Nababahala ka na ba sa paulit-ulit na pagkakaroon mo ng singaw? Dapat ka na bang mabahala? Alamin ang iba’t ibang dahilan ng pagkakaroon ng singaw at gamot sa singaw na maaaring gamitin.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang singaw at saan ito nakukuha?
- Mga sintomas ng pagkakaroon ng singaw sa bibig
- Mga dapat gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng singaw
- Top 5 over-the-counter na produkto na gamot sa singaw
Ano ang singaw at saan ito nakukuha?
Ang singaw o canker sore sa English ay isang uri ng mouth ulcer na tumutubo sa loob ng ating bibig. Karaniwan itomg kulay puti o madilaw-dilaw na napapaligiran ng namumula at namamagang kulay pula sa loob bandang gums o paligid ng labi.
Mahadpi ito lalo na kapag nasasagi o kapag kumakain ng pagkaing may asin. Ito ang dahilan kung bakit hindi ka makapagsalita ng maayos, makatulog ng maayos, at makakain.
Ang pagkakaroon ng singaw ng mga tao ay may iba’t ibang kadahilan. Ito ay ang mga sumusunod:
- Dahil sa pagkakaroong viral infection sa katawan
- Kakulangan sa vitamins tulad ng Vitamin B-3 (niacin), B-9 (folic acid), or B-12 (cobalamin)
- Mahinang immune system ng katawan
- Allergy sa pagkain
- Matinding stress
- Mga taong madalas manigarilyo
- Kakulangan sa zinc, calcium, folic acid,at iron ng katawan
- Hormonal Imbalance
- Toothpaste na mayroon sodium lauryl sulfate
- Sugat sa bibig na gawa ng mahigpit na dentures o braces
- Sugat na nakukuha sa paglalaro ng sports tulad ng boxing, football, at iba pa
- Mga taong may autoimmune disorder katulad ng lupus
- Allergy sa ilang gamot
- Mga taong may oral cancer o mouth cancer
- May gastrointestinal tract disease tulad ng Crohn’s disease(pamamaga ng digestive tract) o Celiac disease (autoimmune disorder)
- Mga taong may HIV at AIDS
BASAHIN:
Singaw: Dahilan, lunas at paano makakaiwas
LIST: Anong magandang Vitamin C sa bata at matanda?
LIST: Top 7 stretch mark creams for every budget
Mga sintomas ng pagkakaroon ng singaw sa bibig
- Mahapding kulay puti sa loob ng bibig. Maaari ring itong tumubo sa gums, dila, at gilagid.
- Nagdurugong gilagid (kung sa bandang gilagid ang may singaw)
- Nahihirapang magsalita, kumain, at ngumuya dahil sa hapdi
- Namamagang gilagid o parte ng bibig
Mga sintomas ng singaw na nangangailangan ng agarang lunas
Kung ang singaw ay may kasamang mga sumusunod na sintomas, mas makabubuting magpakonsulta agad sa doktor. Ito ay maaring magbunga ng seryosong kundisyon ng kalusugan.
- Lagnat
- Namamagang o lumalaking kulani lalo na sa may bandang leeg
- Biglaang pagbaba ng timbang o pamamayat
- Mas marami o mas malaki sa pangkaraniwang singaw
- Mahigit 2 weeks ng may singaw
- Dumadaming singaw hanggang sa labas ng bibig
Mga dapat gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng singaw
Ang pagkakaroon ng singaw o canker sores ay hindi maiiwasan. Hindi ito nakakahawa at natural ang pagkakaroon nito sa isang tao. Ang mga sumusunod ang ilang sa maaaring sundin upang ito ay maiwasan.
- Iwasan ang pagkain ng nakakapag-trigger ng iyong allergy. Isa sa mga posibleng dahilan ng malimit na pagkakaroon ng singaw ng isang indibidwal ang kanyang allergy sa pagkain.
- Hangga’t maaari, iwasan ang palaging pagkain ng sobrang maanghang, maalat, acidic na pagkain.
- Iwasan ang stress. Humanap ng pagkakalibangan para mapalakas ang iyong mental health.
- Palaging magtoothbrush o maggargle araw-araw para maiwasan ang pag-multiply ng bacteria sa loob ng bibig.
- Gumamit ng toothbrush na may soft bristles para hindi masugatan ang bibig.
- Huwag bumili o gumamit ng toothpaste na may ingredients na sodium lauryl sulfate.
- Uminom ng multivitamins na nagtataglay ng vitamin B-complex, iron, zinc, folic acid, at calcium.
- Magkaroon ng dental appointment at least 3-4 times a year para masiguro na maayos ang oral health.
- Magpakonsulta sa inyong dentist kung madalas na pagmulan ng singaw ang inyong matalim na bahagi braces o denture.
- Kumain ng masustansyang pagkain para matugunan ang deficiency sa katawan.
Home remedies para malunasan ang singaw
May ilang home remedies ang maaring subukan bilang gamot sa singaw. Ang mga ito ay hindi 100% na epektibo, subalit nagbibigay ng ginhawa at panandaliang lunas.
1. Malagay ng honey
Ang honey ay may antibacterialat anti-inflammatory properties na nakakatulong na maibsan ang mahapding singaw sa bibig. Nakakatulong din ito para maiwasan ang impeksyon na dulot ng pagkakaroon ng singaw. Ipahid sa singaw ang honey gamit ang cotton buds. Gawin ito ng 4-6 na beses sa loob ng isang araw.
2. Paggamit ng tawas o alum powder
Ang tawas ay gawa sa potassium aluminum sulfate na ginagamit pangkaraniwan sa pagpreserba ng ilang pagkain. Mayroon itong astringent properties kaya naman nakakatulong ito bilang gamot sa singaw. Gumamit lamang ng unscented na tawas.
3. Magmumog gamit ang asin
Gamitin ang asin na may halong maligamgam na tubig bilang pangmumog. Ito ay mahapdi subalit nakakatulong ito para mawala ang singaw sa bibig. Ang asin ay may antibacterial properties kaya naman epektibo itong pantanggal ng singaw.
4. Magmumog gamit ang baking soda
Ang baking soda naman tulad ng asin ay may antibacterial properties kaya mainam na gawing panlinis o pangmumog. Binabalik nito ang neutral PH sa bibig at nakakagaling ng singaw sa bibig.
Maglagay lamang isang kutsaritang baking soda sa isang baso ng maligamgam na tubig. Imumog ito sa loob ng at least isang minuto. Ulitin ito apat hanggang anim na beses sa magdamag.
Gamot sa singaw | Image from iStock
5. Kumain ng Yogurt
Ang yogurt ay naglalaman ng good bacteria na kinakailangan ng katawan para labanan ang bad bacteria na siyang dahilan ng pagkakaroon ng sakit.
Nakakatulong ang pagkain ng yogurt sa mga taong may singaw dahil ito ay may live probiotics na nakakatulong para maalis ang bad bacteria na nagdudulot ng singaw.
6. Maglagay ng hydrogen peroxide
Ang hydrogen peroxide ay isa sa mabisang gamot ng singaw. Tinatanggal nito ang bacteria sa loob ng bibig. Maglagay lamang ng isang kutsarang hydrogen peroxide at 2 kutsarang tubig sa isang malinis na baso. I-dip ang cotton buds at ipahid sa parte na may singaw. Gawin ito ng 4-6 na beses sa isang araw.
7. Magmumog gamit ang coconut oil o oil pulling technique
Ang coconut oil ay may antimicrobial properties kaya naman epektibo ito bilang gamot sa singaw. Bukod sa safe ito, may anti-inflammatoty rin ito na nakakaalis ng pamumula at pamamaga na dala ng singaw sa bibig. Gamitin itong pangmumog o mouth wash. Gumamit ng 2 kutsarang coconut oil at panatilihin ito sa bibig sa loob ng limang minuto.
Top 5 over-the-counter na produkto na gamot sa singaw
Kung sa tingin mo hindi epektibo o tumatalab ang ginawa mong home remedies para sa iyong singaw, may mga produkto na sadyang ginawa upang mabilis na gumaling ang iyong singaw.
Kung nagkakaroon ng alinlangan sa pagsubok ng mga ganitong produkto, mas nakakabuting sumangguni muna sa doktor o dentist.
Ang Daktarin Oral Gel ay gawa sa Miconazole na lumalaban sa bacteria at fungal tulad ng yeast, bacilli, at cocci. Kilala ito bilang mabisang pang-alis ng singaw ditto sa Pilipinas. Natatanggal ang singaw kapag pinahid sa loob lamang ng two days na paggamit.
Paraan ng paggamit
Linisin ang parte ng may singaw o kaya magmumumog gamit ang anti-bacterial na mouth rinse. Gamit ang malinis na cotton buds, pahiran ng gel ang parting may singaw at paligid nito.
Huwag munang kumain o uminom sa loob ng 30 minutes upang mapanatili ang epekto nito. gamitin ito apat nab eses sa loob ng isang araw.
Maaari itong gamitin ng 4 months old na baby hanggang sa matanda. Kumonsulta sa inyong doktor bago gumamit ng anumang gamot sa singaw lalo na sa bata.
Ang Orajel 3X Medicated for All Mouth Sores Gel ay nagbibigay ng instant na relief sa anumang uri ng mouth sores kagaya ng canker sores o singaw, cold sores, at problema sa gilagid.
Nagbibigay rin ito ng ginhawa sa mga taong may sugat sa bibig dahil sa denture o braces. Mayroon itong tatlong pinagsama-samang ingredients na effective bilang pain relief sa mouth sores.
Paraan ng paggamit
Maggargle o mumog bago gamitin para masiguradong malinis ang bibig. Mag-apply ng Orajel sa cotton buds bago ipahid sa singaw at sa paligid nito. Gamitin ito ng apat na beses sa isang araw. Magpakonsulta sa inyong dentist o doktor bago gamitin ng bata o baby.
Ang Kamillosan M Spray ay number 1 selling na prescribed ng doktor pagdating sa paggamot ng sore throat. Hindi lamang sa sore throat ito ginagamit, pati na rin sa singaw, problema sa gums, pamamaga ng lalamunan at ilang bahagi ng bibig, at ginagamit pagkatapos mabunutan ng ngipin.
Ito ay gawa sa walong ingredients kabilang na ang tatlong essential oils na peppermint, sage, at bergamot na kilala na may antiviral, antibacterial, at antifungal properties.
Paraan ng paggamit
Pagkatapos kumain, maglagay ng dalawang puffs. Gamitin ito tatlong beses sa isang araw.
Ang Bactidol Oral Antiseptic ay pumupuksa sa 99% bacteria, fungi, at virus sa bibig sa loob lamang ng 30 seconds. Mabisa itong gamot sa singaw o canker sores. Trusted brand ito ng mga dentist para sa mga pasyente nila may oral problems tulad ng sore throat, singaw, halitosis, gingivitis at iba pa.
Paraan ng paggamit
Maglagay ng 20ml sa isang baso. Gamitin na pangmumog o mouth rinse sa loob ng 30 seconds. Gamitin sa umaga pagkagising at gabi bago matulog.
Ang Betadine Gargle and Mouthwash ay gawa sa 1% antiseptic solution na pumapatay sa 99% ng bacteria, viruses, at fungi sa bibig sa loob lamang ng 15 seconds.
Ginagamit ito ng mga taong may sore throat at mouth sores katulad ng singaw sa bibig. Maaari ring itong gamitin bilang regular mouthwash ng mga taong bed-ridden.
Bukod pa rito, ginagamit rin itong panlinis ng dentures at toothbrush upang maalis ang nakakapit na bacteria at viruses.
Paraan ng paggamit
Maglagay ng 1-part ng Betadine Gargle and Mouthwash at 1-part ng tubig sa isang malinis na baso. Magmumog gamit ang solution ng 30 seconds. Gamitin 3-4 beses sa isang araw. Maaring gamitin ng batang 6 na taong gulang pataas.