Educational TV shows na maaaring panoorin sa GMA Affordabox

Narito ang mga channels at programang mapapanood sa GMA affordabox. | Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga GMA affordabox educational shows na maaring mapanood ng iyong anak sa digital TV device na ito. Pati ang mga affordabox channels list na available dito.

Ano ang GMA affordabox?

Bago matapos ang buwan ng Hunyo ay inilabas sa publiko ang GMA affordabox. Ito ang pinakabagong digital terrestrial television provider o DTT device na pagmamay-ari at inooperate ng GMA Network. Maliban sa makakapanood ng iba’t-ibang channel sa telebisyon gamit ang device na ito, puwede rin itong maging multimedia player. Sa pamamagitan nito ay maari ng mag-play ng compatible video, music at iba pang files dito. Puwede rin itong maging personal video recorder na kung saan maaring i-record ang mga Kapuso at Heart of Asia programs. Mayroon din itong nationwide emergency warning broadcast system o EWBS na nag-aalert sa mga users nito ng paparating na kalamidad sa kanilang area.

Dahil nga sa hindi pagbibigay ng prangkisa ng kongreso sa broadcast giant na ABS-CBN, maraming mga Pilipino ang napagdesisyunang bumili at subukan ito. Lalo pa’t ayon sa GMA Network ito ay 40% na mas mura sa TV Plus na pinagmamay-ari ng ABS-CBN na dati nilang kalabang istasyon. Kaya naman sa ngayon mula ng mailabas ito, marami na ang nakabili ng GMA affordabox na higit pa sa kanilang inaasahan.

“We originally projected to sell 600,000 for this year but reception to the product has been overwhelming. We will definitely do more than our original projections.”

Ito ang pahayag ni Regie C. Bautista sa isang interview sa pahayagang Business World. Siya ang chief risk officer at first vice-president for corporate strategic planning ng GMA Network.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa digital TV viewing experience sa Pilipinas

Ayon parin kay Bautista, ang paglalabas nila affordabox ay isang hakbang alinsunod sa mandato ng gobyerno na itigil na ang broadcasting sa pamamagitan ng analog TV sa 2023.

“Since we believe that every Filipino home should be able to enjoy digital viewing, we endeavored to come up with a quality product that is accessible to the majority of TV viewing homes.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Bautista. Sa halagang P888 ay makakanood na umano ang mga Pilipino ng iba’t-ibang channel na ini-operate ng GMA News Media. Ang mga ito ay ang mga sumusunod na nakabase ang availability sa location ng user nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

GMA affordabox channel list

  • Heart of Asia
  • GMA
  • GMA News TV (GNTV)
  • Beam UHD TV31
  • CNN Philippines HD
  • DZRJ RadioVision
  • ETC
  • IBC 13
  • Inquirer 990 TV
  • Island Living
  • INC TV
  • Life TV
  • Light TV
  • Light TV SD1
  • NET 25
  • ONE PH
  • One Sports
  • Oras ng Himala
  • PCOO TV
  • RJ DigiTV
  • Rock of Manila
  • RTC
  • SALAAM TV
  • Shop TV
  • STV
  • TeleRadyo
  • Truth Channel
  • TV 5
  • TV Maria
  • UNTV
  • TV Shop
  • Zoe TV

Ayon sa GMA, inaayos nila na madagdagan pa ng dalawa pang digital channels ang affordabox bago matapos ang taong 2020.

GMA affordabox educational shows

Image from Freepik

May mga programa rin sa affordabox na makakatulong sa learning at development ng iyong anak at magbibigay rin sayo ng dagdag kaalaman. Karamihan sa mga ito ay mga dating programa na ng GMA na madalas na nirereplay sa GMA News TV.  Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

GMA

  • Art Angel
  • iBilib
  • Jackie Chan Adventures
  • Lovely Day
  • 5 and Up
  • Kap’s Amazing Stories
  • Pinoy Records
  • Aha!
  • Tropang Potchi
  • Agripreneur
  • Amazing Earth
  • Pinoy MD

TV5

  • Batibot

Beam TV

  • Pilipinas HD
  • Island Living Channel

UNTV

  • KNC Show
  • Trip Ko ‘To!

Iba pang programang mapapanood sa affordabox

Samantala, ang iba pang programang mapapanood sa GMA affordabox ay ang sumusunod na programa ng GMA Network:

Image from Freepik

News

  • 24 Oras
  • Saksi
  • Unang Hirit
  • At Home with GMA Regional TV (Davao, General Santos and Northern Mindanao)
  • Balitang Amianan (Dagupan and Ilocos)
  • Balitang Bisdak (Cebu)
  • GMA Regional TV Live! (Cebu)
  • One Mindanao (Davao, General Santos at Northern Mindanao)
  • One Western Visayas (Iloilo and Bacolod)

Drama

  • Bilangin ang Bituin sa Langit
  • Magkaagaw
  • Prima Donnas
  • Primetime
  • Anak ni Waray vs. Anak ni Biday
  • Descendants of the Sun
  • Love of My Life
  • Daig Kayo ng Lola Ko
  • Magpakailanman
  • Maynila
  • Tadhana

Comedy

  • Bubble Gang
  • Daddy’s Gurl
  • Dear Uge
  • Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento

Documentary

  • Born to Be Wild
  • Front Row
  • I-Witness
  • Imbestigador
  • Kapuso Mo, Jessica Soho
  • Reporter’s Notebook
  • Tunay na Buhay

Mga lugar sa bansa na available ang affordabox

Ngunit, ang affordabox sa ngayon ay hindi pa available sa buong bansa. Ito ay ang may signal at available lang sa sumusunod na mga lugar:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Metro Manila
  • Benguet
  • La Union
  • Pangasinan
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Batangas
  • Cavite
  • Laguna
  • Quezon
  • Rizal
  • Cebu
  • Bohol
  • Davao de Oro
  • Leyte
  • Davao del Sur
  • Davao del Norte

 

Source:

Business World, GMA

Kapuso comedian and dad Michael V. nag-positibo sa COVID-19

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement