X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

12 baby products na maaari ring gamitin ng mga magulang

4 min read

Marami nang iba't ibang baby products ang mabibili ngayon. Ang mga baby products na ito ay mabango, banayad sa balat at minsan ay mas mura pa sa pangmatanda na katapat nito. Alamin ang 12 baby products na maaaring gamitin ng mga matatanda.

12 baby products na magagamit ng mga magulang

1. Baby wipes

Ang mga baby wipes ay hindi na lamang ginagamit para magpalit ng diaper ng mga bata. Ito ang baby product na maaaring gamitin upang pantanggal ng make-up, panlinis ng sapatos, o kaya simpleng pamunas lamang sa mukha. Bukod sa hindi ito mabagsik sa balat, mabango pa ang mga baby wipes.

2. Pedialyte

Anong baby product ang maganda sa mga dehydrated? Ang Pedialyte ay inumin na panlaban sa dehydration gamit ang mga electrolytes. Kumpara sa mga inumin pangmatanda panlban sa dehydration, mas mababa ang bilang ng calories at sugar nito. Maganda ito sa katawan ng matatanda upang maibalik ang nawalang tubig o panlaban sa hangover.

3. Sunscreen

Hindi lang ang mga bata ang may balat na dapat bina-baby. Kung mapapansin, ang mga sunscreen na pambata ay mas maganda ang naibibigay na proteksyon sa balat kaysa sa karamihan ng pang matatanda habang gumagamit ng mas konting chemicals.

4. Baby powder

Ang mga baby powder ay hindi lang dapat nakatago sa baby bag. Ito ang baby product na maaasahan sa mga maiinit na panahon. Ang kahit  kaunting pagpahid ng baby powder ay malaking ginhawa sa mga bata at matatanda.

5. Nipple balm

Ang baby product na ito ay kilala sa mga nanay na nagpapa-breastfeed ng mga anak nila. Kung may natatabi pa at hindi na nagpapa-breastfeed, maganda ito para sa mga tuyong labi at magagaspang na balat. Maaari itong gamitin sa mga siko at tuhod upang maibalik ang kutis baby.

6. Baby wash

Sa mga matatanda na may prublema sa sensitibong balat, gumamit ng baby wash bilang panligo. Bukod sa hindi mabagsik sa balat ang mga baby wash, karamihan din dito ay hypoallergenic tulad ng ibang baby products.

7. Diaper cream

Ang mga sangkap ng mga diaper cream kung bakit ito nakakapawi sa puwet ng bata ay ang rason kung bakit ito ay maganda bilang remediya sa razor burn. Maaari itong ipahid sa mga hita o kaya naman sa mga sensitibong lugar tulad ng bikini line.

8. Baby oil

Alam ng karamihan na ang baby oil ay maganda sa pananatili ng makinis na balat. Ang di alam ng karamihan, pwede rin itong pangpa-kinang ng mga stainless steel. Pahiran ng tamang dami ng baby oil ang mga stainless steel matapos itong hugasan ng dish soap at magulat sa kinang na dala nito.

9. Baby shampoo

Ang baby shampoo ay isa sa mga baby products na maraming gamit. Maaari itong gamitin na sabon panlaba ng mga cashmere na damit. Maganda rin itong gamitin bilang pantanggal ng make-up sa mata o panlinis ng mga make-up brush.

10. Boudreaux's Butt Paste

Ang Boudreaux's Butt Paste ay mainam na pantanggal ng mga diaper rash ng mga baby. Mayroon din itong sapat na kakayahan upang guminhawa ang pakiramdam ng sino man kapag nilagay sa mga kagat ng lamok.

11. Gripe water

Kung kinakabag, nahihilo o kaya naman ay may sakit ng tyan na dahil sa hangin, ang baby product na ito ay makatutulong. Ito ay magandang remediya na mula sa luya at haras, dalawang mga damo na kilalang nakakaginhawa sa masakit na tiyan.

12. Aquaphor

Ang Aquaphor ay isa ring baby product na maaaring gamitin sa mga diaper rash. Iba ito sa lotion o moisturizer, kilala ito bilang ointment na panggaling sa iba't ibang prublema sa balat. Maganda itong gamitin sa mga tuyong labi at magagaspang na mga siko at tuhod. Maaari rin itong ipahid kapag napaso.

 

Karamihan ng mga baby products na mabibili ay magandang gamitin din ng matatanda dahil sa pagiging organic ng mga ito. Mas kakaunti ang chemicals kaya masligtas para sa lahat. Ang mga baby products ay hindi lamang para sa baby.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Source: Reader's Digest

Basahin: 7 Innovative baby products that are totally worth it!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 12 baby products na maaari ring gamitin ng mga magulang
Share:
  • 5 everyday baby products you never knew were toxic

    5 everyday baby products you never knew were toxic

  • Pediatricians highlight risks of inclined baby sleep positioners

    Pediatricians highlight risks of inclined baby sleep positioners

  • REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

    REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 5 everyday baby products you never knew were toxic

    5 everyday baby products you never knew were toxic

  • Pediatricians highlight risks of inclined baby sleep positioners

    Pediatricians highlight risks of inclined baby sleep positioners

  • REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

    REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.