Lola, hinabla ang anak at manugang para mabayaran siya sa pagpapalaki ng apo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gastos ng pagpapalaki ng anak inaasa umano ng mga magulang sa lola ng bata. Kaya naman lola naniningil at inihabla ang anak at manugang para mabayaran ang lahat ng gastos sa inalagaang apo.

Image from Pexels

Lola naniningil ng gastos ng pagpapalaki ng anak ng kaniyang sariling anak at manugang

Sa China ang isyu sana na pampamilya lang ay nauwi sa demandahan na katumbas na ang malaking halaga. Ang pinag-ugatan, isang lola ang naniningil sa lahat ng gastos niya sa pagpapalaki ng kaniyang apo na inaasa umano ng kaniyang anak at manugang lahat sa kaniya.

Ayon sa report, nag-ugat ang pag-dedemanda ng lola ng malaman ang kagustuhan ng kaniyang anak at manugang na maghiwalay at tuluyang idiborsyo ang kasal nila nitong Abril.

Dahil sa pagkadismaya ay naisipan ng lola na singilin lahat ng gastos niya sa pagpapalaki ng kaniyang 9-anyos na apo mula pagkasilang nito.

Ayon sa lola, hindi umano tumulong o nagbigay ng suporta ang mag-asawa sa kanilang anak. Siya lang daw ang mag-isang nagtaguyod dito. Lahat ng gastos, bills at kahit ang bayad sa pag-aaral ng apo ay siya ang sumagot. Ito ay dahil gusto niyang mapanatili ang maayos na pagsasama ng mga magulang ng bata. Ngunit, lahat ng sakripisyo at effort ng matanda ay nabalewala ng mag-desisyon ang mag-asawang maghiwalay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman bilang kapalit ay idinemanda at pinagbayad niya ang kaniyang anak at manugang sa lahat ng gastos niya sa kanilang anak.

Mula sa hinihinging 140,000 yuan o mahigit isang milyong piso ay napagbigyan ng husgado ang matanda ng 70,000 yuan o halos kalahating milyon. Dagdag pa dito ang custody o pangangalaga ng kaniyang apo.

Paliwanag ng judge na humawak ng kaso, bagamat normal lang na alagaan ng mga lola ang kanilang apo, hindi daw dapat inaasa sa kanila ang gastos o living expenses ng bata. Kaya naman sa bahaging iyon ay nagkulang ang mga magulang ng bata at dapat lang na sila ay magbayad sa kanilang pagpapabaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Batas sa Pilipinas

Dito sa Pilipinas, ang karapatan ng pangangalaga o custody ng isang bata ay napupunta lang sa kaniyang lola o lolo kapag unfit o hindi karapat-dapat ang kaniyang ina na mag-alaga sa kaniya.

Hindi rin dapat sa mga magulang sa father side napupunta ang kostudiya ng bata sa pagkakataong unfit ang ina. Dapat ay sa mga lolo at lola sa mother side ito napupunta. Ang tanging karapatan lang ng ama ng bata ay visitation rights at ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa bata. Sa oras na ito ay hindi matugunan ng ama ng bata ay maaring maharap siya sa reklamo na Anti-Violence Against Woman and Children Act na tinatawag na economic abuse.

Samantala, hindi naman agad nawawala ang karapatan ng mga magulang sa anak nila. Maliban nalang kung ito ay kanilang legal na pina-adopt, kung ang ina o magulang ay nabaliw o nasa ilalim ng guardianship ng korte o kaya naman ay isinurender na ang bata sa bahay-ampunan. Kung wala sa nasabing tatlong kondisyon ay maaring mabawi parin ng magulang ang kanilang anak kahit ito pa ay nasa pangangalaga ng lolo o lola ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa tinatawag na close family ties ay hindi pa nagiging isyu sa Pilipinas ang gastos na inilalaan ng mga lolo at lola sa kanilang apo. Kung tutuusin sa nakasanayan ay mas malaki pa ang inilalaan ng mga lola at lola sa kanilang apo kumpara sa mga anak nila. Isang ugaling Pilipino na tunay na kahanga-hanga at kakaiba kumpara sa ibang nasyon.

Source:

AsiaOne, Official Gazette of the Philippines

Photo:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Freepik

Basahin: STUDY: Masayahin raw ang mga batang lumalaki kasama ang lolo at lola