Good Samaritan: Kilalanin ang mabuting siklista na tumutulong sa mga nangangailangan sa daan

Kilalanin si Khelvin Federigan isang "good samaritan" na siklistang may mabuting puso at ang mga taong natulungan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Breadwinner ng pamilya si Khelvin Federigan ng Cavite. Kahit na OFW ang nanay niya, hirap sila sa buhay. Madalas, kinakapos sila sa renta, kung kaya’t lipat sila nang lipat ng bahay. Ang mga nakababatang kapatid niya ang nag-aaral pa. At ang pagtustos sa tuition nila ay isa pa sa mga bagay na kargo ng binata.

Sa kasalukuyan, may dalawang trabaho si Khelvin para makatulong sa mga mahal niya sa buhay. Kahit madaming pasanin sa buhay, nakakatulong ang hobby niya na pagba-bike para samantalang gumaan ang pananaw niya.

Sa report ng TV patrol, kinuwento ni Khelvin kung paano nabago ng pagiging cyclist ang pananaw niya. Sa pagba-bike niya, marami siyang nakikitang tao, karamihan walang tirahan o hirap sa buhay. Tinuro nito sa kanya na may taong mas mabigat pang pinagdadaanan. Pero higit sa lahat, na-inspire siyang tumulong sa kapwa.

“Akala ko ako na ang may pinaka-malaking problema sa mundo. Kung tutuusin, maswerte pa rin pala ako,” sanaysay niya sa ABS-CBN’s TV Patrol.

Isang araw, habang nagbibisikleta siya, nadaanan niya ang isang pedicab sa gilid ng daan. Sa harap nito, may nakapaskil na panawagan para sa tulong. Nakasulat dito na galing sila sa Quiapo, Manila at sinusubukan nilang pumunta ng Batangas pier para makauwi sila ng Mindoro.

“Halos madurog yung puso ko nung nalaman kong meron palang tao doon sa pedicab,” sabi ni Khelvin. Nalaman niya na ang nakatira sa pedicab ay ang mag-asawang sina Alfred at Emilia Calderon. “Na-stroke po pala si nanay.”

Sa kagustuhan niyang tumulong, nagpost siya tungkol dito sa social media. Dahil sa post niya, nahikayat niyang tumulong din ang mga kapwa niyang siklista sa Cavite.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakauwi na ang mag-asawa sa Mindoro sa tulong ni Khelvin at ng mga kaibigan niya. Ngunit matapos ang ilang araw, pumanaw si nanay Emilia. Nag-post din si Khelvin tungkol sa nakalulungkot na balita, upang humingi ng tulong para kay manong Alfred at sa pamilyang naulila ni nanay Emilia.

Isang araw matapos ang paghatid nila sa mag-asawang Calderon, may isa pang natulungan si Khelvin: isang binatang nagngangalang Jayjay na isang linggo na palang hinahanap ng pamilya niya sa Bulacan. Lubos na nagpapasalamat ang mga magulang ni Jayjay dahil naibalik ni Khelvin ang nawawalang anak.

“Si Khelvin ang hinulog ng Panginoon para tulungan si (Jayjay),” ani Josephine Ylores, ina ng nawawalang binata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang ngayon, patuloy na tumutulong si Khelvin sa mga nangangailangan na nasasalubong niya sa daan. Maraming tumuturing na sa kanya bilang inspirasyon dahil sa mabuti niyang puso, na handang tumulong sa kapwa.

Panoorin ang buong report sa video na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

READ: Dad who lost his job travels on foot for 6 days to get home to family in Isabela

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Bianchi Mendoza