Glaiza de Castro at asawang si David Rainey magpapakasal ulit dito sa Pilipinas

Ibinahagi ng aktres na si Glaiza de Castro ang plano nilang magpakasal ng asawa niya ulit na si David Rainey dito naman sa Pilipinas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Glaiza de Castro at kaniyang asawa na si David Rainey, ibinahagi sa publiko ang kanilang desisyon na muling magpakasal sa susunod na taong 2023.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Glaiza de Castro at David Rainey muling magpapakasal sa 2023
  • David Rainey at Glaiza de Castro wedding update

Glaiza de Castro at David Rainey muling magpapakasal sa 2023

Matapos ang rebelasyon noong month of Love tungkol sa pagpapakasal ni Glaiza de Castro at David Rainey limang buwan na ang nakakalipas ngayon, napagdesisyonan naman ng dalawa ang kanilang muling pag-iisang-dibdib.

Matatandaan na sa Ireland naganap ang intimate wedding ng dalawa. Subalit, hindi naman tago na ang kanilang initial plan ay ang maikasal dito sa Pilipinas. Ngayon ay nagawa ng i-announce ng kapuso actress ang muli nilang pagpapakasal na gaganapin naman dito sa bansa.

Larawan mula sa Instagram account ni Glaiza de Castro

Inamin ng aktres na hindi naging madali para sa kaniyang ang desisyong pagpapakasal sa ibang bansa dahil hindi niya kasama ang kaniyang pamilya at mga magulang. Ito ay dahil sa mahigpit na travel restriction na bunsod ng pandemya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi niya,

“It was a hard decision kasi siyempre mahirap dalhin ang buong pamilya ko dun. Ilan kami, parang 20 plus kami buong pamilya."

Kaya naman dahil rito, para sa kanila, mas makakabuti kung dalawang beses nilang gagawin ang kanilang pakikipag-isang dibdib. Sa ikalawang pagkakataon ay kasama na ang pamilya ni Glaiza at dito na ito gaganapin sa bansa.

Dagdag pa ni Glaiza de Castro,

“Para sa amin, if we can have two weddings, why not, 'di ba? A Filipino wedding and an Irish wedding. You know we can have the best of both worlds."

Ayon pa sa Kapuso actress na si Glaiza, aware ang dalawang pamilya ukol sa desisyon nilang dalawang mag-asawa. Ito ang ginawa nilang paghahanda ukol sa muli nilang pag-iisang dibdib.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pinaghandaan talaga namin, nagpaalam ako, nagpaalam naman siya. We actually had a meeting with both families. We discussed it with them. That’s actually the reason why I went there last September,” pagpapaliwanag ni Glaiza.

Larawan mula sa Instagram account ni Glaiza de Castro

Masaya-masaya at sabik ang dalawa sa presensya ng isa't isa dahil matagal silang dumanas ng long-distance relationship. Bagamat ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang sila ay ikasal, tila nao-overwhelm pa rin ang aktres sa lahat ng nangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Glaiza de Castro at David Rainey wedding update

Marami ang nag-aabang tungkol sa wedding update ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro at ng kaniyang husband na si David Rainey. Ito ay matapos nilang ianunsiyo noong buwan ng February ang tungkol sa kanilang wedding.

Sa isang panayam ng mag-asawa sa morning segment ng Unang Hirit, ipinasilip ng dalawa ang ilan sa mga kasalukuyan bilang newlywed couple. Samantala, nang tanungin ng mga Kapuso host ang aktres na si Glaiza kung kamusta ba ang buhay bilang mag-asawa,

“It’s great! Amazing, we’re finally together everyday,” ang kaniyang masaya at masiglang sagot.

Sa kasalukuyan ay naninirahan sila sa kanilang bahay na located sa Baler Aurora. Matagal raw nilang inintay ang pagkakataon na ito kung kailan lagi na nilang kasama ang isa't isa, at gigising sa umaga nang magkasama.

Larawan mula sa Instagram account ni Glaiza de Castro

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa aktres,

"We haven't been together for so many months. Ang hirap kasi ang tagal din naming long-distance."

Hindi naging biro ang ganitong set-up sa kanila. Mahirap ito para kay Glaiza at David partikular na sa pagkakaiba ng oras sa Ireland at Pilipinas. Nagkakaroon ng conflict sa time, dahil dito, magkaiba rin ang oras ng kanilang trabaho.

Samantala, ibinahagi naman ng dalawa ang kanilang morning routine bilang mag-asawa. Pagbabahagi ni Glaiza de Castro,

“We normally surf in the morning and then we run in the afternoon.”

Hindi rin daw mawawala ang pag-inom ng coffee bilang isa sa kanilang favorite bonding na mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapapansin din na parehong active sa pagwo-workout at exercise ang dalawa. Ito isang bagay na talaga namang pinagkakasunduan nila dahil pareho sila ng lifestyle.

Bukod pa rito, naibahagi sa panayam kasama ang Unang Hirit na dito na rin ipinagdiwang ng birthday ni David Rainey. Ito ang unang pagkakataon na magce-celebrate ng birthday si David kasama si Glaiza bilang mag-asawa.

Dahil rito, hindi naman nakalimutan ng Kapuso actress na si Glaiza na magbigay ng nakakakilig na birthday message para sa kaniyang husband na si David.

Larawan mula sa Instagram account ni Glaiza de Castro

Pagbati niya,

“Thank you for being so patient, [and] kind not just to me but to my family as well, with my friends. I know it’s hard but I know that you are trying.

We can do this together, I am always here.”