May bakuna na ba sa Hepa B ang anak? 7 rason kung bakit delikado ang sakit na ito sa bata

Ano nga ba ang sintomas ng Hepa B at ang kaukulang gamot sa Hepa B? Narito ang 7 na importanteng impormasyon tungkol sa sakit na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang panganib na dala ng virus na ito? Ano ang gamot sa Hepa B? Mahalagang alamin ang lahat ng impormasyong makakatulong para maiwasan ang paglala ng kondisyong ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 7 rason kung bakit delikado ang hepatitis B sa bata
  • Sintomas at test para sa sakit na ito
  • Bakuna para maagapan ang hepatitis B virus
  • Gamot sa hepa b

Narito ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa delikadong sakit na ito – sintomas, gamot, vaccine atbp. 

7 rason kung bakit delikado ang Hepatitis B sa mga bata

1. Atay ang sinisira ng Hepatitis B

Ang masidhing impeksiyon na ito sa atay o liver ng hepatitis B virus (HBV), at maaaring hindi na magamot. Namamaga ang atay at kapag ito ay nasira, maaapektuhan ang tungkulin ng atay na salain ang dugong dumadaloy galing sa digestive tract natin. Patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kapag hindi nabigyan ng tamang paggamot.

2. Ang Hepatitis B ay maaaring maging chronic disease.

Ang malalang impeksiyon ng hepatitis B virus ay isang panandaliang sakit na nagaganap sa loob ng unang 6 na buwan matapos maging infected ang isang tao sa hepatitis B virus.

Ito ay maaaring maging sanhi ng banayad na sakit na nagtatagal ng ilang linggo. Maaaring ding magdulot ito ng malubhang panghabangbuhay na sakit.

Ang hindi gumagaling na impeksiyon ng hepatitis B virus ay isang pangmatagalang sakit na nagaganap kapag ang hepatitis B virus ay nananatili sa katawan ng tao. Ang impeksiyon ng hepatitis B virus ay maaaring malala o hindi gumagaling.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

3. Mas delikado ang Hepa B sa mga sanggol at bata, kaysa sa mga matatanda

Kapag sanggol o bata ang dinapuan ng sakit na ito, mas malaki ang posibilidad na ito ay chronic o pangmatagalan.

Paliwanag ni Dr. Regent Andre Piedad, MD, ng Medicard Philippines sa Taguig City,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang outcome sa mga bata, bagong panganak, pati mga adolescents, ay pareho lang sa mga newly diagnosed adults.”

Dagdag pa niya,

“Bagamat mas mataas ang risk ng chronicity, o mas mahirap nang bigyan ng lunas (sa mga bata).” 

Ibig sabihin nito, ang paglala ng kondisyon, bagamat hindi agad makikita habang lumalaki ang bata, ay maaaring mapunta sa liver cirrhosis at hepatocellular cancer sa kaniyang adult years.

Sabi pa ni Dr. Piedad

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dahil ito sa haba ng panahon nan a-expose ang bata sa virus.” 

Para naman sa mga matatanda na nabigyan ng diagnosis pero nahindi nagamot o natigil ang paggamot sa mahabang panahon: mataas din ang tiyansa na malagay sila sa mapanganib na sitwasyon. Ayon pa rin iyan kay Dr. Piedad.

Paliwanag niya,

“Thus the longer the time (i.e years) na affected ang pasyente, the greater the risk of hepatitis B related complications (tulad ng hepatocellular carcinoma, liver cirrhosis),” pagdiriin niya.

4. Ang Hepa B ay nakakahawa

Kumakalat ang HBV kapag ang dugo, semilya, at iba pang body fluid na may hepatitis B virus na ay naipasa sa ibang tao na hindi pa infected.

Halimbawa, kapag mayro’n ang ina habang nagbubuntis, naipapasa niya ito sa kaniyang sanggol pagkapanganak. Kumakalat din ito sa pakikipagtalik, kapag gumamit ng sepilyo, razor, syringe, at iba pang medical equipment na infected na ng HBV.

Maaari din mahawa sa pamamagitan ng anumang medical, surgical at dental procedures, kasama na ang pagpapa-tattoo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 Ayon din sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), may mga taong may acute o chronic hepatitis B na hindi nakikita ang sintomas, pero nakakahawa pa din.

Hindi nakakahawa ang Hepa B virus sa pamamagitan ng paghalik, pagyakap, breastfeeding, paghawak, pagbahing, pag-ubo, pag-inom sa isang baso o paggamit ng kubyertos ng taong may virus na. Ang Hepa A ay nakakahawa sa pamamagitan ng tubig at pagkain.

Larawan mula sa Shutterstock

5. Ang hepatitis B ay nabubuhay sa labas ng katawan

Ang hepatitis B virus ay maaaring mabuhay sa labas ng katawan nang hindi bababa sa 7 araw. Sa panahong ito, ang virus ay maaari pa ring magdulot ng impeksyon kung ito ay pumasok sa katawan ng isang tao na hindi protektado ng bakuna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang incubation period ng itlog ng hepatitis B virus ay mula 30 hanggang 180 araw. Ang virus ay maaaring matukoy sa loob ng 30 hanggang 60 araw pagkatapos ng impeksyon at maaaring ma-develop at maging chronic hepatitis B, lalo na kapag naililipat sa pagkabata.

 6. Mapanganib ang hepatitis B

Mapanganib ang hepatitis B dahil ito ay isang “tahimik na impeksyon” na maaaring makahawa sa mga tao nang hindi nila alam. Karamihan sa mga taong nahawa ng hepatitis B ay hindi alam ang kanilang impeksyon at maaaring hindi alam na naipasa ang virus sa iba

 7. Nakamamatay ang komplikasyon sanhi ng Hepa B

May naitalang 1,698 deaths na may kaugnayan sa hepatitis B virus ang CDC noong 2016, pero sinasabing mas higit pa dito ang aktwal na bilang, kung isasama ang mga hindi na-report o naitala.

 Sintomas ng Hepa B

Ang mga sintomas ng Hepa B ay makikita o lumalabas mula 1 hanggang 4 na buwan pagkatapos maimpeksyon, bagamat mapapansin na ito ng paunti-unti 2 linggo bago ma-expose.

May mga mild at mayroon ding mga malalang sintomas. May mga taong hindi nakikitaan ng sintomas, tulad ng mga bata, may mga hindi rin nakakaramdam ng anumang sakit, at symptom-free kahit ilang dekada pa ang lumipas.

Sintomas ng Hepa B. | Larawan mula sa Shutterstock

Ilang sintomas ng Hepa B ay ang sumusunod:

  •       Abdominal pain
  •       Maitim na ihi
  •       Mataas ang lagnat
  •       Joint pain
  •       Walang gana kumain
  •       Pagkahilo at pagsusuka
  •       Panghihina
  •       Parang labis ang pagod na nararamdaman
  •       Naninilaw na balat at mata (jaundice)

Ang sintomas ay maaaring tumagal ng mula ilang linggo hanggang 6 na buwan o higit pa, lalo    kung hindi nagagamot.

Ano ang Hepa b reactive?

Ang hepa b reactive ay unang sign ng impeksiyon ng hepatitis B. Bukod sa kaalaman tungkol sa Hepatitis B virus, mayroon ding tinatawag na hepa b reactive – ito ay tinatawag ring hepatitis B surface antigen. Ano ang ibig sabihin ng hepa b reactive? 

Ang HBV ay may mga protina na tinatawag na antigens sa ibabaw nito na nagiging sanhi ng paggawa ng iyong immune system ng mga antibodies.

Samantala, ang mga antigen sa ibabaw ng Hepatitis B ay matatagpuan sa iyong dugo sa loob ng ilang linggo pagkatapos magsimula ang impeksiyon. Ito ay isa sa mga pinakaunang palatandaan ng impeksyon sa hepatitis B.

 Ang Hepatitis B surface antigen ay isang maagang senyales ng isang matinding impeksiyon at nananatili sa pangmatagalang, impeksiyon. 

Gamot sa Hepatitis B

Kapag nahawa na ng Hepatitis B virus, panghabambuhay na ang kondisyong ito, ayon kay Dr. Piedad.

Pahayag niya,

“Once it is transmitted and the person affected is infected with the virus, Hepatitis B infection is a lifelong condition.” 

Ayon sa CDC, maaaring maging immune ang isang tao sa Hepa B virus kung ikaw ay nagkaro’n na ng impeksyon, at nagamot ito. Kapag kasi na-clear na ang hepatitis B virus, may mga antibodies na nagbibigay proteksiyon sa katawan.

Mayroon ding mga blood tests na naglalayong tingnan kung may hepatitis B immunity ang isang tao. Itanong ito sa iyong doktor, lalo na kung nagkaroon na ng hepa B dati o may pangamba nan na-expose na sa virus na ito.

Dito malalaman kung kailangan ng isa pang dose ng hepatitis B vaccine para sa karagdagang proteksiyon.

May mga medikasyon o gamot sa Hepa B na pumipigil na maging aktibo ito.

Pero ang mga gamot sa Hepa B ay para lang gawin “latent” o “inactive” ang virus na siyang goal ng mga treatment, paliwanag ni Dr. Piedad.

Kapag ang virus ay hindi aktibo, napipigli o nade-delay ang pag-develop ng anumang komplikasyon.

Pahayag niya.

“May mga panel of tests na ginagawa naming mga doktor para tingnan ang clinical latency o infectivity, para sa Hepatitis B.”

Ang mga medikasyon ay para mapigil ang impeksyon at pagiging aktibo, hanggang sa hindi na ito nakakahawa o transmissible, bagamat nananatili sa Sistema ng pasyente ang virus.

Dagdag paliwanag ni Dr. Piedad,

Sa madaling salita, nando’n pa rin ang virus, pero wala nang sintomas o impeksiyon at hindi nakakahawa – natutulog lang ito.”

Ang oral antiviral agent ay nagagamot ang chronic hepatitis B infection

Ang chronic hepatitis B infection ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga gamot, kabilang ang mga oral antiviral agent. Maaaring mapabagal ng gamot ang paglala ng cirrhosis, bawasan ang risk ng kanser sa atay at ma-improve ang long-term survival.

Noong 2021, tinantya ng WHO na 12% hanggang 25% ng mga taong may chronic hepatitis B ay mangangailangan ng paggamot, depende sa sitwasyon at kondisyon.

Inirerekomenda ng WHO ang paggamit ng mga oral treatment (tenofovir o entecavir) bilang pinakamabisang gamot upang sugpuin ang hepatitis B virus. Karamihan sa mga taong nagsimula ng paggamot sa hepatitis B ay dapat ipagpatuloy ito habang buhay.

Kapag chronic hepatitis B ang kondisyon, dapat kumonsulta sa liver specialist o hepatologist

Makakatulong ang mga internists o family medicine practitioners at mga espesyalista sa infectious disease, at gastroenterologists, depende sa sintomas na higit na nakababahala.

Marami pang mga gamot o medikasyon ang dine-develop sa ngayon para sa Hepa B, pero hindi lahat ng may chronic hepatitis B ay nangangailangan ng medikasyon.

Baka rin kasi magkaro’n ng masamang side effects sa ilang pasyente. Kapag nagsimula na rin ng medikasyon at paggamot, panghabambuhay na ito.

Bakuna para maagapan ang Hepatitis B virus

Bakuna para sa Hepa B. | Larawan mula sa Shutterstock

May bakuna para sa Hepa B noon pang 1982, ayon sa World Health Organization (WHO) para sa mga sanggol at bata, para maagapan ito.

Pero kung na-impeksiyon na, bata man o matanda, walang gamot sa Hepa B at wala nang lunas.

Ang vaccine ay ginagamit na prophylaxis o “preventive measure” laban sa pagka-impeksyon sa Hepatitis B virus. Nagbibigay ito ng antibodies mula sa immune system para labanan ang HBV.

Sakaling mapasok nito ang sistema pagkalaunan, ayon kay Dr. Piedad.

“Kung ang indibidwal ay naimpeksyon nan g HBV, wala nang magagawa ang vaccine dahil ang Hepatitis B antigen ay nagsimula na ng replication o pagkalat at ito ay isang irreversible process.” diin ni Dr. Piedad.

Ang bakuna ay 95% na epektibo para maagapan ang impeksyon at maiwasan ang tuluyang pagkasira nito sa atay, hanggang ito ay maging life-threatening.

Kailangang kumpletuhin ang series ng vaccine para lubusang maging epektibo ito, ayon sa WHO. Ang “booster dose” ng hepatitis B vaccine ay layong mapahaba at mapalaki ang tyansa na maging mas epektibo ito.

Ang sanggol na ipinanganak sa inang may Hepa B ay maaari pang matulungan na hindi ma-impeksiyon

Kailangan lang bigyan ng nararapat na vaccine at booster sa tamang panahon. Una na ang hepatitis B immune globulin (HBIG), na ibinibigay sa loob ng unang 12 oras pagkapanganak.

May 2 hanggang 3 pang karagdagang bakuna na dapat ibigay sa susunod na 1 hanggang 6 buwan. Mayro’n ding antibody test pagkatapos makumpleto ang vaccine series, sa edad na 9-12 buwan, para masiguradong wala ngang virus ang bata. Kailangan din ng masusing obserbasyon at pangangalaga ng doktor ng sanggol para masigurong ligtas ang bata. 

May mga tests para sa mga nagbubuntis, para malaman kung siya ay may HBV. Maaari itong itanong sa OB GYN sa pre-natal check-up para malaman kung mayro’n nga ang ina at para malaman kung ano ang dapat gawin pagkapanganak. 

Blood test para sa Hepatitis B

Larawan mula sa Shutterstock

Isang sample lamang ng dugo ang kailangan para sa pagsusuri sa dugo (hepatitis B panel) ng hepatitis B, ngunit ito ay may kasamang tatlong bahagi. Lahat ng tatlong resulta ng pagsusuri ay kailangan upang lubos na maunawaan kung ang isang tao ay nahawaan o hindi. Narito ang hepatitis B panel:

  1. HBsAg (Hepatitis B surface antigen).

Ang “positibo” o “reaktibo” na resulta ng pagsusuri sa HBsAg ay nangangahulugan na ang tao ay nahawaan ng hepatitis B. Ang pagsusuring ito ay maaaring makakita ng aktwal na presensya ng hepatitis B virus (tinatawag na “surface antigen”) sa ang iyong dugo.

Kung ang isang tao ay “positibo,” pagkatapos ng test. Kailangan ang karagdagang pagsusuri upang matukoy kung ito ay isang  acute o chronic na impeksyon ng hepatitis B.

Ang isang positibong resulta ng pagsusuri sa HBsAg, nangangahulugan na ikaw ay nahawaan at maaaring ikalat ang hepatitis B virus sa iba sa pamamagitan ng iyong dugo.

  1. Anti-HBs o HBsAb (Hepatitis B surface antibody).

Kapag ang resulta sa ginawang test na ito ay “positibo” o “reactive/reaktibo” sa anti-HBs. Nagpapahiwatig ito na ang isang tao ay protektado laban sa hapatitis B virus.

Ang proteksyong ito ay maaaring resulta ng pagtanggap ng bakuna sa hepatitis B o matagumpay na pagbawi mula sa nakaraang impeksyon sa hepatitis B.

Hindi karaniwang sinasama ang mga ganitong test sa blood bank. Ang isang positibong resulta ng pagsusuri sa anti-HBs (o HBsAb) ay nangangahulugan na ikaw ay “immune” at protektado laban sa hepatitis B virus at hindi maaaring mahawaan. Ikaw ay hindi nahawaan at hindi maaaring maikalat ang hepatitis B sa iba.

  1. Anti-HBc o HBcAb (Hepatitis B core antibody).

Kapag ang resulta ng pagsusuring ginawa ay “positibo” o “reaktibo” na anti-HBc (o HBcAb). Nagpapahiwatig ng nakaraan o kasalukuyang impeksyon sa hepatitis B.

Ang core antibody ay hindi nagbibigay ng anumang proteksyon laban sa hepatitis B virus. Hindi katulad ng surface antibody na inilarawan sa itaas. 

Maaari lamang ganap na maunawaan ang test na ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga resulta ng unang dalawang pagsusulit (HBsAg at anti-HBs).

Ang isang positibong resulta ng pagsusuri sa anti-HBc (o HBcAb) ay nangangailangan ng pakikipag-usap sa iyong health care provider para sa kumpletong paliwanag ng kondisyon ng iyong hepatitis B. 

Ang pag-inom ng alak, at ilang toxins ay maaaring makapagpalala ng hepatitis at sa mga komplikasyon nito.

Tandaan na ang alak ay lalo pang nakakasira ng atay. Anumang gamot na iinumin ay kailangang ipaalam muna sa doktor. Tulad ng herbal supplements o mga over-the-medication, dahil ang mga ito maaaring makasama sa mga atay.

Kung nakakaramdam o nakakapansin ng mga sintomas ng Hepa B sa sarili o sa mga kaanak, kumunsulta agad sa doktor. Kung may suspetsa na na-expose na sa taong may hepatitis B virus. Magpabakuna kaagad ng hepatitis B vaccine o HBIG (hepatitis B immune globulin) sa loob ng 24 oras.

Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate

Source:

Dr. Regent Andre Piedad, MD, Medicard Philippines, McKinley, Taguig City; CDC, WHO, UMC Medical Center

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.