X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ginataang tilapia: A simple yet yummy ulam for the family

5 min read
Ginataang tilapia: A simple yet yummy ulam for the familyGinataang tilapia: A simple yet yummy ulam for the family

Naghahanap ng masarap at healthy ulam para sa iyong pamilya? Subukan ang ginataang tilapia recipe na ito!

Nakatikim ka na ba ng ginataang tilapia at nais na sumubok na maghanda nito para sa iyong pamilya, kaibigan o kakilala? Sa artikulong ito, matututunan mo ang isang ginataang tilapia recipe na napakadaling gawin ngunit may sarap na siguradong mai-enjoy ng iyong family.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga sangkap sa pagluluto ng ginataang tilapia
  • Paraan ng pagluluto sa ginataang tilapia

Ginataang tilapia recipe

Isa ang tilapia sa mga isdang mura at madaling makita sa pamilihan. May makikita pa nga at mabibiling buhay pa nito. Maliban sa maraming luto ang magagawa rito, masarap at malinamnam ang laman ng isdang ito. Kahit nga simpleng, prito o kaya kinamatisang tilapia siguradong masisimot kapag ito ang isdang iniluto mo. Ang kailangan lang ay matutong linisan ito ng maigi para mas maging kaaya-aya lalo ang presentasyon nito.

Pagdating sa mga luto sa tilapia, isa sa nire-request ng marami sa atin ay iyong ginataan. Lalo na iyong may konting anghang na mas magpaparami ng kain mo. Mukha man itong napaka-special kung titingnan, napakadaling iluto ng ginataang tilapia. Ang kailangan lang ay siguraduhing lahat ng sangkap o ingredients na iyong gagamitin ay sariwa. Tandaang mas ayos gamitin ang tilapiang sariwa. Marami ka rin mabibili na may kakaibang lasa dahil hindi na sariwa at mag-iiba ang lasa nito kapag naluto na.

Excited ng malaman at subukan kong paano ito gawin? Narito ang mga ingredients o sangkap na kailangan mo na munang bilhin at ihanda.

 

ginataang tilapia

Ginataang tilapia. | Larawan mula sa iStock

Ingredients o sangkap sa pagluluto ng ginataang tilapia

  • 2 piraso ng tilapia na nakaliskisan at natanggalan na ng hasang
  • 1 lata o 1 ½ tasa ng gata ng niyog
  • 4 na tangkay o pirasong dahon ng mustasa
  • 1 maliit na piraso ng luyo
  • 3 butil ng bawang
  • 1 pirasong sibuyas
  • Asin o patis
  • Paminta
  • 1 tasang tubig
  • 2 pirasong siling green o labuyo
  • 2 kutsarang mantika

BASAHIN:

Adobo flakes sandwich: Easy cheesy merienda recipe

Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

Batangas Lomi recipe, na pwedeng-pwede niyong iluto sa bahay!

Tips sa pagluluto ng ginataang tilapia

Nauna ko ng nabanggit na ang sikreto sa pagluluto ng masarap na ginataang tilapia, ay ang paggamit ng fresh na isda. Para nga masigurong sariwa ang tilapiang gagamitin sa recipe na ito, tandaan ang mga sumusunod sa pagpili at pagbili ng isda.

Palatandaan na fresh ang isda

ginataang tilapia

Background photo created by topntp26 – www.freepik.com 

  • Bagama’t ang mga isda ay natural na may malansang amoy, hindi ito dapat masakit sa ilong o hindi kaaya-aya. Dapat ay amoy sariwa at malinis pa rin ito.
  • Tingnan ang mata ng isda. Dapat pabilog o nakaumbok pa ito. Ito rin ay dapat makintab o tila buhay pa kung titingnan. Kung tila cloudy o milky at lubog na ang mata ng isda nangangahulugan na ito ay may katagalan na.
  • Ang balat at kaliskis ng isda ay dapat mas matingkad o metallic kung titingnan. Hindi dapat ito mukhang maputla o kaya nagtataglay ng kahit anong patches o mantsa.
  • Hawakan ang isda. Dapat firm ito at hindi masyadong malambot.
  • Tingnan din ang hasang ng isda, dapat mamula-mula ito. Sapagkat ang maputla o brown na hasang ng isda’y palatandaan na ito’y hindi na sariwa. Lalo na kung tila madulas o slimy na ang hasang, palatandaan ito na bilasa na ang isda.

Sa paghahanda ng ginataang tilapia, maaari na munang iprito ang isda. Maaari rin namang hindi na depende sa gusto o choice mo.

Maliban naman sa pagpili ng sariwang isda, isa pang magpapasarap sa ginataang tilapia ay ang gulay na iyong gagamitin. Sa ginataang tilapia recipe na ito gumamit tayo ng dahon ng mustasa. Pero maaari ring gumamit ng petchay, talong o kaya naman dahon ng malunggay. Mas ginagawa ng mga itong healthier ang ginataang tilapia at mas pinapaganda pa ang presentasyon nito.

Maaari rin itong lagyan ng sili para may konting anghang. Tantyahin lamang ang paglalagay ng sili para makain ng mga bata.

Procedure o paraang ng pagluluto ng ginataang tilapia recipe

  • Mag-init ng kawali at ilagay rito ang mantika.
  • Kapag mainit na ang mantika, saka igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  • Saka sunod na ilagay ang gata ng niyog.
  • Hintaying kumulo ang gata ng niyog saka ilagay ang isdang tilapia.
  • Takpan at hayaan itong kumulo sa loob ng sampung minuto.
  • Sunod na ilagay ang dahon ng mustasa o gulay na gusto mo. Hayaan itong maluto sa loob ng ilang minuto.
  • Sunod na timplahan ito gamit ang asin o patis. Maari rin itong lagyan ng paminta.
  • I-serve ito ng mainit-init pa.

Kung nais naman na may konti itong anghang ay magdagdag ng isa hanggang dalawang piraso ng sili sa iyong recipe bago ito ihanda.

Kung mabilis na mag-evaporate ang gata ng niyog na iyong ginamit ay maaring maglagay ng tubig sa iyong recipe.

May ibang gustong medyo maasim-asim ang kanilang ginataang tilapia recipe. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng 2 kutsarang suka matapos ilagay ang gata.

ginataang tilapia

Ginataang tilapia. | Larawan mula sa iStock

Source:

Lutong Bahay Recipe, LA Times

 

Partner Stories
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Ginataang tilapia: A simple yet yummy ulam for the family
Share:
  • Inihaw na tilapia: Sangkap at recipe

    Inihaw na tilapia: Sangkap at recipe

  • Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

    Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

app info
get app banner
  • Inihaw na tilapia: Sangkap at recipe

    Inihaw na tilapia: Sangkap at recipe

  • Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

    Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.