Gamot Sa Peklat Dulot Ng C-Section Delivery: Best Brands In The Philippines

Alamin ang mga produktong safe at effective na maaaring gamitin ng isang mommy bilang scar treatment ng Caesarean Operation.

Ano nga ba ang gamot sa peklat ng mga na-CS na nanay?

Bukod sa paglilinis ng sugat upang hindi ito magkaroon ng infection pagkatapos manganak ay dapat din nating bigyan ng pansin ang gamot sa peklat ng caesarean operation. Ito ay paraan upang ma-regain ang self confidence natin bilang mommy.

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | Image from Unsplash

Caesarean Section

Maraming mga nanay ang nakakaranas ng caesarean section delivery o ang panganganak sa pamamagitan ng paghiwa ng bandang puson upang maipanganak ang isa o higit pang sanggol.

Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga nagbubuntis ngayon ay mas pinipili ang Caesarean Section dahil na rin sa mga kumplikasyon na dala ng kanilang pagbubuntis.

May dalawang klaseng cut ang caesarean operation. Ang una ay ang Classical Cut na tinatawag, ito ang vertical line na kadalasan nagmumula sa ilalim ng pusod hanggang sa puson. Karaniwan itong ginagawa sa mga nanganak noon. Ang ikalawa ay ang Low Transverse o mas kilala bilang Bikini Cut.

Ito ang horizontal line na nasa bandang baba ng puson. Ito ang cut na mas prefer ng mga nanay ngayon dahil sa manipis ang peklat o scar na dinudulot nito kumpara sa naunang nabanggit.

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | Image from Unsplash

Ang isa sa iniiwasan natin, bukod sa pagkakaroon ng impeksyon sa tahi ay ang pagkakaroon ng peklat o scar na nauuwi sa keloid. Ang keloid ay uri ng peklat na madalas mas malaki sa pangkaraniwang peklat at mas nakaangat sa balat. Hindi maiiwasan ang peklat lalo na kung ang sugat o tinahian ay umaabot ng 4 o mahigit pang pulgada.

May mga produkto na maaaring gamitin upang maibsan ang peklat na dala ng C-section. Karamihan sa mga ito ay mabibili sa botika, pharmacy section sa mga malls, o sa mga pinagkakatiwalaan nating online stores.

Best Brands Ng Gamot Sa Peklat

Kaya naman narito ang top 6 na produkto para sa scar treatment ng Caesarean Section na makakatulong sa mga tulad kong mommy na mag-alala sa pagkakaroon ng peklat o scar sa katawan.

Gamot sa peklat
Apollo Sebo De Macho for Scar
Most trusted
Bumili sa Shopee
Contractubex Gel
Best anti-inflammatory scar remover
BUMILI SA LAZADA
Dermatix Ultragel Advance Scar Formula
Best advanced scar formula
Buy from Lazada
Smith & Nephew CICA-CARE Silicone Gel Sheet -Scar Treatment
Best Silicone Gel Sheet
Bumili sa Shopee
ScarAway 100% Silicone Scar Gel
Best Silicone Gel
Bumili sa Shopee
Bio-Oil Skin Care Oil
Best stretch mark oil
Buy Now

Apollo Sebo De Macho Scar Removal

Most trusted

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | Apollo

Marahil ay pamilyar ka na sa Apollo Sebo de Macho. Sikat ang brand na ito sa bansa at talaga namang ginagamit ng buong pamilya para sa pagpapagaling ng peklat. Gentle ang moisturizer cream na ito para makatulong na mahydrate at mapalambot ang balat ng peklat.

Karagdagan,mas  makikita pa nga ang epekto nito kung bago pa lamang ang sugat ay nilalagyan na. Malaking tulong ang removal cream na ito hindi lamang sa sugat, kundi maging sa pasa, paso, at marami pang iba. Dalawa ang size ng skin moisturizer na ito at maaaring mamili sa 10 grams o 25 grams variant.

Bakit namin nagustuhan ito?

  • Skin moisturizer
  • Hydrates skin
  • Cream-like topical

Contractubex Gel

Best anti-inflammatory scar remover

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | Contractubex

Ang Contratubex Gel ay gawa sa transparent na gel na may active ingredients kinakailangan upang sa magong mabisa ang pagpaimpis ng peklat o scar.

Ang mga ito ay binubuo ng ng Extractum Cepae na may anti-imflammatory at anti-bacterial properties upang maiwasan ang infection. Maryroon din itong Heparin na mayroong anti-swelling properties at nagpapalambot ng tissue structure para sa mabilis na paggenerate ng cell at tissue sa scar.

Isa pa sa component nito ang Allantoin na siyang nagpapabilis ng pahilom ng scar at nag-aalis ng pangangati na dala ng paghilom ng sugat.

Ang resulta nito ay dumedepende sa laki ng scar ng Caesarean Section at sa skin type ng taong gagamit. Ang mga nanay rin na may old scar ng Caesarean Section ay maaaring gumamit nito. Umaabot sa apat hanggang anim na buwan ang paggamit nito upang tuluyang mawala ang peklat.

Bakit namin nagustuhan ito?

  • Can be used for all scar types
  • Doctor recommended
  • Treat scar from within
  • With anti-inflammatory properties

Dermatix Ultra Skin Remover

Best advanced scar formula

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | Dermatix

Nagpapalambot ng scar tissue para sa mabilisan at epektibong pag-alis ng scar. Binabalik din ng Dermatix Ultra ang dating kulay ng balat.

Ginagamit ito pagkatapos tuluyang mahilom ang sugat na dala ng operasyon. Siguraduhing ang mga tahi ay tuyo na at tuluyan ng sarado bago gamitin ang produktong ito.

Epektibo rin ang Dermatix Ultra sa matagal ng scar sa katawan. Nasa apat hanggang anim na buwan ang paggamit nito upang makita ang magandang resulta nito.

Bakit namin nagustuhan ito?

  • Helps in the enhancement of the elasticity and appearance of the skin
  • Promotes multiple cells in the epidermis
  • Accelerates the regeneration of cells
  • Made from an intensive formula

Smith & Nephew CICA-CARE Silicone Gel Sheet

Best Silicone Gel Sheet

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | Smith & Nephew

Ito ay affordable na alternatibo sa surgical procedures at laser treatments para sa pagtangal ng peklat dulot ng caesarean section. Ito ay self-adhesive silicone sheet na ginawa upang pakinisin at tanggalin ang mapupula at mauumbok na peklat saanmang bahagi ng katawan.

Mino-moisturize nito ang bahagi ng balat na may peklat na siyang nakakatulong upang lumiit, maging-flat, at maging maayos ang kulay ng peklat. Nakatutulong din ito upang i-improve ang elasticity ng tissue at maiwasan ang pagkakaroon ng keloids at hypertrophic scars.

Maaari rin itong gamitin sa mga peklat na dulot ng surgery, aksidente, paso, at hiwa. Nagagawa nitong pagalingin ang mga peklat kahit ‘yong mga nasa 20 taon na.

Bakit namin nagustuhan ito?

  • Skin-friendly silicone
  • Moisturizes skin
  • Can help 20-year-old scar
  • Reusable

 

ScarAway 100% Silicone Scar Gel

Best Silicone Gel

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | ScarAway

Ito ay gawa rin sa patented materials na nagtatanggal ng excessive tissues na nagdudulot ng scar formation.

Gawa rin ito sa advanced technology kaya nakakasigurong safe at effective ang produktong ito. Ayon sa mga review ng mga taong nakasubok na ng naturang produktong, mas mabilis ang pag-fade ng kanilang peklat mula ng gumamit sila ng Scaraway Silicone Scar Gel.

Mas doble ang bisa nito kumpara sa ibang scar treatment dahil ang silicone component nito ay nagpapanatili ng hydration ng balat, nagtatanggal ng pangangati ng balat, at kusang natutuyo sa balat.

Ang old scar o matagal ng peklat sa katawan ay natatagal din ng Scaraway Silicone Scar Gel ngunit mas matagal ito kumpara sa  sariwang peklat.

Bakit namin nagustuhan ito?

  • Used an advanced technology for effectiveness
  • Hydrates skin
  • Can be used for old scars

Bio Oil

Most trusted skin care oil

Ano Ang Gamot Sa Peklat Na Dulot Ng C-Section Delivery | Bio Oil

Nagtataglay ito ng mineral oil, sunflower oil, chamomile oil, lavender oil, rosemary oil, soybean oil, calendula extract, at vitamin E. Ang Bio-Oil rin ay pinaka-safe na scar treatment ng Caesarean Section dahil sa mga natural na ingredients nito.

Bukod dito, nire-retain din nito ang natural na moisture ng balat para mapanatiling healthy ang anumang skin type ng gagamit nito. Ginagamit din ito para sa stretchmarks, acne, at uneven skin tone. Safe rin itong gamitin ng mga buntis at bata.

Para sa mas epektibong resulta. Gamitin ang produktong ito sa loob ng tatlo o higit pang buwan.

Bakit namin nagustuhan ito?

  • Made from natural ingredients
  • Can also be used for stretchmarks, acne and other skin concerns
  • Safe for pregnant and lactating moms

Price Comparison Table

Brands Pack size Price Price per ml/g/pc
Apollo 25 g Php 70.00 Php 2.80
Contratubex 50 g Php 1,350.00 Php 33.00
Dermatix 7 g Php 731.00 Php 104.43
Smith and Nephew 1 sheet Php 1,450.00 Php 1,450.00
ScarAway 10 g Php 950.00 Php 95.00
Bio Oil 60 ml Php 520.00 Php 8.67

Care Tips Para Sa Mga CS Moms

Ang paghilom ng caesarean section scar ay isang natural na proseso na nagkakaroon ng iba’t ibang bilis sa bawat tao. Gayunpaman, mayroong ilang mga paraan na maaaring maging kapaki-pakinabang upang madagdagan ang bilis ng paghilom ng iyong tahi. Narito ang ilang mga tips:

  • Siguraduhin na laging malinis at tuyo ang tahi upang maiwasan ang impeksyon.
  • Hangga’t maaari, iwasan ang sobrang paggagalaw o paglalakad ng malalayo habang hindi pa lubos na naghihilom ang iyong tahi.
  • Ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon ay mahalaga upang mapabilis ang paghilom ng sugat. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa vitamin C, E, protina, at mineral upang suportahan ang proseso ng paghilom.
  • Maaring magamit ang mga produkto na ginawa para sa sugat tulad ng langis ng tamanu, aloe vera gel, o vitamin E oil upang tulungan ang paghilom ng iyong tahi. Subalit, bago gamitin ang mga produkto na ito, mas mainam na kumonsulta sa iyong doktor upang masiguro na ligtas at angkop ang mga ito sa iyong sitwasyon.
  • Iwasan ang paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.

Tandaan na bawat indibidwal ay iba’t iba ang bilis ng paghilom ng sugat. Kung may mga alalahanin ka tungkol sa iyong caesarean section scar, mahalagang kumonsulta sa iyong doktor upang makakuha ng agarang tulong at payo.