Mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas nagdiwang ng kanilang 20th wedding anniversary

Basahin dito ang palitan nila ng mensahe sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gladys Reyes at Christopher Roxas nagdiwang ng kanilang 20th wedding anniversary. Mag-asawa nagpalitan ng sweet na mensahe sa isa’t-isa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Gladys Reyes at Christopher Roxas 20th wedding anniversary.
  • Mensahe ng mag-asawa sa isa’t-isa.

Gladys Reyes at Christopher Roxas 20th wedding anniversary

Larawan mula sa Instagram account ni Gladys Reyes

Isa sa hinahangaang relasyon sa mundo ng showbizness ay ang sa mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Dahil isa sila sa may pinakamatibay na pagsasama lalo pa’t pagdating sa mga artista ang hiwalayan ay tila normal na. Pero para kay Gladys at Christopher, ang kanilang relasyon bilang mag-asawa ay iningatan nila. Sa katunayan, nitong January 23 ay nagdiwang sila ng kanilang 20th wedding anniversary.

Sa Instagram ay may mensahe para sa isa’t-isa sina Gladys at Christopher. Mula sa pagiging magkalove-team ay tinuloy nila ang kanilang pagmamahalan sa altar at nabiyayaan ng apat na anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Gladys Reyes

Mensahe ng mag-asawa sa isa’t-isa

Si Gladys may maikli at sweet na mensahe sa kaniyang una at huling boyfriend na si Christopher. Ito rin ang tinawag niyang kaniyang forever na 31 years niya naring ka-relasyon.

“My first, my last, my lifetime.
Happy 20th wedding anniversary and
happy 31st year of togetherness,
bebe @christopherroxas
Thank you God for “my forever”
#GladysAndChristopher20thWeddingAnniversary
#31yearsoftogetherness

Ito ang pagbati ni Gladys sa mister tampok ang larawan nilang magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Christropher ay may pabirong pagbati rin sa kaniyang misis sa kanilang 20th wedding anniversary.

“Imperfections makes it perfect..thank you God for giving me such a wonderful wife ..happy anniversary bebe 20 years..ayawan na🤣✌️kidding aside love you sooo much bebe..im truly grateful. ❤️🙏🏻😊”

Ito ang sabi naman ni Christopher sa misis at aktres na si Gladys Reyes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Gladys Reyes

Nagkakilala sina Gladys at Christopher sa programang “Mara Clara” ng ABS-CBN noong 1990s. Sila ay magkalove-team sa naturang programa na nauwi sa totoong buhay ang relasyon. At noon ngang January 2004 ay nagpakasal sila. Nirenew rin nila ang vows nila sa isa’t-isa nitong 2018.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement