Sa isang liham sa The Guardian, ikinuwento ng isang misis ang kaniyang karanasan. Matapos ang matagal na pagsasama, nalaman niyang gay ang asawa niya.
Lubos na malambing at mapagmahal ang asawa ko, pero bihira niyang gustong makipag-sex sa akin—kahit na noong bago pa lang ang relasyon namin. Nang magtagal, natigil nang tuluyan ang pagtatalik namin. Hindi niya ipinupunto ang dahilan kung bakit at ayaw din niyang pag-usapan kung bakit.
Ilang beses kong minungkahi na magpatingin siya. Payag naman siya pero hindi naman siya pumupunta.
Nagbasa ako ng mga istorya tungkol sa mga pagsasama ng mag-asawa na hindi nagtatalik. Pero parang hindi naman kami ‘yong tinutukoy ng mga iyon.
Pakiramdam ko hindi ako kanais-nais.
Kinalaunan, huminto na rin ako sa pag-iisip ng sex at natutong maging kuntento sa sitwasyon ko.
Matapos ang tatlong dekada naming pagsasama, nagising na lang siya isang araw at sinabing gay siya—sabay alis ng pamamahay namin at ng buhay ko.
Finally, nakuha ko na ang sagot sa katanungan ko pero hindi siya naging madaling tanggapin. Madaming katanungan sa utak ko. Bakit pa niya ako pinakasalan kung hindi naman siya naging tapat at malala pa do’n, dinaya niya ako sa pagkakaroon ng sex life. Mukhang hindi niya alam ang pinagdaanan ko.
Ngayon ko pa lang nagagawa ang mga gusto kong gawin. Malaya akong naghahanap ng bagong relasyon. Matagal man akong naging tigang, hindi naman ito nakaapekto sa pag-enjoy ko sa sex. Sa totoo lang, mas naging madali na ito ngayon kaysa noong kabataan ko. Hindi na ako nako-conscious sa itsura ko at sa ginagawa ko sa kama. Nakakagulat din na kahit may edad na ako, mayro’n pa rin akong mga nagiging mga partner.
Madalas na katanungan sa akin kung nahihirapan ba akong magtiwala ulit sa mga lalaki. Oo at hindi. Hindi siya madaling sagutin. Pero kung susumahin, oo, madaling magkaroon ng mga fling para makipag-sex; hindi, mahihirapan akong magkaroon ng seryosong relasyon.
Kung may kabutihan man nagawa ang nangyari sa akin, ito ay ang pagiging kumportable ko ulit sa sarili ko.
May mga pagkakataon na naaawa rin ako sa dati kong asawa at sa pinagdaanan niya. Pero tuwing nakakarinig ako ng mag-asawa na pinagdaraanan ang naging sitwasyon namin, hindi ko mapigilang maawa sa mga babae. Parati rin kasing pinupuri ang gay sa kaniyang pag-amin sa pagkatao niya, ngunit walang nasasabi tungkol sa asawang iniwanan nito.
Senyales na gay ang mister mo
Hindi madaling isipin at mas lalo na ang tanggapin na hindi ikaw ang klase ng tao na gustong makasama ng mister mo. Hindi ito katulad ng mga lalaking nambabae dahil naghahanap ng mas bata, mas sexy, o mas maganda. Sa sitwasyon na gay ang asawa, tila simula pa lang, talo ka na.
Narito ang 5 senyales na baka gay ang asawa mo:
- Nababawasan ang pag-uusap ninyo
- Hindi siya nagseselos
- Homophobic siya (takot o galit sa mga gays)
- Hindi kayo nagtatalik
- Malambing siya sa ibang lalaki
Kung naghihinala ka na nasa pareho kang sitwasyon, laging tandaan na huwag basta-basta maghusga pero kailangan niyo pa rin itong harapin. Subukang maging bukas at maging open ang komunikasyon niyo ng iyong mister.
Basahin ang buong artikulo tungkol sa pagkakaroon ng gay na asawa dito.
SOURCE: The Guardian, Psychology Today, Women’s Health
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!