Ina namatayan ng 3 anak dahil pinakasalan niya ang kaniyang pinsan

Dahil daw magpinsan ang kanilang mga magulang, nagkaroon ang mga bata ng genetic disorder na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa karamihan sa atin, hindi katanggap-tanggap ang pagpapakasal sa pinsan. Ito ay dahil bukod sa maituturing itong incest, mataas rin ang posibilidad na magkaroon ng genetic disorder ang magiging anak ng dalawang magpinsan.

Ngunit para sa ibang mga kultura, normal na sa kanila ang pag-aasawa sa kanilang pinsan. Kaya’t sa mga ganitong mag-asawa, mataas ang posibilidad na magkaroon sila ng anak na mayroong mga genetic disorder.

Ganito ang kwento ng mag-asawang si Ruba at Saqib, na mag-asawang nakatira sa UK.

Genetic disorder posibleng makuha kapag magpinsan ang mga magulang

Si Ruba at Saqib ay magpinsan na ipinasok sa isang arranged marriage, o napagkasunduang kasal. Ayon kay Ruba, gusto daw muna sana niyang makapagtapos ng pag-aaral bago siya ipakasal ng kaniyang mga magulang.

Ngunit dahil bahagi ito ng kanilang kultura, napilitan siyang pakasalan si Saqib Mehmood, na kaniyang pinsan. Si Saqib ay nakatira sa Pakistan, kaya’t tumira muna doon ng ilang buwan si Ruba upang sila ay ikasal.

Halos hindi raw niya kilala ang pagkatao ni Saqib, at mas matanda siya ng sampung taon kay Ruba. Bagama’t hindi kasama sa kaniyang mga plano ang pag-aasawa ng maaga, naging masaya naman sila ng kaniyang asawa na si Saqib. Pagbalik raw ni Ruba sa UK ay nalaman niya na buntis siya, at ibinalita ito sa asawa. Kahit na hindi niya inaasahang mabubuntis siya agad, natuwa rin naman si Ruba sa magandang balita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal naman ang naging panganganak ni Ruba at malusog ang kaniyang anak na si Hassam. Ngunit napansin nilang mag-asawa na tila palaging tulog ang bata, at nahihirapang dumede.

Ngunit sa unang checkup ni Hassam, napansin ng doktor na parang hirap siyang igalaw ang kaniyang hita. Dahil dito, minabuti nilang ipa-test ang bata upang malaman kung mayroon bang problema. Dito napag-alaman na mayroon palang genetic disorder si Hassam, at bihirang-bihira lang daw ang ganitong kondisyon.

Lingid sa kaalaman ni Ruba, parehas silang mayroong recessive gene sa I-cell ng kaniyang asawa. Ito raw ay nagiging dahilan para hindi mag-develop ng maayos ang mga bata.

Akala ng mag-asawa na magiging ligtas na ang iba nilang mga anak

Matapos ang pitong buwan ay nakakuha na rin ng Visa si Saqib papuntang UK, at nakasama na niya ang kaniyang mag-ina. Noong una ay parang normal naman si Hassan, ngunit napansin nila na kumpara sa ibang bata, mabagal ang pag-develop niya. Bukod dito, napapansin nilang mas lumalaki daw ang ulo ni Hassan kumpara sa ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Di nagtagal ay nabuntis ulit si Ruba, at sa kasamaang palad, positibo sa I-cell ang pangalawa nilang anak na si Alishbah. Namatay siya noong siya ay 3 taong gulang, 1 taon matapos mamatay ang kaniyang kuya.

Dahil dito, nag-alala na ang mag-asawa sa susunod nilang anak. Ayon sa kanilang Imam, okay lang daw na ipalaglag ang bata kung malaman nila na mayroon itong I-cell. Ngunit kailangan daw harapin ni Ruba ang desisyon ng pagpapalaglag ng kaniyang anak.

Nang mabuntis ulit si Ruba ng pangatlong beses, tumanggi na siya sa kahit anong test. Aniya, gusto niyang tratuhin na normal ang kaniyang pagbubuntis, at umaasa siyang hindi magiging positibo sa I-cell ang pangatlo nilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit nang pinanganak ang kanilang anak na si Inara, siya rin ay positibo sa I-cell. Namatay si Inara noong 2-taong gulang pa lamang siya.  Bukod sa mga namatay na anak, anim na beses na rin palang nalaglagan ng anak si Ruba. Ang huli raw ay nangyari noong inililibing na nila ang anak na si Inara.

Natanggap na rin ni Ruba na posibleng ang pagiging mag-pinsan nila ng kaniyang asawa ang dahilan kung bakit namamatay ang kanilang mga anak. 

Sinabi ng kanilang mga kamag-anak na maghiwalay na lang daw silang dalawa, upang magkaroon sila ng anak. At kahit na hindi ginusto ni Ruba ang pagpapakasal sa kaniyang asawa, naging masaya naman silang dalawa matapos silang ikasal ng 10 taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, umaasa ang mag-asawa sa proseso ng IVF o in-vitro fertilization, kung saan ifefertilize ang egg cell sa labas ng katawan ng babae. Ang proseso na ito rin ay puwedeng malaman kung magkakaroon ba ng I-cell ang bata, kaya puwede nilang piliin ang fertilized egg na walang I-cell upang masiguradong magiging normal ang kanilang anak.

Sinusustento daw ang mag-asawa ng kanilang pananalig sa Panginoon, at sa suporta ng kanilang pamilya, at ng isa’t-isa. Sana ay matupad na rin ang kanilang pangarap na magkaroon ng masaya at malusog na anak.

 

Source: BBC

Basahin: Paano mo malalaman kung may mental disorder ang iyong anak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara