Stiff neck o masakit na leeg: Gamot, sanhi at sintomas

May stiff neck? Narito ang ilang paraan upang maibsan ang pananakit at kung paano ito hindi na muling maranasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamot sa stiff neck o masakit na leeg, ano nga ba ang dapat? At paano ito maiiwasang maulit pa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sintomas at sanhi ng stiff neck
  • Kailan hindi dapat isawalang-bahala ang stiff neck
  • Gamot at stiff neck treatment
  • Stiff neck sa mga bata
  • Paano maiiwasan ang stiff neck

Sintomas ng stiff neck

Ayon sa Spine Health, ang health website na binuo ng orthopedic surgeon na si Dr. Peter F. Ullrich, ang stiff neck ay nararanasan kapag nagka-strain o pilay ang muscles o soft tissue natin sa leeg.

Partikular na ang levator scapulae muscle na matatagpuan sa likod at gilid ng leeg. Kumukonekta ito sa ating cervical spine at balikat na very susceptible sa injury.

Image from Freepik

Kapag injured, ito ay mamamaga at magdudulot ng pagsakit ng leeg o stiff neck. Dahil rito, mahihirapan nang iikot o igalaw ang ulo ng sinumang nakararanas nito. Maaari rin itong sabayan ng sakit ng ulo, pananakit ng balikat o ng braso.

Dahil sa sakit na dulot ng stiff neck, ang sinumang nakararanas nito ay hindi makakalingon o maipipihit ang kanyang ulo nang maayos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinakailangan niya pang iikot ang kanyang ulo kasama ang kalahati o buo niyang katawan para lang makalingon o makatingin sa kanyang tagiliran.

Kung nagising ka na may paninigas ng leeg, maaaring nakakaranas ka ng spasm ng kalamnan, o contraction. Iyan ay kilala bilang muscle strain. Ang pilay sa leeg ay nakakaapekto sa mga ligament, o matigas na tisyu na kumukonekta at nagpapatatag sa iyong mga buto. 

Tendinitis naman ang tawag sa pamamaga ng tissue na nakakabit sa kalamnan ng buto na kinokontrol ang paggalaw. Ito ay isa pang kadahilanan para sa pananakit ng leeg. 

Sanhi ng stiff neck

Ang stiff neck ay dulot ng ilang aktibidad na ginagawa natin araw-araw. Ilan nga sa mga ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagtulog nang hindi maayos ang posisyon ng leeg o ulo.
  • Pagbagsak o impact sa ulo na biglaang magtutulak dito nang patagilid na madalas na nakukuha sa sports injuries.
  • Paulit-ulit na pag-ikot ng ulo, patagilid tulad ng pagsasagawa ng front crawl stroke sa pagsi-swimming.
  • Pag-slouch o pag-upo na may poor posture habang nakatingin sa computer o mobile phone.
  • Pagkaranas ng sobrang stress o anxiety na nagdudulot ng tension sa leeg.
  • Pagkakapuwesto ng leeg sa abnormal position ng mahabang oras tulad ng pag-iipit ng telepono sa pagitan ng leeg at balikat habang may kinakausap.

Image from Freepik

Kailan dapat hindi isawalang bahala ang stiff neck

Ang mga nabanggit ay ang mga common causes ng stiff neck. At maliban sa mga ito ay mga itinuturing din na uncommon causes ng kondisyon. Dahil minsan ito ay maaring reaction lang ng isang underlying disorder sa cervical spine.

Ilan nga sa cervical spine disorders na maaaring magdulot ng stiff neck ay ang sumusunod:

  • Cervical herniated disc
  • Degenerative disc disease
  • Cervical osteoarthritis

Maliban sa nabanggit ay marami pang ibang sakit ang maaring magdulot ng stiff neck tulad na lang ng impeksyon at tumor. Kaya naman sa oras na makaramdam ng pananakit ng leeg na sasabayan ng lagnat, sakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka at pagiging sobrang antukin ay dapat na magpatingin sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ganoon din kapag ang stiff neck ay sinabayan o dulot ng mga sumusunod. Sapagkat maaaring ito pala ay palatandaan na ng isang seryosong kondisyon.

Hindi rin dapat isawalang bahala ang stiff neck kung ito ay naramdaman matapos ang sumusunod na sitwasyon:

  • Pananakit ng leeg matapos ang injury o car collision
  • Sakit sa leeg na bumaba sa braso at binti
  • Pananakit ng leeg na sasabayan ng paghihina ng braso, kamay at mga binti
  • Sobrang pananakit ng leeg
  • Ang pananakit o paninigas ng leeg ay hindi nawawala pagkalipas ng ilang araw.
  • Malubha pananakit ng ulo na may pamamanhid at panghihina. 

Gamot at stiff neck treatment

May mga paraan para magamot ang stiff neck. Nariyan ang mga first aid sa stiff neck upang maibsan ang pamumulikat na nararamdaman ng leeg.

Samantala, kung ang stiff neck o pananakit ng leeg ay dulot lang ng mga naunang common causes ay kusa itong nawawala sa loob ng ilang araw. At may mga paraan na maaaring gawin o gamot sa stiff neck na makakatulong upang maibsan ang pananakit nito. Ito ay ang sumusunod:

1. Pagsasagawa ng hot o cold compress

Para maibsan ang pamamaga ay maaring lagyan ng cold compress o ice ang stiff neck ng hindi bababa sa 20 minuto. Gawin ito nang paulit-ulit sa isang araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede ring i-alternate ang paglalagay ng cold at hot compress. Habang ang paliligo gamit ang maligamgam na tubig o paggamit ng heating pad ay makakatulong ding maibsan ang sakit.

Image from Freepik

2. Pag-stretching pero iwasan na mabigla ang iyong leeg

Ang stretching ay makatutulong din upang maibsan ang pananakit ng leeg. Ngunit dapat iwasan ang mga biglaang paggalaw. Dahil ito ay maaaring magdulot ng mas dagdag na pamamaga at serious injury sa stiff neck.

Bago mag-stretching ay mabuting maligo muna gamit ang maligamgam na tubig o mag-warm shower. Saka gawin ang mga sumusunod na steps.

  • I-roll ang iyong balikat nang patalikod at paharap.
  • Sandaling tumigil ng ilang segundo habang itinutulak patalikod ang iyong mga balikat at muling ulitin ang naunang step.
  • Saka dahan-dahang igalaw ang iyong ulo paharap sa magkabilang gilid mo.

3. Uminom ng over-the-counter pain relievers para maibsan ang sakit tulad ng sumusunod:

  • Ibuprofen (Motrin, Advil)
  • Naproxen sodium (Aleve)
  • Acetaminophen (Tylenol)

4. Mag-pamasahe

Para maibsan ang pananakit ng iyong leeg ay magpamasahe lang sa isang trained practitioner. Dahil kung siya ay magkakamali at hindi alam ang tamang pagmamasahe ay maaring magdulot pa ito ng dagdag na injury sa iyong muscle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Limitahan ang physical activity

Iwasan muna ang pagbubugat ng mabigat o paggawa ng mga physical activity na kakailanganin ng pwersa. Sapagat maaari nitong madagdagan ang pamamaga ng muscles sa iyong leeg at ikalala lang ng sitwasyon.

6. Iwasan ang stress

Dahil sa ang stress ay maaring magdulot ng tension sa iyong leeg ay dapat mong iwasan ito. Para maiwasan o mabawasan ang stress na kinakaharap ay gawin ang mga sumusunod na paraan:

  • Pakikinig ng music
  • Meditation
  • Pagbabakasyon o pagkakaroon ng break
  • Paggawa ng mga bagay na iyong nai-enjoy

7. Magpahinga

Larawan mula sa Shutterstock

Ang pagpapahinga sa loob ng isa o dalawang araw ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga naapektuhang tisyu na magsimulang gumaling, na makakatulong naman na mapawi ang paninigas at posibleng pulikat ng kalamnan.

Gayunpaman, inirerekomenda na limitahan ang pahinga sa isa o dalawang araw, dahil ang sobrang kawalan ng aktibidad ay maaaring humantong sa panghihina ng mga kalamnan, at ang mga mahihinang kalamnan ay maaaring magpahina ng mga muscle na susuporta sa ulo at leeg.

8. Mag-low impact aerobic exercise

Ang anumang uri ng low-impact na aerobic exercise, tulad ng paglalakad, ay kadalasang nakakatulong sa pag-alis ng anumang uri ng paninigas ng muscle.

Kahit na ang paglalakad ay hindi direktang may koneksyon sa leeg, nakakatulong ito sa pagpapalipat-lipat ng oxygen sa malambot na mga tisyu sa spine na makakatulong na pagpapagaling.

Sa mga susunod na araw matapos gawin ang stiff neck treatment, gawin ang mga pag-iingat na ito:

  • Magkaroon ng kamalayan sa iyong mga galaw. Subukang huwag mabilis na iangat ang iyong ulo o pilipitin ang iyong leeg. Ito ay maaaring magdulot ng pamamaga.
  • Subukan ang banayad na pag-uunat, igalaw ang ulo pabalik-balik, pagkatapos ay pataas at pababa.
  • Hilingin sa isang kaibigan o kasama sa bahay na i-massage ang namamagang bahagi ng leeg.
  • Magsuot ng neck collar sa loob ng ilang oras upang mapahinga ang mga kalamnan sa matigas na leeg.
  • Matulog nang walang unan, o gumamit ng neck pillow. 

Stiff neck sa mga bata

Ang stiff neck ay hindi lamang isang bagay na nangyayari sa mga matatanda. Nakakaranas din ang mga bata ng pananakit ng muscle sa leeg.

Ang home remedies sa bahay tulad ng mga ice pack, masahe, pag-unat ng leeg, at mga over-the-counter medicine na pangpawala ng sakit ay nakakatulong din para sa iyong anak kung sya ay makaranas nito.

Ngunit agad na kumonsulta sa iyong doktor o pediatrician kung ang iyong anak ay makaranas ng mga sumusunod:

  • Kamakailang nakaranas ng injury sa ulo o leeg.
  • Sobrang pagkaramdam ng pagod
  • May pantal sa balat, sakit ng ulo, o mga sintomas na parang trangkaso
  • Nagsusuka
  • Nahihirapang uminom sa bote (para sa mga sanggol).

Paano maiwasan ang stiff neck

Para naman maiwasan ang stiff neck ay mabuting gawin ang mga sumusunod na paraan:

Larawan mula sa Shutterstock

  • Regular na pag-eexercise upang mapalakas ang muscles at maiwasan ang injuries.
  • Pag-adjust ng iyong sleep environment. Tulad ng pagpapalit ng mattress o paggamit ng neck pillow.
  • Sa opisina ay gumamit ng upuang makakaupo ka ng komportable.
  • I-pwesto ang iyong computer na ka-level lang ng iyong mata.
  • Mag-stretch oras-oras.
  • Limitahan ang pagtingin o pagbababad sa iyong smartphone.
  • Iwasang mag-drive ng mahabang oras.
  • Palitan ang iyong sleeping position.

Bilang karagdagan, ang mga pagiiba ng lifestyle ay maaaring magdulot ng malaking epekto upang maiwasan ang stiff neck. Kasama sa ilang halimbawa ang pagiging aktibo ng pisikal, pagtigil sa paninigarilyo, at tamang postura sa buong araw.

Sana ay makatulong ang mga nabanggit na gamot sa stiff neck sa nararanasan mo. At mabuting sundin ang mga paraan upang maiwasan ito at hindi na muling magpahirap pa sayo.

 

 

Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate

Source:

Spine Health, Healthline, Medical News Today

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.