Geoff Eigenmann at Maya, inanunsyo ang pagsilang ng kanilang second baby

Geoff Eigenmann at Maya, inanunsyo ang pagsilang ng kanilang second baby

Nakatanggap ng napakagandang regalo ngayong Father's Day ang aktor na si Geoff Eigenmann at ito ang pangalawang anak sa kanyang fiancee na si Maya Flores.

Masayang ibinalita ng aktor na si Geoff Eigenmann sa Instagram ang pagdating ng kanilang pangalawang baby ng fiancee at singer na si Maya Flores.

Instagram post

Isa na ngang napakagandang Father's Day gift ang natanggap ni Geoff Eigenmann sapagkat isinilang na ng kanyang partner na si Maya Flores ang kanilang pangalawang anak at pinangalanan nila itong Augustus Geoffrey.

Masayang ibinalita ni Geoff ang pagdating ng kanyang pangalawang anak sa kanyang Instagram post nitong ika-15 ng Hunyo, bago ang Father's Day.

Sambit ni Geoff sa kaniyang caption, "On 6-15-2019 at 7:30am, our young king is born."

"Another reason to be a better person and an even better example," dagdag pa ng aktor.

Aniya pa, "Thank you my love @blushmaya for carrying our little one for the past 9 months."

"Our sleepless but priceless nights are about to begin again," biro pa ni Geoff.

Pagpapatuloy niya, "Looking forward to learning from you and your sister everyday!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by geoffrey (@g_eigenmann_) on


Ang tinutukoy na "sister" sa caption ni Geoff ay ang panganay nilang anak ni Maya na si Arabella, na magdadalawang taon na ngayong taon.

 

Maya's "silhouette" photo post

Masaya ring ibinalita ng singer na si Maya Flores ang pagdating ng kanyang pangalawang baby sa kanilang buhay ni Geoff Eigenmann.

Simple lamang ang nilagay nito sa kanyang caption sa mala-"silhouette" photo na post nito. Aniya, "My first baby with our second baby.. Augustus Geoffrey F. Eigenmann. 6/15/2019."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by MAYA (@blushmaya) on

Basahin: LOOK: Maya and Geoff Eigenmann, gender-reveal for second baby

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner