Ang isang importanteng bahagi ng pagiging ina ay ang pagpapadede ng kanilang mga anak. Talagang kamanga-mangha ang paraan kung paano nakakagawa ng gatas ng ina ang iyong katawan upang mabigyan ng sustansiya ang iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga importanteng bagay na kailangan mong malaman sa gatas ng ina
- Importanteng facts na kailangan mong malaman tungkol sa breastfeeding
Alam na ng maraming mga ina na kapag nagbubuntis ay kusang mag-produce ng gatas ang iyong katawan. Ngunit alam niyo ba ang mismong proseso kung paano ito nagagawa ng iyong katawan? Siguradong mapapabilib kayo kapag nalaman ninyo!
Gatas ng ina: Paano ito nabubuo sa katawan?
Habang nagbubuntis
Nagsisimula ang milk production sa ika-6 na buwan ng iyong pagbubuntis. Dito, naglalabas ng hormones ang iyong katawan na magsisimulang baguhin ang mga cells sa iyong dibdib. At gagawin silang mga lactocytes, o mga cells na gumagawa ng gatas.
Sa ika-32 na linggo ng pagbubuntis, magsisimula nang gumawa ng colostrum, o “unang gatas” ang mga cells na ito, at maiipon sa iyong suso. Magtutuloy-tuloy na ang paggawa ng gatas ng iyong katawan, upang makapagbigay ng supply kay baby matapos mong manganak.
Matapos manganak
Kapag naipanganak na si baby, maglalabas ulit ng hormones ang iyong katawan, upang gawing mature na gatas ang colostrum. Mahalaga rin na magpasuso kaagad matapos manganak. Dahil lubos na masustansiya ang colostrum, at makakatulong ito upang palakasin ang katawan ng iyong sanggol.
Tumatagal ng mga 2-4 na araw ang colustrum supply, at pagkatapos nito ay “mature milk” na ang ipo-produce ng iyong katawan. Mahalagang magpatuloy ka ng pagbe-breastfeed upang tuloy-tuloy ang supply ng gatas. Puwede rin gumamit ng breast pump kung nahihirapan dumede si baby.
Sa simula ng breastfeeding ay kadalasang mararamdaman mo na puno ng gatas ang iyong suso. Ngunit matapos ng ilang linggo ng breastfeeding, magiging normal na ang supply ng gatas. Mawawala na rin ang pakiramdam na ito.
Gaano katagal ka puwedeng mag-breastfeed?
Bagama’t hormones ang pangunahing dahilan kung paano nakakagawa ng gatas ang iyong katawan. Malaki rin ang papel ng supply at demand.
Ito ay dahil kapag mas madalas uminom si baby ng gatas, mas maraming supply ng gatas ang ginagawa ng iyong katawan. Kaya mahalagang mag-breastfeed ng tuloy-tuloy upang hindi maubos o bumaba ang supply ng iyong gatas.
Habang ikaw ay nagpapasuso, ay magtutuloy-tuloy ang milk production. Kaya’t kung nais mong maging exclusively breastfed si baby, importanteng tuloy-tuloy ang pagpapadede, o kaya ang pag-pump ng gatas.
Posible bang sumobra ang production ng gatas ng ina?
Maraming ina ang nag-aalala na baka malunod o kaya mabulunan ang kanilang sanggol kapag marami silang gatas. Ngunit hindi ito dapat ipag-alala ng mga ina.
Madalas ang dahilan kung bakit nabubulunan ang mga sanggol sa gatas ay nabibigla sila, o kaya hindi pa sila sanay na dumede. Ang isang magandang solusyon dito ay siguraduhin na mabuti ang pag-latch ni baby sa iyong suso. Upang komportable sila at hindi sila mabigla sa gatas na iniinom.
Paano lumalabas ang gatas mula sa iyong suso?
Ang isa pang kadalasang tanong ng mga ina ay kung paano nalalaman ng kanilang katawan na maglabas ng gatas.
Kapag dumikit ang labi ni baby sa iyong nipple ay magsisimulang mag-produce ng hormone na oxytocin ang iyong katawan. Pagkatapos ay sisikip ang iyong suso dahil sa oxytocin, at ito ang magpipisil sa milk ducts upang ilabas ang gatas sa iyong nipple.
Ang isang nakakamangha na bagay tungkol sa iyong gatas ay nagbabago ang nutrisyon nito depende sa pangangailangan ng iyong anak. Nalalaman ito ng iyong katawan sa pamamagitan ng laway ni baby, at inaadjust nito ang dami ng fat, nutrients, atbp. sa iyong gatas.
BASAHIN
7 importanteng facts na kailangan mong malaman tungkol sa breastfeeding
Narito ang mga katanungan ng ating mga concern mommies sa TAP community na sinagot ni Dr. Geraldine Lazaro, Chairman of the Mother Baby Hospital Initiative ng Makati Medical Center.
-
May mga buntis na nagkaroon ng milk bago pa lumabas si baby, bakit ito nangyayari at ano ang dapat gawin?
Ang pagp0-produce ng milk ay isang normal na pangyayari sa buntis lalo na sa second half ng pagbubuntis. Simula sa ika apat na buwan, maaring magkaroon ng leakage ng milk sainyong breast. Huwag mag alala dahil ito ay isang magandang senyales na ikaw ay isang producer.
Ang hindi rin agaran paglabas ng gatas ay hindi dapat ipag-alala ng mga mommies, dahil iba iba tayo ng katawan.
Isa rin dapat malaman ng ating mga mommies lalo na ang mga first time moms ang tungkol sa Colostrum.
-
Ano nga ba ang Colostrum?
Ang colostrum ay ang fluid sa iyong breast sa mga unang araw pagkatapos manganak. Ayon kay Dr. Lazaro,
“Nothing to worry because it’s only, pagkapanganak, it’s the signal from withdrawal of the placenta. So, nagsi-signal na ‘yan sa brain na kailangan magproduce na.
Magpi-pick ng colostrum non within the next three to four days. So, ‘yon ang production natin ng colostrum.”
-
Kapag lumabas na si baby, ano nga ba ang dapat gawin para lumabas ang gatas?
Ayon kay Dr. Lazaro,
“The most potent stimulus for labas ng milk is of course, the sucking of the baby. Kasi magsisignal yan sa brain mo na “Ay nagdedede na, so magpoproduce na ko.” So, ‘yon ang pinakapotent stimulus for milk production, breast milk. “
Marami rin sa ating mga concern moms ang nag alala kung gaano kadami ang kailangan nilang mailabas na breastmilk kay baby. Narito ang sagot ni Dr. Lazaro,
“Akma rin [dapat] sa gastric capacity ng babies na siyempre, unti-unti naman ‘yan. Hindi naman agad like three ounces lalabas or two ounces. So, it will gradually increase. Hindi agad na “Ah, hindi ako producer kasi ang konti nung milk ko.”
Payo rin ni Dr. Lazaro sa mga mommies na frustrated dahil wala sila masyadong napproduce, na dapat ang mindset ng isang buntis ay makapagpa breastfeed lagi para mastimulate ang breastmilk.
-
Gaano dapat katagal pinapadede si baby?
Dapat tumatagal ito ng 5 hanggang 15 minutes. May mga babies na mabilis mag suck kaya 5 minutes pa lang, tapos na ito. Dapat hanggang 15 minutes lamang upang hindi rin gaano mahirapan ang mga mommies.
-
Ano ang dapat gawin kapag mayroong Mastitis si mommy o ang pagkakaroon ng bukol dahil hindi ito na eempty?
Ang mastitis ay ang pamamaga o pagkakaroon ng bukol sa breast. Kapag hindi ito na empty sa tamang oras, nagkakaroon ng clogged ducts.
Ang clogged ducts ay ang matigas na part ng breast, masakit ito hindi ito nagbibigay ng lagnat o trangkaso sa mga mommies. Paliwanag ni Dr. Lazaro,
“Ngayon, may mga certain procedures lang ginagawa mo like warm compress, padede mo agad si baby para maempty agad. So, you can take pain killers naman like paracetamol just to empty it. So, mapi-feel mo ‘yan basta tiyagaan mo lang nung warm compress, warm shower, mageempty na ‘yan.”
Kapag dumating ang oras na hindi na mawala ang part ng breast na iyon, nagkakaroon ka ng lagnat at namumula na ito, kailangan na ni mommy magpakonsulta sa doktor.
-
Ano ang mga top benefits ng pagbe-breastfeed?
Malaki ang tulong ng breastfeeding sa mga babies dahil maaring makaiwas si baby sa mga infections sa lungs, ear, kidneys, at bacterial infections.
Paliwanag ni Dr. Lazaro,
“Actually, lahat na. Kumabaga, sakop na niya lahat ng infection. Mas less sila na magkasakit. Nandiyan din ang pineprevent niya ang obesity, diba. Kasi ang breastfeed babies are more lean, lean sila.
And then, of course, there’s a decreased risk of diabetes and allergies in breastfed babies. And mas mataas ang IQ compared to formula fed babies. Yon, kaya breastfeed na lahat.”
-
Mga bawal kainin kapag nagpapa-breastfeed
Ayon kay Dr. Lazaro mas mabuting umiwas muna sa isda na may high mercury. Ipinagbabawal din ang pag inom ng alak at hangga’t maari ay huwag munang masyadong uminom ng mga may caffeine.
“Sa pagkain, yun nga, sabi ko relative siya because some babies are sensitive to prosephorous vegetables. Sinasabi ko avoid niyo yung cauliflower, broccoli kasi nakakacause ng follic. Even yung kamote, beans, yan.”
Pinapaalala rin ni Dok na obserbahan ang baby kung may allergy. Ang mga baby ay nagiging sensitive kapag na exposed sila sa cow’s milk, ice cream at ibang baby products. Mayroon tendency na mag rereact si baby sa mga ganitong klaseng pagkain.
Paalala ni Dr. Lazaro sa mga breastfeeding moms na huwag mawalan ng pag-asa, lalo na sa mga mommies na hirap mag produce ng breastmilk.
“Sa una pa lang, mahirap na yung masakit breast mo, give up na agad. Konti lang hirap sa tulog, formula ka na agad. No, wag ganon. Lahat tayo producers ng milk. So, don’t ng breast milk. Don’t be frustrated agad and talagang start with breastfeeding. Yun ang ating, breastfeed is best pa rin sa ating mga babies ngayon.”
Kaya mga mommies, don’t give up! Mahalaga ang breastfeeding para kay baby dahil marami itong makukuhang benepisyo na makakatulong sa kaniyang development.
Source: