Si Mia Golosino, ang tinaguriang “child genius” na mas mataas pa ang IQ kay Albert Einstein ay sa kasawiang-palad, hindi pinayagang makapasok sa isang eskwelahan sa UK.
Nasa top 1% siya ng populasyon
Ayon sa mga ulat, ang 11-year-old na si Mia ay nakakuha ng markang 162 sa kaniyang IQ test ang pinakamataas na posibleng makuha, dahilan upang maipasok siya sa top 1% ng populasyon na may mataas na IQ.
Ngunit sa kabila nito, at sa kabila ng pagpasa ni Mia sa entrance exam, ay hindi siya pinayagang makapasok sa Aylesbury High grammar school dahil umano sa “over-subscription” o sobrang dami ng mga estudyanteng nakapasok sa paaralan.
Nakakalungkot man na hindi siya nakapasok sa napili niyang paaralan, dahil sa kaniyang angking talino at husay, ay madalian siyang kinuha ng Royal Latin School sa Buckingham.
Isa pa rin siyang normal na bata
Bagama’t mataas ang IQ ni Mia, ayon sa kaniyang mga magulang ay isa pa rin siyang normal na bata. Ayon sa kaniyang ama:
The day before, she was told to tidy up the kitchen, play with her three-year-old sister Macy, and help her mum sort things for the new baby, which is due any time now. It was just a normal day.”
Hindi rin nagtatapos sa loob ng paaralan ang husay nitong si Mia, dahil siya rin ay isang mahusay na swimmer, at ballet dancer. Pangarap din niyang maging huwes paglaki niya.
Ayon sa kaniyang mga magulang, kahit saang paaralan man makapasok si Mia, ay lagi nilang sinasabi na magtiwala lang siya sa kaniyang sarili.
Source: gmanetwork.com
READ: Child genius enters college at age of 9, aims to prove the existence of God
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!