Walang masama kung gusto ng lalaki mong anak na makipaglaro sa mga babae at maglaro ng mga laruan na sa tingin mo ay hindi “panlalaki”. Walang mali dito — ang mali ay ang gender stereotype sa bata. Alam mo ba kung ano ang epekto nito sa anak mo?
Gender stereotype sa bata
Sa isang Facebook post mula kay Omni and Bryce, ibinahagi ni Daddy Bryce ang kanyang karanasan tungkol sa gender stereotype noong siya ay bata pa.
Let me share this. Growing up, I was told many times na hindi ako dapat naglalaro ng mga “larong pambabae.” Imagine, wala ka pang muwang sa buhay tapos may dalawa kang kapatid na babae pero hindi raw tama na naglalaro ka with them. I was just a child na gustong maglaro at gusto ng kalaro. This made me hate the people around me. Although I tried to go out of my comfort zone – many times I would do boxing and wrestling kasama ng mga pinsan, ligo sa ilog, fishing, maglaro sa putik, maligo sa ulan, akyat sa puno, at iba pang bagay na talagang naenjoy ko naman, mas nakahanap pa rin ako ng saya sa paglalaro nang mag-isa. Favorite ko ‘yong basketball sa loob ng kwarto. Siguro nga dahil introvert ako. Usong-uso rin sa probinsya ‘yung ang hilig kang i-label! “Ang lambot ng anak mo.” “Parang babae?” “Kadaldal naman na lalaki niyan.” “Mas marami siyang kaibigang babae.” “Bakla yan!” It was confusing! Then I started hating being with girls. I even wished I didn’t have sisters. Pero isang araw narinig ko ang Mama at Papa ko na nag-uusap. Sabi ni Papa, “Hindi bakla yan. Ganyan din ako noon. Marami rin akong kaibigang babae.”
Sa narinig niyang ito, sumaya siya dahil pakiramdam niya ay sa wakas, may nakakaintindi na sa kanya. Bagama’t marami siyang naririnig sa ibang tao, iba pa rin daw iyong pakiramdam na mga magulang niya ang nagtanggol sa kanya. Malaking bagay din daw na sa kanyang ama niya mismo narinig na walang mali sa kanya at sa kung ano ang gusto niyang gawin.
Paano maipapakita ng magulang ang suporta sa anak
Isa sa mga pinaka-importanteng dapat taglayin ng mga magulang ay ang hindi pagiging judgmental. Dapat ay maging open ang isang pamilya at accepting. Dito kasi matututunan ng mga bata ang tamang pagtrato at pagrespeto sa mga tao.
Dapat ay sa inyo mismo magsimula ito. Kaya payo ni Daddy Bryce,
Ngayong may mga anak na ako, hinahayaan ko silang maglaro ng kahit ano. At bawal ang labeling sa bahay! Bawal na bawal. Bata yan! Gusto lang nilang maging bata. Kaya hayaan natin silang maging bata. Words are powerful. Kung ano ang sabihin natin sa mga anak natin – lalo tayong mga Tatay, kung hindi man nila paniwalaan siguradong may malaking impact sa kanila ‘yan. I hope we’re letting them hear words of affirmation. Ulit-ulitin natin ang pagsabi na “mahal ko yan!” “mabait yan!”, “matalino yan!” “magaling yan sa ganito”, “magiging matagumpay sa buhay yan!”
Bakit mahalagang mapag-usapan ito
Kahit bata pa sila, importanteng maramdaman ng iyong anak ang suporta at pagmamahal mula sa inyo. Maniwala kayo na dadalhin nito hanggang sa paglaki at may epekto ito sa kanilang self-esteem.
Suportahan sila at hayaan lang silang mag-enjoy at maging malaya. Higit sa lahat, huwag niyo silang pilitin na baguhin dahil lang may mga bagay na hindi “tama” depende sa inyong standards.
Isang bagay ang disiplinahin sila, pero ibang bagay rin kung ang sinusubukan mong gawin ay kontrolin kung paano sila mag-isip. Lahat ng bata ay unique kaya iwasan ding i-kumpara sila.
Sa halip, hikayatin pa sila at kilalanin nang lubos. Ilan lang ito sa maraming bagay na tungkulin mo bilang magulang. Kaya naman sa susunod na makarinig ka ng ganitong argumento, huwag kang magdalawang-isip na magsalita upang matigilan na ang ganitong toxic mentality.
Source:
Basahin:
This is why the overprotective dad stereotype must die