Paggawa ng gawaing bahay, nakakatulong raw para bumata ang utak

Narito ang mga benepisyo ng maaring makuha ng iyong katawan sa paggawa ng gawaing bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gawaing bahay mas nakakapagpabata ng utak.

Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na nailathala sa journal ng Jama Network Open kamakailan lang.

Image from Freepix

Paano nagpapabata ng utak ang paggawa ng gawaing bahay?

Ayon sa mga researchers na nagsagawa ng nasabing pag-aaral, hindi lang nakakapagpabata ng utak ang paggawa ng gawaing bagay. Nakakatulong rin ito para mapapaba ang tiyansa ng pagkakaroon ng mga brain related disease ng isang matanda gaya ng dementia at Alzheimers.

Sa pamumuno ni Nicole Spartarno mula sa Boston University at kaniyang mga kasama ay sinubaybayan nila ang activity ng 2, 300 adults sa loob ng tatlong araw.

Bagaman hindi kasing intense ng cardio work-outs ay natuklasan nila na ang paggawa ng gawaing bahay ay maganda namang exercise para sa utak ng isang tao.

Mas napatunayan nga nila ang findings na ito sa tulong ng mga brain scans ng mga nasabing adults kung saan makikita ang brain volume na may kaugnayan naman sa aging ng ating utak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag ni Spartarno, ang brain volume daw ng isang tao ay nababawasan ng 0.2 percent kada taon kapag tumungtong na ito sa edad na 60 pataas.

Sa gulang na nabanggit ay humihina rin ang brain tissue na kung saan nagiging dahilan ng dementia na umaakpeto sa karamihan ng matatanda.

Sa kanilang ginawang pag-aaral ay natuklasan nilang ang isang oras na paggawa ng light physical activity gaya ng gawaing bahay ay mas nakakapagpadagdag ng brain volume ng hanggang 0.22 percent.

Ito ay katumbas ng porsyentong nababawas sa brain volume ng isang tao sa loob ng isang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman nagkaroon sila ng konklusyon na ang kada isang oras na paggawa ng gawaing bahay ay nakakapagpabata ng utak ng isang taon.

Kahalagahan ng light physical activity

Dagdag ni Spartarno ang kanilang pag-aaral ay tumutukoy sa kahalagahan ng paggawa ng light exercises tulad ng gawaing bahay.

Ito ay sumusuporta rin sa nakasaad sa 2018 Physical Activity Guidelines for Americans na nagsabing ang 150 minutes na moderate-to-vigorous activity kada linggo ay nagbibigay ng best health benefit sa isang tao.

“Our study results don’t discount moderate or vigorous physical activity as being important for healthy aging. We are just adding to the science, suggesting that light-intensity physical activity might be important too, especially for the brain,” paliwanag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon parin kay Spartarno, ang mga light physical activities na kanilang tinutukoy maliban sa gawaing bahay ay ang paglalakad at iba pang activity na kayang gawin ng mga middle-aged o mas mga nakakatanda.

Pinuri ng mga health experts ang natuklasan ng isinagawang pag-aaral na dinescribe itong encouraging para sa mga elderly na hindi na kayang gumawa ng mga structural exercises.

Samantala, isang pag-aaral rin na nailathala sa journal of Neurology ang may parehong findings.

Ayon sa pag-aaral, mas naproprotekhan ng mga elderly ang kanilang utak laban sa dementia sa paggawa ng mga gawaing bahay.

Iba pang health benefits ng paggawa ng gawaing bahay

Maliban sa pagpapabata ng ating utak, ang paggawa ng gawaing bahay ay may iba pang magandang epekto sa ating katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Florida State University ang paghuhugas ng plato ay nakakabawas ng anxiety ng isang tao. Ang paggawa raw nito ay nakakapagbaba ng nervousness levels ng hanggang 27 percent.
  • Ang pag-amoy naman ng mga citrusy scent na madalas maamoy sa mga panglinis sa bahay ay nagboboost ng ating mood at nagpapasaya sa isang tao. Ang scent na ito ay nagpababa sa overall mood disturbance na maaring dulot ng tension, anxiety, depression, confusion, fatigue at anger.
  • Ayon naman sa organizing guru na si Peter Walsh, ang pagpapanatili ng kalinisan sa kusina ng isang bahay ay nakakabawas naman ng tiyansa ng isang tao ng 77 percent na maging overweight o obese. Dahil ang paglilinis ng kusina ay may kaugnayan daw sa pagpili ng healthy food choices.
  • Ang paglilinis naman sa bakuran at iba pang gawaing bahay ay nakakatulong rin para makaiwas sa atake sa puso ang isang tao. Ibinababa nito ang risk for cardiovascular events gaya ng heart attack at stroke ng halos 30 percent.
  • Ang amoy din ng grassy scent habang naglilinis ng bakuran ay nagrerelax at nagpapasaya sa isang tao, ayon sa isang Australian study.
  • Ayon namay kay Charles Duhigg, author ng The Power of Habit ang pag-aayos ng kama o higaan sa umaga ay “keystone habit” at malaki ang epekto sa sense of well-being ng isang tao. Ito rin daw ay nakakatulong sa ating productivity sa araw-araw.
  • Ang gardening naman at paggawa ng iba pang activity na may kaugnayan sa nature ay nakakabawas ng mga depression symptoms. Dagdag pa ni Professor Christopher Lowry ng University of Colorado, ang duming taglay ng lupa sa pag-gagarden ay isa ring depression fighter at nag-iimprove ng mood ng isang tao.
  • Ayon naman sa isang 2015 study, ang pagtutulungan ng isang mag-asawa o couple sa paggawa ng gawaing bahay ay mas nakakapagdulot ng satisfying sex. Dahil sa pantay na responsibilidad sa gawaing bahay ay nababawasan ang tension at bitterness sa relasyon na madalas nadadala sa bedroom at pagtatalik.

Kaya naman hindi dapat katamaran ang paggawa ng mga gawaing bahay. Ang mga benepisyong maibibigay nito sa katawan ay katumbas rin ang mga benepisyong makukuha mo kapag malinis ang iyong tahanan.

Sources:

Techtimes, Reader’s Digest

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement