X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

10 "importanteng" gamit ni baby na pagsisisihan mong bilihin

7 min read
10 "importanteng" gamit ni baby na pagsisisihan mong bilihin

Gaano man ka-cute tignan, mayroon talagang mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin. Alamin kung ano ang mga gamit na sayang lamang sa pera at sa lugar.

Buntis ka na – congratulations! Maaaring di ka na makapag-antay mamili ng mga “importanteng” gamit para sa paparating mong baby. Ngunit alam mo ba na mayroon ding mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin?

Maliliit na medyas para hindi ginawain ang mga paa, state-of-the-art stroller na may vibrating pad bilang pampa-hele… napakaraming mga gamit ang tila sumisigaw sa mga magiging magulang na, “bilhin mo ako! bilhin mo AKO!”.

Ngunit ito ang totoo. Kaunti lang ang kailangan ng baby para mabuhay nang masaya (ang pagmamahal mo habang buhay, at ang breast milk mo sa simula).

Kumausap ako ng mga may karanasan nang magulang. Magkasama naming kinilala ang mga sumusunod na baby products bilang pagsasayang ng pera at lugar kapag hindi na nagagamit. Ito ang 10 gamit ni baby na hindi dapat bilihin.

Mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin

1. Magarang feeding chairs

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat Bilhin

Sila ay ergonomically designed, maraming paddings, may gulong, brakes at designer bamboo-silk covers… at pag-aaksaya ng pera at lugar (Natutunan ko ito the hard way sa aking unang anak).

Walang tamang asal sa pagkain ang mga baby kapag nagsisimula nang kumain ng solids. Kakalat ang mga pagkain sa bawat lugar na maiisip mo (buhok, balat, sahig, aso, kisame…) pati syempre ang feeding chair.

Ang mga plush na paddings na binabalot ng maselan na rela ay malalagyan agad ng pagkain at mantsa. Sandali lang, ang iyong makulay, magara, at mamahaling feeding chair ay magiging madumi, mabaho, at malamang hindi na nagagamit habang humahanap ka ng mas praktikal na paraan ng pagpapakain sa iyong anak.

Alternatibo: Kumuha ng mura, madaling linisin, ordinaryong feeding chair. Siguradong magugustuhan ng mga ina ang ANTILOP high chair ng IKEA. Mayroon itong safety straps, natatanggal na tray, at madaling ilipat-lipat sa bahay (sobrang gaan).

Maaari rin itong basain ng tubig para linisin (nandito man ang baby o wala, ikaw ang bahala).

2. Sobrang daming pang newborn na damit

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat Bilhin

Ang mga maliliit na damit ay sobrang nakakatuwa at nakaka-akit na mamili ng marami nang sabay sabay. Ngunit tandaan na mabilis lumaki ang mga baby. Malamang ay hindi man lang masusuot ng iyong anak ang nasa kalahati ng 20 brand new na damit dahil kinalakihan niya ito agad.

Alternatibo: Kumuha ng ilang onesies na NB ang size. Iba-ibahin ang mga size ng iba pa para hindi paulit-ulit na namimili ng masmalalaking mga damit. At gaano man ka-cute ang magarbong skirt at top, hindi ito praktikal para sa mga napakabatang baby. Ang maspraktikal na option pagdating sa damit ng mga baby ay ang onesies, parehong mahaba at maikli.

3. Medyas at sumbrero ng newborn

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat BilhinNaaalala ko ang pagbili ng maraming pakete ng medyas pang newborn nuong buntis pa ako sa una kong baby. Sobrang cute talaga nila. Subalit, hindi man lang nakasuot ni-isa ang anak ko dahil karamihan sa onesies ay may built-in na foot covers!

Ganito rin sa sumbrero, ngunit para ibang rason naman. Makikita sa mga bagong pag-aaral na ang pagsuot ng sumbrero sa mga newborns ay nakakahadlang sa bonding process ng mag-ina. Basahin ito dito.

4. Magarang changing table

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat Bilhin

Ang pagbili ng bagong changing table ay maaaring abutin ng ilang libong piso at mabilis itong maging tambak lang sa iyong bahay. Para saan ang paggastos ng malaki sa bagay na isa lang ang gamit, sigurado pang matitigil din pagdating ng araw?

Alternatibo: Bumili ng change mat/pad (humanal ng may nakataas ang mga gilid para maging ligtas) at gamitin ito para mabihisan ang iyong anak sa kama o sa sahig. Kung inaaalala ang iyong likuran dahil sa mga gagawing pagyuko, gamitin ang dresser o ibang kagamitan na tama lang ang taas.

Tandaan: HUWAG iwanan ang iyong baby mag-isa – kahit isang segundo lang – sa change mat o table, ano pa man ang built-in safety features nito.

5. Knee pads

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat Bilhin

Ang mga ito ay para protektahan ang tuhod ng mga bata pag sila ay gumagapang na. Ngunit sa totoo ay hindi ito kailangan at sayang lamang ang paggastos.

Ang mga tuhod ng baby ay sadyang kayang ipanggapang pagdating ng oras. Isa pa, Kapang ang iyong baby ay preschooler na, ang kanyang mga tuhod ay malamang mapupuno ng sugat at mga pasa.

Alternatibo: Kung talagang inaalala ang balat ng baby pag gumagapang na siya, suotan siya ng lightweight cotton tights.

6. Walkers

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat Bilhin

Ang ideya ng paglagay ng iyong anak sa isang lugar na napapaligiran siya ng mga ilaw at tunog (tulad ng tradisyunal na walker) para maaliw siya ay nakaka-akit. Kasabay nito, maganda rin ang pangako na matutulungan nito ang iyong anak na matutong maglakad.

Ngunit, ang tradisyonal na walkers ay nauugnay sa maraming panganib na maaari mong makita dito. Kaya isa ito sa mga gamit ni baby na hindi dapat bilhin.

Sa madaling salita, maglalakad ang anak mo kapag handa na siya developmentally. Ang paglalagay sakanya sa isang gamit para tulungan siyang maka-usad nang wala ang kailangang development ng muscles, sense of balance, at coordination skills, ay maaaring maging mapanganib.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Alternatibo: (a) Push walker; (b) ang mga paa ng iyong anak.

7. Sapatos ng mga newborns o infants

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat Bilhin

Gaano man nakakagigil, ang mga maliliit na bagay na ito ay wala talagang punto (maliban kung nais pagandahin ang suot para sa espesyal na okasyon).

Ang sapatos sa newborn o infant ay magpapa-init at pawis lamang ng kanyang mga paa. Hindi ito talaga kailangan hanggang sa maglakad siya. Kahit pag naglalakad na siya, may ilang eksperto ang nagsasabing masmabuting magpaa ang bata habang nasasanay maglakad.

8. Bottle warmer

Gamit Ni Baby Na Hindi Dapat Bilhin

Hindi kailangan painitin ang gatas sa bottle warmer dahil ang kailangan lamang gawin ay gawing room temperature ang gatas. O ilagay ang bote sa warm water hanggang uminit ito sa kailangang temperatura.

Subukan ang gatas sa malinis na daliri, o lagyan ang iyong pulso, at maaari nang ibigay kay baby.

9. Bedding sa crib

10 'essential' baby items you will regret buying

Maaaring mapagmukha nitong galing sa home decor magazine ang crib ng iyong baby. Ngunit ang mga unan, cot bumpers, quilts, kumot at iba pa ay hindi lang hindi kailangan kundi mapanganib din.

Maraming nang mga pag-aaral ang nagpakita na tumataas ang panganib ng SIDS sa paggamit ng ganitong mga beddings.

Alternatibo: Isang simpleng fitted cotton sheet ang tanging kailangan ng iyong baby pagdating sa bedding. I-kontrol ang temperatura sa kwarto gamit ang air-conditionaer o electric fan at panatilihing maginhawa ang iyong baby sa pamamagitan ng pagsuot ng tama at angkop na pantulog.

10. Stuffed toys

10 'essential' baby items you will regret buying

Sila ay cute, cuddly at mauugnay sa lahat ng pang baby. Ngunit ang malalaki at malalambot na teddy bears at iba pang stuffed toys ay maaaring tirahan ng ilang milyong alikabok na nagdudulot ng allergies at iba pang nakaka-inis na kondisyon.

Kumuha ng ilan lang kung kailangan, at siguraduhin na regular itong nalilinisan para manatiling walang alikabok. Isa pa, huwag itong ilalagay sa crib ng iyong anak dahil maaari itong matakip sa mukha ng natutulog mong baby at masuffocate siya.

Mums at dads to-be, alam namin na hindi na pinag-iisipan pa pagdating sa paggastos para sa inyong baby. Ngunit maniwala kayo, pagdating sa mga gamit sa article na ito, masmabuting gamitin ang pera sa kanyang college fund.

Isa pa, huwag rin mahiyang kumuha ng preloved na gamit ng baby. Malaki ang matitipid niyo at maaari itong ipasa sa iba kapag hindi niyo na kailangan.

May gamit bang maaari pang idagdag sa listahan na ito? Sabihin samin sa Comment Box sa ibaba!

Ini-republish nang may pahintulot mula: theAsianparent Singapore

BASAHIN: When buying used items for your baby is OK

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nalika Unantenne

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 10 "importanteng" gamit ni baby na pagsisisihan mong bilihin
Share:
  • Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

    Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

  • 18 na gamit ng baby na hindi kailangan bilihin at aksaya lang sa pera

    18 na gamit ng baby na hindi kailangan bilihin at aksaya lang sa pera

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

    Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

  • 18 na gamit ng baby na hindi kailangan bilihin at aksaya lang sa pera

    18 na gamit ng baby na hindi kailangan bilihin at aksaya lang sa pera

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.