Geneva Cruz bumwelta sa basher na pinagkokompara sila ng kaniyang anak

Hindi umubra kay Geneva Cruz ang pamumuna ng netizen sa pagsusuot niya ng sexy outfit. Sinagot niya basher na nagkokompara sa kanila ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi pinalampas ni Geneva Cruz ang isang basher na nagkompara sa kanila ng kaniyang 8-year old daughter. Ano nga ba ang bwelta ni Geneva rito?

Geneva Cruz sinagot ang basher

Nagpost ang celebrity mom na si Geneva Cruz ng larawan ng kaniyang anak sa social media noong April 19, 2023. Sa nasabing social media post makikita ang picture nila ng kaniyang walong taong gulang na anak kasama ang ilan pang mga kaibigan sa isang bakasyon.

Larawan mula sa Facebook ni Geneva Cruz

Caption ni Geneva Cruz sa kaniyang social media post, With my long-legged baby girl @londonleecruz and our friends.”

Mababasa sa comment section ng post ang walang prenong komento ng isang netizen sa picture ng mag-ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saad ng netizen, “Buti ang anak mo hindi nag babandera ng katawan niya. Hindi nagpapakita ng puwit sa madlang people.”

Hindi naman pinalampas ng singer-actress ang komentong ito ng kaniyang basher at agad na sinagot din ito.

Larawan mula sa Facebook ni Geneva Cruz

Ani Geneva, tingnan daw muna ng nasabing netizen ang sarili nito sa salamin bago manghusga ng kapwa. Suriin daw muna nito ang sariling ugali kaysa punain ang pag-popost niya ng sexy photos sa kaniyang social media pages.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saad ni Geneva, “Aww… Putting me down because it makes you feel good. Look at yourself in the mirror and try to realize if your attitude is better than my flaunting of the body I work hard for.”

Dagdag pa ng singer-actress mommy na ang compassion ay ang isa sa mga pinakamahalagang bagay sa mundo. At ang pagkukompara ng basher sa kaniya at sa anak niya ay “lowest of low”.

Larawan mula sa Instagram ni Geneva Cruz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I feel sorry for you. Compassion is an important trait to have in this world.

“Shaming me and comparing me to my 8-year old daughter is the lowest of the low. I feel sorry for you.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinainisan din naman ng mga supporter ni Geneva ang naging comment ng basher nito. Agad ding nagkomento ang mga fan ng kanilang pagsuporta at paghanga sa aktres.

Saad ng isang netizen, “Ms Geneva, we have high respect for you, and your daughter are beautiful inside and out. God Bless you both!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan