraan na makasagabal sa inyong pagsasama ngayon. Basta mahal niyo ang isa’t isa, hindi kailangang alalahanin kung ano ang nakaraan. Makakatulong din na mapanatag ang asawa kung itatapon o ipapamigay nalang ang gamit mula sa ex.
Sa isa pang komento, kanyang binigyang pansin na hindi lahat ng gamit mula sa ex ay makakabuting itapon. May mga bagay na maaaring itago nang walang feelings na nagbabalik sa tuwing makikita ito. Ang mga bagay na ito ay sadyang gamit lamang na tinatago para sa nakalaan na purpose nito. Subalit, ang mga karaniwang bagay na may sentimental value ay dapat pakawalan na.
Itago o itapon?
Ngunit, ano nga ba ang mga kagamitan na maaaring itago at ano ang mga dapat itapon?
Itago
- Mga essential na kagamitan sa bahay. Kung ang ex mo o ng iyong asawa ay may ibinigay na gamit sa bahay na praktikal sa araw-araw, maaaring hindi ito itapon. Kabilang dito ang mga gamit sa kusina, mga gamit na panglinis, o iba pang maaaring nagagamit sa araw-araw.
- Mga damit. Kung ang ex ay nagbigay ng damit na talaga namang bagay at nagagamit pa, maaaring hindi ito itapon. Subalit, kapag ito ay nagbabalik ng mga alaala, makakabuting ipamigay nalang ito.
- Mga alahas. Ang mga alahas, kanino man galing, ay masmagandang itago. Kung ito ay may sentimental value man, maaari itong ipa-tunaw sa ilang gumagawa ng mga alahas. Maaaring gamitin ang mga bato mula dito at ang gold o silver para gawing ibang design na mas personal para sa iyo.
Itapon
- Mga ginawang regalo. Kung ang gamit mula sa ex ay sadya niyang ginawa, gamit ang kanyang mga kamay, ito ay malamang binuhusan ng pagmamahal. Dahil dito, makakabuting hindi ito itago at na ipamigay nalang. Hindi maiiwasan na maalala ang ex sa tuwing makikita ang mga ito. Kabilang dito ang mga DIY na regalo at maging ang mga love letters.
- Lingerie. Ito man ay naisusuot, hindi masasabi na ito ay damit tulad ng nabanggit. Ang mga lingerie na regalo, gaano man kabagay o kamahal, ay para sa intimate moments sa ex. Hindi maganda sa pakiramdam ng asawa mo ang makitang suot mo ito.
Makakabuti ang pag-usapan ng mag-asawa ang mga ganitong isyu. Maaaring nakalimutan lang talagang itapon o kaya naman ay may gamit pa ito sa kanya. Kung sakali man na magagamit pa ito, linawin na mapapanatag ang loob mo kung walang sentimental value ang kagamitan. Pag-usapan ito nang mahinahon at walang pag-aakusa upang hindi maging malaking pag-aaway.
Basahin din:REAL STORIES: “Nahuli ko ang mister ko na may kinakausap sa Tinder dating app”
Source: theAsianparent Community, Glamour