Bb. Pilipinas Gazini Ganados, kilalanin ang pambato natin sa Miss U

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Miss Universe 2019 ang magiging ika-68 edisyon ng kompetisyon ng Miss Universe na gaganapin sa ika-8 ng Disyembre, sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia sa Estados Unidos at ang pambato nga ng Pilipinas ngayon ay isang Cebuana beauty na si Bb. Pilipinas Gazini Ganados.

Cebuana pride

Ipinanganak si Bb. Pilipinas Gazini Ganados sa Dapitan City, Zamboanga del Norte sa isang ina na Pilipino at isang amang Palestinian, ngunit lumipat ito sa Talisay, Cebu City noong tumuntong ito ng 6th grade.

Lumaki si Gazini kasama ang kaniyang ina at lolo at lola, pero pangarap pa rin nitong makilala ang kaniyang Palestinian na ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Laking probinsya ngang maituturing si Gazini na napapaligiran ng maraming mga alagang hayop tulad ng mga baboy, kambing, pagong, at ibon.

Sa paglaki nito kasama ang mga hayop at sa pagmamahal nito sa mga ito, may ilang mga alagang aso ito sa kanyang bahay sa Cebu.

Tourism graduate

Tourism graduate si Bb. Pilipinas Gazini Gados sa Unibersidad ng San Jose-Recoletos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang lumalaki nga si Gazini ginusto nito na maging doktor at kumuha pa nga siya di-umano ng isang 6-month nursing course.

Ngunit nang magsimula itong maglakbay sa iba’t-ibang lugar, nagdesisyon itong kumuha ng Tourism course.

Mahilig din sa sports si Gazini, varsity volleyball player nga siya noong high school at libero ang kaniyang posisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hilig din niya ang boxing, yoga, at ilang mga outdoor activities tulad ng hiking, surfing, trekking, at diving.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Adbokasiya

Matindi ang paniniwala ni Bb. Pilipinas Gazini Ganados sa pagsusulong ng adbokasiya niya para sa pagpapabuti ng mga serbisyo sa pangangalaga ng matatanda sa Pilipinas.

Ang pagsusulong sa adbokasiyang ito ay dahil kadahilanan na rin ng kanyang pagkahilig sa pag-aalaga sa mga matatanda.

Ito ay nagmula rin sa kanyang sariling mga relasyon sa pamilya lalo na’t lumaki ito sa piling ng kanyang lolo at lola, at ang karanasan ay nakatulong sa paghubog ng kanyang pananaw sa mundo at kung ano ang pinakamahalaga sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Rappler, Gazini Ganados

Basahin: Dating child actor na si Makisig Morales, ikinasal sa isang beauty queen