Mga importanteng gamit na kailangan ng newborn baby

Narito ang ilang mga tips  para magabayan kayo kung ano ba dapat ang mga gamit na mayroon kayo para sa inyong mga newborn baby, mga future mommy.

Confuse ba kayo kung ano ba dapat ang kailangang bilhin para sa gamit ng inyong mga baby? Narito ang ilang mga tips  para magabayan kayo kung ano ba dapat ang mga gamit na mayroon kayo para sa inyong mga newborn baby, mga future mommy.

gamit-ng-baby

Mga Mahahalagang Gamit na Kailangan Ng Newborn Baby | Image from freepik

Gamit ng baby na dapat mayroon ka

Kapag first-time mom ka pa lang siguradong marami kang makakalimutan at hindi maaisip kung ano ba ang need ni baby kapag siya’y isinilang mo na. Maraming mga kailangan ang isang newborn baby kaya naman dapat handa ka bago pa lang siya dumating.

Mas magandang mayroon kang checklist para ma-organize mo ang mga kakailanganin mo once na manganganak ka na. Ayon sa mga moms mula sa theAsianparent community binahagi ng mga mommy kung ano ang mga gamit ng baby na kailangan mayroon ang mga first-time mommy.

Narito ang isang checklist ayon sa iba pang mga mommy

gamit-ng-baby

Mga Mahahalagang Gamit na Kailangan Ng Newborn Baby | Image from freepik

  1. Cotton clothes

    • Kailangan na cotton ang damit ni baby para hindi siya mainitan at maging kumportable siya. Mula sa suot niya pangtaas at pangbaba. Pati na rin ang kanyang guwantes at medyas.
    • Kailangan ding walang manggas ang ipapasuot kay baby para siya’y kumportable.
    • Huwag ding kalimutan ang bonnet o cap ni baby para may proteksyon ang kanyang ulo. Tandaan na sensitive ang ulo ng mga newborn baby.
    • Huwag din masyadong bumili ng maraming set ng damit ni baby dahil mabilis lumaki si baby at baka hindi niya lang masulit ang mga ibibili mo sa kanya. Bumili lang ng saktong set para kay baby at para hindi masayang ang inyong pera.
  2. Baby Blanket

    • Siguruhing malambot at gawa rin sa cotton fabric ang mga blanket ni baby para maging kumportable rin siya sa kanyang pagtulog. Ang cotton fabric kasi ay swak talaga kay baby dahil hindi ito mainit o makati katawan.
    • Idagdag na rin ang waterproof sheet o rubber mat. Para naman madali mong mapapalitan si baby kapag siyang dumumi o umihi.
  3. Lampin

    • Importante na may lampin si baby lalo na kung ayaw niyong gumamit ng diapers. Ang lampin kasi ay walang chemicals katulad ng sa mga diaper sa market.
    • Siguraduhing hindi gagamit ng perdible sa paggamit ng lampin bilang diaper ni baby. Ayaw nating masugatan si baby.
  4. Diapers

    • Swak na swak sa mga mommies na walang time sa paglalaba ng lampin ang pagkakaroon ng diaper. Siguraduhin lang na bagay kay baby ang diaper na ipapasuot sa kanya dahil may ibang baby na nagkakaroon ng allergic reaction sa diaper.
  5. Bote (Feeding bottle)

    • Hindi siyempre maiiwasan ang pagkakaroon ng sobrang breast milk kaya mainam na may feeding bottle kang nakahanda. Kahit na hindi ikaw ang papadede kay baby ay siguradong masustansya pa rin ang kanyang ini-intake dahil breast milk mo ito.
    • Mahalaga rin ito para kapag wala si mommy ay pwedeng si daddy o lola ang mag-aalaga kay baby at matitiyak na breast milk ni mommy ang kanyang nadede.
  6. Sterilizer

    • Mahalaga ang pag-sterlize sa mga gamit ni baby. Ayaw natin na madadapuan ito mga germs. Lapitin kasi ang mga baby sa sakit dahil mahina pa ang kanilang immune system. Mainam na may sterilizer upang ma-sanitize ang mga gamit ni baby.
    • Mula sa kanyang feeding bottles at iba pang laruan.
  7. Baby Carrier

    • Ayon sa ating mommies malaking tulong ang pagkakaroon ng baby carrier. Sabi kasi nila nagagawa nila ang mga gawaing bahay nang hindi nalalayo kay baby. Nakakatulong ang baby carrier sa ating mga mommy hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob na rin. Pwedeng matiklop ng damit na karga-karga si baby o kaya naman magwalis at iba pa. Siguruhing lang hindi matatamaan at kumportable si baby sa kanyang posisyon.
  8. Wipes

    • Makakatulong ang wipes para agarang mahugasan at malinisan si baby. Hindi rin ito makalat at disposable kaya naman very handy kina mommy.
    • Mas maganda kung makakbili ng wipes na recyclable para makatulong na rin kay mother nature.
    • Swak ito sa mga mommies on the go at may hectic na schedule.
  9. Pacifier

    • Okay din daw ang pagkakaroon ng pacifier para kumalma si baby kapag umiiyak. Makakatulong din ito para maiwasan ang Sudden Infant Syndrome (SIDS). Ang pagsipsip ni baby sa isang pacifier ay makakatulong sa risk ng pagkakaroon ng SIDS. Kapag kasi si baby ay breast-fed mag-intay ng 3-4 weeks bago i-offer sa kanya ang pacifier.
    • Ang SIDS ay isang hindi maipaliwanag na sakit o nararanasan ng isang sanggol habang siya ay natutulog. Kilala rin ito sa pangalang crib death.
  10. Crib

  • Mahalaga rin ang crib kay baby. Dito mo siya pwedeng ilagay kapag natutulog na siya at may ibang gagawin si mommy. Siguraduhing matibay at hindi malalaglag o lulusot si baby sa crib.
gamit-ng-baby

Mga Mahahalagang Gamit na Kailangan Ng Newborn Baby | Image from freepik

Ilan lamang ‘yan sa mga essentials na ibinahagi ng mga mommies sa theAsianparent Philippines community. Maging bahagi ng theAsianparent Philippines community para malaman pa ang ibang mga tips mula sa ating mga mommy.

Mas okay na ang handa kaysa ang mataranta kaya naman i-organize na a head of time ang mga kailangan ni baby. Para komportable si baby at ikaw na rin mommy ay hindi mahihirapan. Kaya maghanda a head of time.

 

SOURCE: 

theAsianparent Philippines Community, Baby Checklist

 

BASAHIN:

15 bagay na hindi mo dapat gawin sa newborn baby

Gamit ni baby na pagsisisihan mong bilihin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!