Buntis, nanganak sa entrance ng isang mall

Alamin ang buong detalye o kwento sa likod ng isang ginang na nanganak sa mall sa Barangay Bulua sa Cagayan de Oro (CDO) City.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Laking gulat ng mga bumbero sa Barangay Bulua sa Cagayan de Oro (CDO) City sa isang tawag na kanilang natanggap. Imbes na para sa sunog ang kanilang pagresponde, ito ay dahil sa isang ginang na nanganak sa mall.

Nanganak sa mall

Si FO1 Jan Patrick Gemina ang on-duty inspector ng BFP-Bulua. Tamang nag-iinspeksiyon sila sa mga oras na biglang nanganak ang isang ginang sa hagdan ng mall.

Sa kanilang pag-iikot, natanggap nila ang paghingi ng tulong sa may hagdan papasok ng mall. Dali-dali silang rumesponde ngunit nailuwal na ang sanggol pagdating nila.

Ayon sa nanganak na ginang na si Jaira, alam niyang kabuwanan na niya ngunit mayroon silang mga kailangan lakarin noong araw na iyon.

Nasa mall sila para mamili ng gamit para sa isa pang anak. Kakatapos lang nito mag-enroll at nag-desisyon sila na mamili ng bag at sapatos. Nagpunta din sila sa grocery upang mamili ng diaper.

Nang papalabas na sila ng mall, hindi na nito nakayanan. Nanginig na daw ang kaniyang tuhod kaya’t napaupo sa may hagdan sa entrance ng establisyemento.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na niya napigilan ang pag-ire. Nanganak sa mall entrance si Jaira.

Ayon sa midwife ng Bulua Health Center na si Marisa Viernes, malusog naman ang ipinanganak na sanggol. Ang bata ay may timbang na 3.4 kilos. Pinangalanan itong Jhailhea.

Nanganak sa taxi

Hindi ito ang unang beses ni Jaira na manganak sa kakaibang lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ng midwife na si Marisa, noong 2017 ay ipinanganak ni Jaira ang kanyang panglimang anak sa loob naman ng isang taxi. Siya ay kasalukuyang isinusugod sa ospital sa mga panahon na iyon ngunit sa taxi na inabutan ng paglabas ng sanggol.

Isang paalala ni Marisa para sa mga nagdadalang tao, mabuti nang mamalagi sa bahay kapag kabuwanan na. Ito ay para maiwasan ang mga pangyayaring tulad nito na manganak sa alanganing lugar. Sa ganitong pag-iingat, maiiwasan ang pagdulot ng kapahamakan sa kalusugan ng ina at magiging sanggol.

Narito ang full report ng ABS-CBN News:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: ABS-CBN News
Image: Screengrab from ABS-CBN

Basahin: Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement