Yeast infection: Sanhi, sintomas, at gamot para sa candidiasis

Alamin ang mga sanhi, sintomas at gamot sa yeast infection, simple man o kumplikado, pati na ang mga natural na alternatibong maaaring gamitin

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikaw ba ay nakararanas ng malubhang pagkati, pamumula o pamamantal sa iyong pribadong parte ng katawan? Masakit ba ang iyong pag-ihi at mayroong hindi pangkaraniwan na discharge? Ano nga ba ang sanhi ng pangangati ng ari ng babae? Alamin dito

Ano ang yeast infection?

Ang vaginal yeast infection ay isang fungal infection na nagdudulot ng makating na pwerta, discharge at matinding pangangati ng ari at vulva — ang mga tisyu sa butas ng ari. Ito ay isang karaniwang kundisyon. Kilala rin ito sa tawag na candidiasis.

Ito ay nakakaapekto sa 3 hanggang 4 na kababaihan sa ilang mga punto ng kanilang buhay. Marami ding kababaihan ang nakakaranas nito ng hindi bababa sa dalawang beses.

Mayroon ding mga pag-aara na nagsasabing 75% ng mga kababaihan ay magkakaroon ng kahit isang yeast infection sa kanilang buhay.

Para sa mga simpleng impeksyon, maaaring ma-resetahan ng antifungal cream, ointment, tablet, o supositoryo.

Kung para naman sa mga kumplikadong impeksyon, maaaring mas tumagal ang pag-gamit ng mga nabanggit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sanhi ng yeast infection

Ang fungus na candida ay karaniwang natatagpuan sa ari ng babae kahit pa wala itong problema. Samantala, ang lactobacillus naman ang naninigurado na hindi ito kumalat.

Ang vagina ay natural na naglalaman ng balanseng yeast o candida, at bacteria. May ilang bacteria tulad ng lactobacillus na kumikilos para maiwasan ang labis na pagdami ng yeast o candida.

Ngunit ang balanseng iyon ay maaaring maputol. Ang labis na paglaki ng candida o pagtagos ng fungus sa mas malalim na mga layer ng vaginal cell ay nagiging sanhi ng mga palatandaan at sintomas ng impeksyon sa lebadura.

Ngunit kung magkaroon ng hindi balanse sa sistema ng isang babae, hindi magiging epektibo ang lactobacillus. Dahil dito, sumosobra ang pagdami ng yeast na nagiging sanhi ng sintomas ng yeast infection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ilang mga kadahilanan na maaaring maging sanhi ng impeksiyon ay:

  • Pag-inom ng antibiotics
  • Pagdadalang-tao
  • Diabetes na hindi na-kontrol
  • Mahinang immune system
  • Hindi wastong pagkain
  • Hormonal imbalance
  • Stress
  • Pagkakulang sa tulog

Kung mayroon ka namang diabetes o mahinang immune system, maaari kang magkaroon ng paulit ulit na yeast infection. Ito ay isang kondisyon na tinatawag na recurrent vulvovaginal candidiasis (RVVC).

Larawan ng yeast infection | Image from Freepik

Mga sintomas ng yeast infection

Ang mga karaniwang sintomas ng yeast infection ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Pangangati o pamamaga sa bandang ari
  2. Masakit na pag-ihi
  3. Pagkaramdam ng sakit sa pakikipagtalik
  4. Pamumula sa bandang ari
  5. Pagpapantal
  6. Kulay puti o abong discharge na kumpol-kumpol

Kadalasan, habang tumatagal na hindi ginagamot ang yeast infection, lalo itong lumalala.

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor

Agad na kumonsulta sa iyong doktor kung:

  • Ito ang unang beses na ikaw ay nagkaroon ng mga sintomas ng yeast infection
  • Hindi ka sigurado kung mayroon kang yeast infection
  • Ang iyong mga sintomas ay hindi nawawala kahit ikaw ay uminom na ng gamot para dito.
  • Patuloy kang nagkakaroon ng iba pang mga sintomas

Gamot sa yeast infection at home remedies | Image from Freepik

Paraan ng pagsusuri

Simple lang ang pagsusuri para sa yeast infection. Kakailanganin lamang ng doktor malaman ang medical history ng pasyente at kung nagkaroon na dati ng yeast infection. Maaari ring tanungin ng doktor kung nagkaroon na ng sexually transmitted infection dati.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pelvic exam, susuriin ng doktor ang loob ng ari at ang cervix ng pasyente. Susuriin din ang paligid para sa ilang senyales ng impeksiyon.

Sa pag-examine, maaaring kumuha ang doktor ng cells mula sa ari. Ang mga cells na ito ay susuriin sa laboratoryo. Kadalasan itong ginagawa para sa mga pabalik-balik ang impeksiyon.

Gamot para sa yeast infection

Bawat yeast infection ay iba-iba kaya importante na magpasuri sa doktor upang malaman ang angkop na gamot. Ang pag-gamot ay kadalasang nagdedepende sa severity ng impeksiyon.

Simpleng impeksiyon

Kadalasang magrereseta ang doktor ng mga gamot na gagamitin mula isa hanggang tatlong araw. Ang mga gamot na ito ay maaaring kailanganin ng reseta o hindi. Ang mga kadalasang ginagamit ay:

  • Butoconazole (Gynazole)
  • Clotrimazole (Lotrimin)
  • Miconazole (Monistat)
  • Terconazole (Terazol)
  • Fluconazole (Diflucan)

Kumplikadong impeksiyon

Kinukunsidera ng mga doktor ang yeast infection bilang kumplikado kapag ang pasyente ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • May sobrang pamumula, pamamaga at pangangati sa ari na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sugat
  • Nagkaroon na ng 4 na yeast infection sa isang taon
  • May impeksiyon na sanhi ng ibang uri ng candida kumapara sa kadalasang candida albicans
  • Nagdadalang tao
  • May hindi kontroladong diabetes o mahina ang immune system dahil sa gamot
  • HIV positive

Ang mga kadalasang gamot sa yeast infection na kumplikado ay:

  • Antifungal cream, ointment, tablet, o supositoryo na gagamitin nang 14 araw.
  • Dalawa hanggang tatlong dose ng fluconazole (Diflucan)
  • Matagalang pag-inom ng fluconazole (Diflucan) o matagalang pag-gamit ng antifungal cream

Gamot sa yeast infection at home remedies | Image from Freepik

Natural na gamot para sa yeast infection

Ang mga natural at alternatibong remedyo sa yeast infection ay maaari din gamitin. Subalit, kadalasan ay hindi ito kasing epektibo kumpara sa mga inirerekumenda ng mga doktor. Ang mga kadalasang ginagamit ay:

  • Coconut oil
  • Tea tree oil cream
  • Bawang
  • Boric acid vaginal suppository
  • Pagkain o pagpasok sa ari ng plain yogurt

Importanteng siguraduhin na malinis ang kamay bago gumamit ng ano mang gamot sa yeast infection.

Nakakatulong ba ang pag-inom ng probiotics?

Ipinapakita ng ilang pag-aara,l na ang probiotic yogurt o Lactobacillus Acidophilus supplements ay nakakapagpabagal sa pagdami ng yeast sa vagina. Ngunit kulang pa ang researches tungkol dito para mapatunayan ang malinaw na koneksyon.

Photo by MART PRODUCTION from Pexels

Paano makakaiwas sa yeast infection

Upang mabawasan ang iyong panganib na magkaroon ng yeast infection, magsuot ng damit na panloob na may cotton crotch at hindi masyadong masikip.

Maaari ring makatulong ang pag-iwas sa:

  • Masikip na pantyhose
  • Ito ay nag-aalis ng ilan sa mga normal na bacteria sa katawan na nagpoprotekto sa iyo mula sa impkesyon
  • Mga mabangong feminine products tulad ng bubble bath, napkin at tampon
  • Mga hot tub at napakainit na paliguan
  • Hindi kinakailangang paggamit ng antibiotic
  • Pananatili ng matagal na panahon suot ang basang damit, tulad ng mga swimsuit at kasuotan sa pag-eehersisyo

Yeast infection sa mga lalake

Pangkaraniwang naririnig ang yeast infection na nakakaapekto sa mga babae ngunit maaari ding magkaroon ng ganito ang mga lalake.

Oo, ang mga lalaki ay maaaring makakuha din ng yeast infection. Maaari itong humantong sa isang kondisyon na kilala bilang balanitis o pamamaga ng ulo ng ari ng lalaki.

Katulad ng mga babae, ang fungus na candida ang may sanhi nito. Ang candida ay karaniwang naroroon sa balat, lalo na sa basa o moist na balat.

Ang balanitis ay mas karaniwan sa mga lalaking hindi pa tuli.

Mas malaki ang tsansa na ang isang lalake ay magkaroon ng balanitis mula sa yeast infection kung:

  1. Hindi pa tuli
  2. Gumamit ng antibiotics para sa matagal na panahon
  3. May diabetes
  4. May kapansanan sa immune system, tulad ng may HIV
  5. Sobra sa timbang
  6. Poor hygiene

Karamihan sa mga male yeast infection ay madaling gamutin gamit ang mga over-the-counter na antifungal medicines.

Yeast infection sa mga bata

Maaari ring magkaroon ng yeast infection ang mga bata lalo na ang mga sanggol. Sanhi ito ng kanilang pagsuot ng basing diaper sa mahabang panahon. Dahil dito, nagkakaroon sila ng skin irritation o kaya naman ay infection.

Kung ang kanilang diaper rash ay hindi nawawala, suriin upang makita kung ang kanilang pwet ay pula at sensitibo, at kung mayroong raised border sa paligid ng mga sugat.

Kung gayon, ipasuri sa agad na ipasure sa inyong doktor kung ang bata ay may yeast infection. Maaari itong gamutin gamit ang antifungal cream.

Nakakahawa ba ang yeast infection?

Ang yeast infection ay hindi intinuturing na sexually transmitted infection. Bihira lang ito mapasa mula sa isang partner papunta sa isa pa.

Subalit possible para sa isang sanggol na magkaroon ng fungal diaper rash sa kapanganakan kung ang kaniyang ina ay may vaginal yeast infection sa panahon ng panganganak. Maaari mo ring maipasa ang impeksyon sa bibig ng iyong anak habang nagbbreastfeed kung may candida sa iyong dibdib.

Kahit na pwede kang makahawa ng yeast infection sa ibang tao, hindi ito kasing bilis o kapareho ng pagkahawa sa ibang sakit. Halimbawa, mga sakit na nahahawa by air o kaya tubig.

Yeast Infection at UTI, magkaiba ba?

Ang isa pang karaniwang impeksiyon sa mga kababaihan ay ang Urinary Tract Infection (UTI). Posibleng magkaroon ng yeast infection at UTI ng magkasabay pero magkaiba pa rin ang dalawang infection na ito.

Ang UTI ay isang bacterial infection na nakakaapekto sa urinary system. Kasama rito ang iyong urethra, pantog at bato. Ang pakikipagtalik, sexually transmitted infection at hindi regular na pag-ihi ay maaaring humantong sa UTI.

Ang mga sintomas ng UTI ay iba rin sa yeast infection. Walang parehong discharge pero pwedeng magkaroon ng kaunting dugo sa ihi. Ang UTI ay maaari ding maging sanhi ng madalas na pag-ihi kasama ang pelvic at abdominal pain.

 

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Sana ay nasagot nito ang iyong mga katanungann tungkol sa vaginal yeast infection. Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.