7 breastfeeding mistakes kung bakit hindi nagiging successful ang pagpapasuso kay baby

Narito ang mga dahilan kung bakit natitigil o hindi naisasagawa ng maayos ang pagpapasuso ng isang ina sa kaniyang anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Breastfeeding mistakes kung bakit hindi successful ang pagpapasuso kay baby
  • Mga dapat tandaan para sa maayos na pagpapa breastfeed

Gatas ng ina, bakit nga ba napipigilang maibigay ng maayos sa kaniyang anak? Narito ang mga dahilan kung bakit, ayon sa isang health worker.

Mga dahilang pumipigil na maibigay ang gatas ng ina sa kaniyang anak

Ayon kay Sara de Leon, isang health worker at family planning advocate ay may ilang dahilan kung bakit hindi nagiging successful ang pagpapasuso o breastfeeding ng isang ina sa kaniyang anak. Ito ay ang sumusunod:

Image from Pixabay

1. Hindi naka-set ang utak ng ina na siya ay magpapasuso.

Isa sa pangunahing dahilan umano ng hindi matagumpay na pagbibigay ng gatas ng ina sa kaniyang anak ay hindi naka-set ang kaniyang utak na gawin ito.

Ayon kay Sara, nasa tiyan pa lang ng isang ina ang kaniyang sanggol ay gumagawa na ito ng plano o preparasyon kapag siya ay nakapanganak na.

At kung ang pagpapasuso ay wala sa priority niya dahil sa magkakaibang dahilan, hindi niya ito maayos na maisasagawa sa kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Paniniwalang walang gatas o konti ang gatas ng ina.

Mariing sinabi ni Sara, na hindi totoong nawawalan ng gatas ang isang ina. Lahat daw ng ina ay may gatas. Tulad nga ng una niyang sinabi ay kailangan lang i-set ang isip ng isang ina na siya ay magpapasuso at kusang maglalabas na ng gatas ang kaniyang katawan.

Hindi rin umano dapat ikabahala ng mga ina kung konti ang gatas na inilalabas ng kaniyang suso. Paliwanag ni Sara, ang bituka ng isang sanggol ay kasing laki lang ng kalamansi kaya naman ang nakukuha niyang gatas mula sa kaniyang ina ay sapat o enough lang para mabusog siya.

3. Hindi pag-inom ng maraming liquids.

Isang dahilan kung bakit tila walang inilalabas na gatas ang suso ng ilang ina ay dahil kulang sila sa pag-inom ng liquids. Mahalaga ito dahil ang 90% ng gatas ng ina ay binubuo ng 90% ng tubig.

Kaya naman para mapanatili ang breastmilk supply ay dapat uminom ng maraming tubig o maging properly hydrated ang mga nagpapasusong ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Kailangang magtrabaho ng ina, kaya kailangang matigil ang pagpapasuso.

May ilang ina ang natitigil sa pagpapasuso dahil kailangan ng bumalik sa trabaho pagkapanganak. Ito ay sa paniniwalang para mas maibigay ang pangangailangan ng kanilang bagong silang na sanggol.

Ngunit, ayon kay Sara mali ang paniniwala na ito. Dahil wala daw mas kakailanganin ang bagong silang na sanggol kung hindi ang gatas ng kaniyang ina.

Ito ay libre at masustansiya. Sigurado ring malinis ito kaya naman maiiwasang magkasakit ang sanggol at mas lalakas pa ang kaniyang resistensiya. Higit sa lahat ang exclusive breastfeeding ay isang paraan rin ng natural family planning.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Walang paglalagyan o tamang storage ng express milk.

Para naman sa mga inang gusto paring magpapasuso ngunit kailangang bumalik sa trabaho ay ito ang karaniwang nagiging dahilan para mahinto ang breastfeeding.

Dahil sa oras na nasa trabaho sila ay wala silang maayos na paglalagyan ng kanilang naipong gatas na maiiwan sa kanilang anak. Kaya naman sa ganitong pagkakataon ay naiisipan nalang ng ina na padedehin ng formula milk ang anak.

Ito ay para maibigay ang pangangailan ng katawan ng kaniyang sanggol habang siya ay wala at nagtratrabaho.

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Iniisip na payat at hindi malusog ang anak kumpara sa mga nagfofomurla milk na bata.

May mga magulang naman na nag-aalala dahil hindi tumataba ang kanilang anak sa pagpapasuso. Kaya naman maiisip nilang haluan ng formula milk ang pinapadede sa anak para ito ay tumaba.

Ngunit paalala ni Sara, hindi lahat ng matabang bata ay malusog. At ang formula milk ay may sugar kaya lang ito nakakapagpataba.

Hindi katulad ng breastmilk ng ina na kumpleto ng nutrients, libre at hindi na mahirap pang ihanda sa sanggol kapag ipapasuso na.

Dagdag pa niya kahit hindi mataba ang bata, basta akma ang kaniyang timbang sa kaniyang edad ay isang palatandaan ito na healthy siya.

Si Sara De Leon ay ang Vice-President ng International Midwives Association of the Philippines o IMAP.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang panayam sa kaniya ay naisagawa sa launch ng “Do It Right” campaign. Isang proyekto na nagpopromote ng reproductive health at family planning sa bansa.

Ayon rin kay Dr. Geraldine Lazaro ng Makati Medical Center, kapag masyadong mataba ang bata, prone ito sa diabetes. 

“Ang babies na breast fed are more siksik and lean. As long as you’re, sa kung feeling mo hindi naggain ng weight, as long as you’re following up with your doctor, napa-plot naman natin yong weight nila every time. Nasasabihan naman nasa right sila kasi compared to like a one year old.”

7. Nawawalan o humihina ang supply ng gatas ni mommy

Ang isang dahilan kung bakit humihina ang supply ng gatas ni mommy ay ang pagla-latch ni baby. Paliwanag ni Dr. Lazaro na ito rin ay dahil sa stress.

“Ang stimulus sa breast natin is a feedback from the brain, okay. Feedback sa brain siya. So, ‘pag na-lessen ‘yon, magle-lessen din ‘yong milk mo.

One thing also is under stress ‘yong mommy. Alam mo stress, kulang sa tulog, hindi ka umiinom ng enough water, that can contribute to lessening of the milk, yon.”

Ayon kay Dr. Lazaro, may mga pwedeng inumin para masimot ang milk. Sa mga market mayroon malunggay na pinaka common. 

“We have the phenodric, which you can get from the health stores. And thistle, milk thistle, pwede rin siya.

And ano pa ba, ayun yung medications naman, we have the motilium or donperidone that we give if ever feeling mo na hindi enough yung milk production mo.”

Dagdag rin niya na kailangan i-asses ang tamang pagtulog, sapat na pahinga at adequate diet. 

BASAHIN

Kulang ang Breastmilk Mo? Narito Ang Mga Tips Mula sa Lactation Counselor 

Tamang Pagpapasuso Ng Sanggol: Gabay Para Sa Ina  

Breastfeeding Guide: Ilang Beses Dapat Dumede Ang Sanggol?

Iba pang dapat tandaan upang maging maayos ang pagpapa-breastfeed kay baby

Intervals ng breastfeeding

Paliwanag ni Dr. Lazaro na nakadepende ito kung gaano na kalaki si baby, dahil sa gastric capacity nito.

“newborns to until around one to two months old, mas shorter intervals kasi again, it’s the gastric capacity. So, it can range from one and a half hours to three hours. So, yung babies talaga, one and a half to two, kasi capacity ng newborn tummy is very small. Kaya talagang small frequent feedings sila.”

Mga breastfeeding positions

Mayroon 4 basic positions sa pagbe-breastfeed at depende kay mommy kung saan siya mas komportable. Ang isa sa pinaka common na posisyon ang ang lying down on the side, o ang pagpadede na nakatagilid habang nakahiga. 

Ang pangalawa naman ay ang cradle position, kapag nakatayo ang mommy, naka cradle si baby. Sumunod nama’y ang cross arm position, kung saan ang isang kamay ay nakahawak sa isang breast at yung isang kamay naman ay nakahawak kay baby.

Pang huli, ang underarm position, maari itong gawin kung mayroong kambal na anak si mommy na sabay bine-breastfeed.

Paalala rin ni Dr. Lazaro na huwag makakatulugan habang nagpapadede lalo na sa lying down on the side position. 

“Wag madaganan ang baby kasi may kaso din tayo na nadadaganan kasi sobrang antok yung mommy. Paggising nila sa umaga, maitim na yung baby.

It happens in some instances way back pa pero ngayon kasi mas conscious na tayo. Kaya I advise my patients not to sleep with the baby as much as possible.”

Paano malalaman kung tama nga ba ang pagla-latch ni baby?

Ang lips ni baby ay dapat nakabuka at naka turn outwards sa baba tsaka kuha ang areola. Hindi lang sa nipple nakakabit, dapat ang areola mismo ang kuha ni baby. Dapat rin ang chin niya, nakadikit sa breast ni mommy.  Minsan maririnig rin ni mommy ang pagsa-swallow ng baby at hindi ito umiiyak.

“And then, once na alam mong mas na-suck nilang matino, they will release the breast naman eh. Yon, so yun ang mga signs na masasabi mong tama yung latching on mo at tsaka sucking niya at nakakuha siya ng milk maski papano.” Ayon kay Dr. Lazaro

Hygiene

Narito ang payo ni Dr. Lazaro sa paghuhugas o pagpapanatili ng hygiene ng breastfeeding mommies,

“You wash only the breast with water lang. Don’t soap it, no soap or any cleanser kasi that will erode the skin which is very sensitive at this point. So, just wash your nipples and breasts. Yung areola lang just before breast feeding. Of course, nandun naman yung syempre we have to take a bath everyday and do the hygiene process before breast feeding.”

Sa mga mommies, mahalagang tandaan ang mga dapat gawin sa breastfeeding upang maibigay ang sapat na gatas para kay baby.

Photo: Pixabay

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.