Buntis Guide: 8 na gawaing bahay na bawal sa buntis

Iniisip mo bang maghugas ng pinggan o maglaba habang buntis? Naku! Mag-isip mabuti mommy, narito ang mga gawaing bahay na bawal sa buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang mga gawaing bahay na bawal sa buntis?

Kapag buntis, hindi ibig sabihin na hindi mo na pwedeng mapanatiling malinis ang iyong bahay. Tulad ng maraming iba’t ibang aktibidad gaya ng paghuhugas ng pinggan habang buntis. 

Ibig sabihin lamang nito kinakailangan mo ng baguhin ang iyong approach. Maging maingat, humingi ng tulong at bigyan ng atensyon; ikaw ay babalik din sa dati mong routine bago mo pa ito mapansin. Pero bago pa man, narito ang mga gawaing bahay na dapat mong iwasan habang nagbubuntis. 

Kapag ikaw ay umaasa, makakaramdam ka na kailangan mong maglinis at ihanda ang iyong bahay para sa pagdating ng iyong baby.

Ngunit kung ikaw ay mayroong mga komplikasyon sa pagbubuntis, maaaring kailangan mong isaisip ang kaligtasan. Ilan sa mga gawaing bahay ay maaaring makasama sa iyo at sa development ng fetus.

Upang mapanatili ang iyong kaligtasan pati ng iyong anak, inilista namin ang 8 gawaing bahay na bawal sa buntis. 

8 na gawaing bahay na bawal sa buntis

1. Paggamit ng mga matatapang na kemikal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami sa mga gawaing bahay ay kinakailangang gamitan ng mga matatapang na kemikal, pinakamainam na iwasan ang mga gawain na may kinalaman dito habang buntis.

Ang mga produkto tulad ng pang-spray sa lamok, pang-linis ng oven at bleach lahat ay may nakalalasong usok. Kung kinakailangan mong mawala ang mga insekto o mga lamok, maruruming oven at toilet habang buntis, humanap ng mga alternatibo.

Ang ant chalk at fly tape ay mabisang pamuksa ng mga insekto at subukang gumamit ng suka, baking soda, at lemons bilang natural na panglinis.

2. Pagbubuhat ng mabibigat na bagay

Subukang umiwas sa pagbubuhat ng malalaking shopping bags at mag-usog ng mga furnitures. Habang lumalaki ang iyong tiyan mas napupuwersa ang ibabang bahagi ng iyong likod at ang injury sa likod ay ang huling bagay na kailangan mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magpatulong sa iyong mga kamag-anak, ibang bata o sa iyong asawa dahil ito rin ay isa sa mga gawaing bahay na bawal sa buntis.

3. Paglilinis sa dumi ng mga alagang hayop

Ang pagpapalit ng cat litter o paglilinis ng dumi ng aso ay maaaring maglapit sa ‘yo sa parasites at germs. Ang pinakamalaking panganib para sa fetus ay ang toxoplasmosis, isang impeksyon na naipapasa ng parasite na naninirahan sa dumi ng pusa.

Kung kinakailangan mong linisin ang iyong mga alagang hayop, magsuot ng gloves at maghugas ng kamay pagkatapos. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Paglilinis ng mga kurtina at ceiling fan

Iwasan ang mga gawaing bahay na nangangailangan ng pag-akyat o pagbabalanse sa upuan o hagdan. Ang mga buntis ay mas mahina pagdating sa pagkahulog at ito ay maaaring maging peligroso. Huwag tumayo sa mga lamesa,  stools o kahit sa mga may mababang hakbang. 

5. Pagma-mop at pagwawalis

Maaaring pwede ang mga gawaing ito kung madalang gagawin, ang pagpupunas ng sahig at pagwawalis ay maaaring magdulot ng pananakit ng ibabang parte ng iyong likod at ma-strain ang iyong hamstring. Kung kinakailangan mong mag-mop at magwalis siguraduhin magpahinga ng madalas. 

6. Paglilinis ng bintana

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maging maingat sa paglilinis ng bintana, dahil madali itong dumulas at mahulog. Iwasan ang mga matatapang na panlinis ng salamin at gumamit na lamang ng basang diyaryo upang punasan ang iyong bintana. 

7. Paghuhugas ng pinggan habang buntis

Gawaing bahay na bawal sa buntis

Kung hindi maiiwasan maaari mo naman itong gawin, hindi naman ito ang pinaka ipinagbabawal gawin. Tandaan lamang na magsuot ng gloves dahil ang iyong balat ay sensitibo habang buntis.

8. Pagba-vacuum

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang paggamit ng vacuum sa palibot ng bahay ay nagdudulot ng sobrang pagod, subukang huwag palitan ang filter ng vacuum habang ikaw ay buntis.

Ang filter ay naglalaman ng alikabok, spores at buhok na maaaring makairita sa iyong mata at baga. Isa ito sa mga ipinagbabawal na gawain habang buntis.

Ilang mga payo mula sa mga nanay na naranasan ito at nagawa na iyon

Maaaring gumaan ang iyong kalooban kapag nalaman mo na hindi lamang ikaw ang nahihirapan na iwasan ang mga gawaing bahay habang buntis. Ang mga mommy na ito ay ibinahagi ang kanilang karanasan habang buntis.

Mary Anne: “Ang aking balat ay sobang sensitibo sa mga soap products, hindi ako makapag hugas ng pinggan o banyo. Nakakuha ako ng mga paltos.”

Winona Tay: “Hindi ako makapaghugas ng pinggan dahil naiipit ang aking tiyan sa pagitan ko at ng lababo. HIndi ako makapag laba dahil nangangailangan ito ng pagyuko at hindi ko kayang tumayo pagkatapos. At hindi ko kayang linisin ang sahig dahil ayaw ng mister ko na aksidenteng matusok ng hawakan ng mop ang aking tiyan.”

Adeline: “Gumagawa lang ako ng mga madadali at simpleng gawaing bahay, gaya ng pagwawalis ng sahig at ibang uri ng gawain na hindi nangangailangan ng sobrang lakas.”

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore by Joyce Vitug

Sinulat ni

The Asian Parent