Gamot sa ubo na may halak: Ano ang whooping cough at paano ito lunasan?

Dineklara nang mayroong outbreak ng pertussis o whooping cough sa Quezon City. Ano nga ba ang gamot sa whooping cough o ubo na may halak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Idineklara ng Quezon City nitong Huwebes, March 21, na mayroong outbreak ng pertussis o whooping cough sa kanilang lungsod. Ito ay matapos na makapagtala ng nasa 23 kaso ng respiratory disease mula noong January hanggang March 20. Kabilang na ang apat na namatay dahil sa sakit na ito. Ano ang whooping cough at ano ang gamot sa ubo na may halak?

Ano ang whooping cough?

Ang whooping cough o pertussis ay highly contagious o nakahahawang respiratory tract infection. Dulot ng bacteria ang sakit na ito at nakahahawa kung direktang mae-expose sa infected person o sa contaminated na bagay tulad ng damit at utensils.

Larawan mula sa Shutterstock

Ano ang whooping cough?

Ayon sa Mayo Clinic, bago ma-develop ang vaccine kontra whooping cough, kinokonsiderang childhood disease o ubo na mag halak sa bata ang sakit na ito. Pero ngayon, ang whooping cough ay nakakaapekto maging sa mga masyado pang bata at hindi pa nakokompleto ang full course ng vaccinations o ‘yong mga baby nae dad dalawang buwan pababa. Pati na rin sa mga teenager at mga adult na mahina ang immune system.

Rare o hindi pangkaraniwan ang pagkamatay dulot ng whooping cough. Pero karaniwan itong nangyayari sa mga sanggol. Kaya naman importante para sa mga buntis at iba pang tao na makakasalamuha ng baby na magpabakuna kontra whooping cough. Mahalaga ito upang maiwasan ang ubo na may halak sa bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng whooping cough o pertussis

Pinakaraniwang sintomas ng whooping cough ay ang matinding ubo na may halak na susundan ng high-pitch na paghugot ng hininga na tila tunog “whoop”.  Maaaring tumagal ang ubo nang dalawa o higit pang linggo. Bukod pa rito, sintomas din ng whooping cough ang mga sumusunod:

  • mild fever
  • runny nose
  • nasal congestion o baradong ilong
  • namumula at nagluluhang mga mata

Makalipas ang isa o dalawang linggo, posibleng mas lumala ang mga sintomas ng sakit na ito.

Maiipon ang makapal na mucus sa airways at magdudulot ito ng hindi makontrol na ubong may halak. At dahil labis ang pag-ubo, posible itong magdulot ng:

  • Pagsusuka
  • Pamumula o pangangasul ng mukha
  • Matinding fatigue

Mahalagang tandaan din na hindi lahat ay nakararanas ng halak na may ubo o “whooping sound” tuwing umuubo. Minsan, ang persistent hacking cough ay ang tanging sintomas na mararanasan ng mga teenager o adult na may whooping cough.

Samantala, ang mga sanggol ay posivleng hindi ubuhin. Imbes na ubo, posible silang makaranas ng hirap sa paghinga o kaya naman ay pansamantalang pagtigil ng paghinga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Gamot sa ubo na may halak: Whooping cough treatment

Hindi ganoon kadaling ma-diagnose ang whooping cough. Kaya hindi rin dapat na sumubok na lang basta ng ano mang posibleng gamot sa ubo na may halak. Importante ang pagpapakonsulta sa doktor para matiyak kung whooping cough ba ang iyong sakit. Sa early stage kasi ng sakit na ito, ang mga sintomas at senyales ay maaaring katulad ng sintomas ng iba pang respiratory illnesses tulad ng cold, flu, o bronchitis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya para matiyak kung ano ang gamot sa ubong may halak o whooping cough magsasagawa ang doktor ng mga test para malaman kung pertussis ba talaga ang sakit. Karaniwang test na maaaring isagawa ng doktor ay ang nose o throat culture test, blood tests, at chest X-ray.

Ano ang gamot sa whooping cough o ubo na may halak? Kung sanggol ang tinamaan nito, karaniwang nao-ospital ang bata. Dahil mas delikado ito kung infant pa o nasa edad 2 buwan pababa pa lamang ang iyong anak. Kapag hindi makainom o makakain ang iyong anak, kailangan nitong malagyan ng intravenous fluid o swero.

Kailangan din na i-isolate ang bata mula sa ibang tao para maiwasan ang pagkalat ng infection o maiwasan na magkahawaan. Samantala, ang paggamot sa whooping cough ng older children at matatanda ay puwede nang gawin sa bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Gamot sa ubo na may halak: Paano maiiwasan ang whooping cough?

Antibiotic na nakapapatay sa bacteria na nagdudulot ng whooping cough ang ibibigay sa inyo ng doktor. Ang mga myembro ng pamilya na na-expose sa taong infected ay maaaring bigyan ng preventive antibiotics.

Tandaan na ang over-the-counter na cough medicines ay hindi epektibo sa whooping cough at karaniwang hindi nirerekomenda ng mga doktor. Kaya kung makaranas ng ano mang sintomas ng whooping cough ang sinoman sa inyong pamilya, mahalagang kumonsulta agad sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para maiwasan na magkaroon ng sakit na ito, nirerekomenda ng mga expert na magpabakuna ng DPT vaccine kontra diptheria, pertussis at tetanus.

Sinulat ni

Jobelle Macayan